Natakot na lamang si Mia nang makita niya si Dave pero nawala ang takot nito sa mga sinabi ni Alex at Andra. Pumasok si Mia at Alex sa dining room habang inaayos ni Andra ang mga kailangan para sa kanilang hapunan, tinutulungan naman ni Dave ang asawa.
Mia: Pwede ko ba'ng malaman kung anong ginawa ninyo para makalabas ako sa bansang yon? Hindi naman sila naniniwala sa UN Council, kaya paano ninyo ako nailabas doon?
Alex: Nakipag-usap si Dave sa kanila na hindi alam nang UN Council, wag mo nang tanongin kung ano ang naging usapan nila. Ang mahalaga, nandito ka na at nakaligtas sa bansang yon.
Mia: Maraming salamat sa pagkakaligtas mo sa akin. Akala ko isa ka talagang masamang tao pero nagkakamali ako. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kapalit nang pagkakaligtas mo sa buhay ko, gagawin ko kaagad ito.
Alex: Mia, hindi mo kailangan gawin yan. Wala ka na sa bansa ninyo para gawin ang mga bagay na ginagawa mo doon, walang hinihingi si Dave na kapalit sayo.
Dave: Hindi ako hihingi nang kapalit pero bibigyan kita nang trabaho na hindi mo maaaring tanggihan. Alam kong magugustohan mo ang magiging trabaho mo lalo na at makakasama mo na lage ang fiancé mo.
Natigilan sila sa sinabi ni Dave saka nagkatinginan si Mia at Alex na napaisip. Dumating ang kanilang mga magulang at nakilala nang mga ito si Mia.
Anna: Hindi mo naman sinasabi sa amin na napakaganda nitong si Mia, Alex. Sana magustohan mo ang pagtira mo dito sa amin, wag ka ring mahihiya at ituring mo na kaming pamilya mo.
Ben: Anna, ihanda mo nga ako nang lemon tea.
Anna: Ano na naman ba kasi ang nakain mo at humihingi ka sa akin nang lemon tea? Sandali lang at ihahanda ko na muna, kumain lang kayo at babalik rin ako.
Umalis si Anna para ihanda ang hinihingi nang asawa, napatingin naman si Ben sa anak na si Alex at sa babaeng papakasalan nito.
Ben: Hindi ko alam kung anong nakita nang anak ko sayo at gustong-gusto ka nitong pakasalan pero siguraduhin mo lang na maging mabuti kang asawa sa kanya. Wag ka ring magkakamaling magdadala nang problema sa pamilyang ito, nagkakaintindihan ba tayo?
Andra: Dad, hindi naman masamang tao si Mia. Kahit lumaki siya sa bansang yon, iba pa rin siya sa mga taong nakikita mo sa mga balita.
Ben: Inosenteng titingnan ang mga mamamatay tao kaya wag kang magpapadala sa mga nakikita mo. Pare-pareho lang sila at wala silang ipinagkaiba, tapusin na natin ang pag-uusap na ito para matapos na ang lahat nang ito.
Dave: Hindi niyo pa naman kilala ang boung pagkatao niya kaya bakit ninyo siya hinuhusgahan nang ganito? Bakit? Alam niyo na po ba ang boung pagkatao ko?
Alex: Dave.
Pinigilan ni Alex si Dave, napatingin naman si Ben sa kanila. Bumalik si Anna na dala ang lemon tea nang asawa saka natahimik sila.
Anna: Anong pinag-uusapan ninyo?
Andra: Kung kailan na po ang magiging kasal nila para makapaghanda na sila sa kanilang mga kailangan ni Kuya Alex.
Anna: May alam akong wedding shop na siguradong magugustohan ninyo ang mga damit doon. Siguradong pag-uusapan na naman ito nang boung siyudad, kailangan nga pala natin ayusin na muna ang mga wedding invitations ninyo.
Nagkatinginan si Alex at Dave saka sa kanilang Ama na natahimik. Umiinum nang alak si Ben habang malalim ang iniisip, lumapit si Dave sa kanya na may dalang beer.
BINABASA MO ANG
If That's What It Takes
RomanceMalaki ang mundong ginagalawan natin at may pusong nakatadhana para sa isa't isa. May magmamahal nang tapat, may masasaktan sa pag-ibig, may magmamahal nang sobra, may malilinlang nang dahil sa pag-ibig at marami pa'ng iba na nangyayari sa ating buh...