Nakauwi na silang mag-asawa saka hinawakan ni Dave ang kamay ni Andra, napatingin naman ito sa kanya.
Andra: Dhie, inaantok na ako at gusto ko nang magpahinga. Bukas na lang natin pag-usapan ang mga sinabi nang kaibigan ko.
Dave: Hindi naman kita kakausapin tungkol doon, kailangan mong makapag-relax at marami pa naman tayong ginawa ngayong araw.
Andra: Makakapag-relax naman ako kapag nakatulog na ako. Ano ba sinasabi mo? Hindi ka kaya nahawa na lang sa kaibigan ko?
Ngumiti naman si Dave sa kanya na dinala siya sa kwarto nilang mag-asawa, inalis nito ang kanyang high heels saka hinilot ang mga paa.
Andra: Kapag lage mo itong ginagawa sa akin, mas lalo akong ma-iinlove sayo.
Dave: Dapat lang, gusto kong mas ma-inlove ka pa sa akin. Dahil para sayo lang ako at wala nang iba pa. Hindi ako nagpapagwapo para sa ibang tao kundi para sayo lang.
Andra: Tama na at kinikilig na ako baka saan pa mapunta ang usapan natin. Bakit ba ako nagkaroon nang gwapong asawa tapos may maganda pa'ng katawan? Sabi nga nang mga kaibigan ko, parang nanalo raw ako nang 50 Million.
Dave: Mas higit pa doon ang nakuha mo.
Hinalikan siya ni Dave nang dahan-dahan hanggang hinubaran niya ito at nakita niya ang magandang katawan nang asawa saka siya pinahiga nito. Kinaumagahan, naghahanda si Andra habang nag-aayos sa sarili niya. Kabibihis naman ni Dave na inaayos ang polo nito, natigilan si Andra sa kanyang ginagawa saka napahawak sa kanyang dibdib.
Andra: Dave? Hindi ako makahinga.
Kaagad lumapit si Dave kay Andra at napansin ang unti-unting pagkakaputla nito dahil hindi na nakakahinga nang maluwag. Binuhat niya ito saka dinala sa ospital, makalipas ang ilang oras lumabas si Dr. Millendez sa emergency room at kaagad namang lumapit si Dave sa Doktor.
Dr. Millendez: She's alright, nagkaroon siya nang side effects sa bagong medication na ibinigay ko sa kanya kaya nahirapan siyang huminga. Papalitan ko na lamang ito pero masyadong mataas ang dosage nang gamot na ito para sa kanya kaya kinakailangan ko na muna siyang obserbahan nang ilang araw dito.
Dave: Gawin niyo po kung anong nararapat, wag lang mahirapan si Andra sa kalagayan niya. Dalawang araw pa niyang iniinum ang bagong medication niya at ngayon lang siya inatake, siguraduhin niyo sana na maayos ang magiging lagay nang asawa ko pagdating sa bagong gamot na ibibigay ninyo sa kanya.
Dr. Millendez: I will, Dave. Excuse me at ililipat na namin siya sa private room.
Dave: Thank you, Doctor.
Dumating kaagad si Anna na nag-aalala sa kanyang anak kasama ang kaibigan nitong si Vicky.
Anna: Dave? Kumusta na si Andra?
Dave: Wag na po kayong mag-alala sa kanya, inatake siya dahil sa side effects nang bago niyang medication kailangan raw po muna niyang manatili dito para ma-obserbahan siya sa bago niyang medication.
Vicky: Nasa maayos nang kalagayan ang anak mo kaya wag ka nang mag-alala, nandito naman si Dave na mag-aasikaso kay Andra.
Anna: Hindi mo talaga pinapabayaan ang anak ko, maraming salamat at lage kang nasa tabi niya kahit na may malubha siyang sakit. Hindi ka man lang nagdalawang-isip na pakasalan ang anak ko. Panatag na ang kalooban namin nang Ama ni Andra, dahil nandyan ka. Maraming maraming salamat, Dave.
BINABASA MO ANG
If That's What It Takes
RomanceMalaki ang mundong ginagalawan natin at may pusong nakatadhana para sa isa't isa. May magmamahal nang tapat, may masasaktan sa pag-ibig, may magmamahal nang sobra, may malilinlang nang dahil sa pag-ibig at marami pa'ng iba na nangyayari sa ating buh...