Papasok na sina Andra sa club pero natigilan siya na napahawak sa kanyang wedding ring saka napatingin sa kanyang mga kaibigan.
Andra: Girls, kayo na lang ang pumasok. Hindi ko kasi kayang hindi magpaalam sa asawa ko, alam niyo rin naman na bawal sa akin ang magpuyat, dahil sa kalagayan ko.
Ngumiti ang magkakaibigan kay Andra na naintindihan siya. Naghihintay nang masasakyan si Andra pero napapaisip siya sa ginawa niya kanina sa asawa kaya naglakad-lakad na muna siya hanggang napansin niya si Dave na nakatingin sa kanya, lumapit siya kaagad sa asawa.
Andra: I'm sorry, hindi dapat ako nag-taray sayo kanina tapos hindi man lang ako nagpaalam na sasama ako kina Ivy.
Dave: Bakit hindi ka man lang tumuloy kanina?
Andra: Iniisip kasi kita, ayaw kong may mis-understanding tayong dalawa.
Dave: Ikaw lang naman itong matapang kanina, nagtatanong lang naman ako.
Andra: May nagtatanong ba'ng halos sigawan mo na ako?
Dave: I'm sorry, nag-aalala lang ako kapag nagtatagal ka at wala ako sa tabi mo. Alam mong mahal na mahal kita at ayaw kong may nangyayari sayong masama.
Andra: Mahal na mahal rin kita kaya pinag-iingat ko ang sarili para sayo.
Ngumiti sila sa isa't isa saka niyakap ni Dave si Andra. Naglalakad ang mag-asawa na magkahawak ang kamay habang nag-uusap.
Dave: Nakatanggap ako nang urgent message galing sa UN, tungkol sa bansang naglunsad nang Genocide sa mga katutubo nila. Gusto nila akong makausap nang harap-harapan sa lalong madaling panahon.
Andra: Haharapin mo ba sila?
Dave: Hindi sapat sa akin ang dahilan nila para makipagkita ako sa kanila. Mukhang may binabalak na naman sila kaya gusto nila akong makilala. Kaya simula ngayon, wag ka na munang lumalayo sa akin o di kaya lage kang magpasama kay Mia. Delikado ang sitwasyon nating dalawa, kaya wag kang magtitiwala sa mga bagong kakilala.
Andra: Naiintindihan ko.
Dave: Bumalik rin si Daisy at hinarap niya ako kanina.
Natahimik si Andra sa sinabi ni Dave, napatingin naman ito sa kanya.
Dave: Alam niya ang pagkatao ko pero hindi niya alam na alam mo na ang pagkatao ko. Binalaan niya ako kanina na sasabihin niya sayo kung sino ako pero sinabihan ko siya na wag kang pakikialaman.
Andra: Ano ba kasi problema nang babaeng yan? Hindi ba't may asawa na rin siya?
Dave: Isa siyang human rights activist kaya ganoon na lang ang galit niya sa akin. Dapat nga matagal na siyang patay pero sinabi ko na pabayaan na lamang siya at wala pa naman siyang ginagawa.
Andra: Paano kapag may ginawa siya?
Dave: Kapag may ginawa siya at idinamay ka niya, ako mismo ang magpapatahimik sa kanya. Kaya kapag may nangyari sayo, gugulohin ko ang lahat bilang kabayaran nang pananakit nila sayo. Ayaw na ayaw kong pinapakialaman, hindi pa nila nakikita ang totoong nagagawa ko.
Andra: Kung may mangyari man sa akin, sana maisip mong hindi lahat nang pangyayari sa mundong ito, kaya nating pigilan o kontrolin. May mga bagay na hindi natin kayang pigilan, may masasaktan man pero may dahilan ang lahat kaya wag kang sumuko kaagad. Naiintindihan mo ba ako, Dave?
Hinawakan ni Dave ang mga kamay ni Andra at inilagay sa kanyang mga balikat saka niyakap ito nang mahigpit na hindi sinagot ang tanong nito sa kanya. Kararating lang nang mag-asawa sa bahay at napansin nila si Dariel na naghihintay sa labas.
BINABASA MO ANG
If That's What It Takes
RomanceMalaki ang mundong ginagalawan natin at may pusong nakatadhana para sa isa't isa. May magmamahal nang tapat, may masasaktan sa pag-ibig, may magmamahal nang sobra, may malilinlang nang dahil sa pag-ibig at marami pa'ng iba na nangyayari sa ating buh...