Chapter 9

513 10 0
                                    

Nakauwi na si Andra kasama si Dave at sinalubong sila kaagad ni Anna na nag-aalala nang husto. Nandoon naman sina Richard at Bella kasama si Dariel, niyakap ni Anna si Andra na napaiyak habang hinahaplos ang pisngi nang anak.

Andra: Nasa grocery lang po ako, naiwan ko naman ang bag ko sa baggage counter tapos nakalimutan ko pa ang phone doon. Ayos lang po ako, natagalan lang ako sa paghahanap nang mga ingredients ni Ate Alice para sa cupcake na gagawin niya.

Anna: Mabuti na lang at nahanap ka kaagad ni Dave, akala namin ikaw yong nasagasaan kanina. Hawak pa naman nang babaeng yon ang damit mo, salamat at ligtas ka.

Richard: Humihingi rin kami nang sorry sa ginawa nang anak namin, hindi na ito mauulit at pagsasabihan naman namin itong si Dariel.

Dariel: Hindi ko talaga sinasadya ang mga nangyari, nakita ko kasi ang damit na pina-laundry ni Andra nang ihatid ko siya sa shop kanina. Hindi ko naman inaasahan na ninakaw pala yong damit niya tapos ang magnanakaw mismo ang nasagasaan na akala ko naman siya.

Alice: Muntik na akong naniwala kanina na kapatid ko ang bangkay na yon, mabuti na lang at nandito si Dave na hindi kaagad naniwala sa mga pinagsasabi mo.

Ben: Hindi ba't isang linggo ka pa'ng mawawala, Dave?

Dave: Tinapos ko po kaagad ang trabaho ko para makabalik kaagad dito, ayaw ko kasi na nag-iisa ang asawa ko. Urgent rin ang trabahong naghihintay sa akin dito kaya dapat na akong makabalik sa opisina namin bukas.

Ben: It's good that you're back and Andra is here with us. Let's just have a good dinner tonight to celebrate the newly married couple.

Dumating naman si Dreb doon na bumati sa kanila, itinulak ni Andra si Alice na lumapit sa lalaking may dalang bulaklak para sa kanya.

Andra: Ate, ang haba talaga nang buhok mo mukhang umabot hanggang talampakan mo.

Alice: Dave, pakainin mo na nga ang maganda kong kapatid.

Natatawa si Andra habang hinatak siya ni Dave papunta sa dining room.

Dreb: May celebration yata kayo nang pamilya mo, hindi ba ako nakaka-istorbo?

Alice: Wala naman, nagkaroon lang kami nang family gathering. Salamat nga pala sa flowers, pumasok na tayo para magawa na natin ang cupcake baka kasi gabihin pa tayo nito.

Dreb: Ayos lang yon, sanay naman akong mapuyat. Let's start?

Inaayos ni Andra ang higaan nilang mag-asawa nang natigilan siya na napahawak sa kanyang dibdib, kalalabas naman ni Dave sa banyo nang makita si Andra na natigilan sa ginagawa nito.

Dave: Nahihirapan ka ba'ng huminga? Anong pakiramdam mo?

Andra: Hindi lang ako masyadong nakahinga nang maluwag pero umayos naman ang paghinga ko. Ayos lang ako, siguro kailangan ko nang magpahinga.

Dave: Humiga ka na at wag ka nang kumilos, dapat nagpapahinga ka na pagkatapos mong maka-inum nang medication. Marami ka rin ginawa kanina kaya ka nahirapan sa paghinga.

Andra: Pupunta nga pala ako bukas sa ospital para sa monthly check up ko, kailangan ko rin ayusin ang magiging heart transplant ko. Nasabi kasi kanina ni Tita Bella at Mommy na kukunin nila bukas ang pera sa banko.

Napatingin si Dave kay Andra habang nakaupo na ito sa kama na inaayos ang kumot. Tumabi si Dave sa kanya na pinasandal siya sa balikat nito.

Dave: Sasamahan kita bukas, handa ka na ba sa magiging heart transplant mo?

If That's What It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon