Papasok sa opisina si Andra kasama si Mia nang lumapit si Daisy sa kanila.
Daisy: Ikaw ba si Mrs. Gonzales?
Andra: Oo, ako nga. Bakit?
Daisy: Ako naman si Daisy Rivas, ako ang isa sa mga bagong magtuturo nang ilang linggo dito. Gusto ko ring makilala ang mga makakasama ko dito, nasabi nila na sayo raw ang klaseng ito. Gusto ko lang malaman kung ano pa ang mga kailangan ko bago ako makapagsimula mamaya.
Napatingin si Andra sa babae na nakilala niya, ito ang babaeng sinasabi ni Dave sa kanya.
Andra: Mauna ka na, Mia. Tutulungan ko na muna siya sa mga kailangan niya.
Mia: Hihintayin na lang kita sa opisina.
Umalis si Mia doon na napatingin sa babaeng nakangiti sa kanya. Tinulungan naman ni Andra si Daisy sa mga kailangan nito habang napapatingin sa kanya.
Daisy: Dati na rin akong nagtuturo dito kaya lang biglang nagbago ang curriculum nila kaya naninibago na rin ako. Pasensya ka na kung ikaw pa ang nilapitan ko.
Andra: Ayos lang naman yon, mamaya pa naman ang klase ko.
Daisy: Baka kasi hinihintay ka na ni Sir Dave ngayon.
Andra: Nasa meeting siya ngayon at marami rin siyang ginagawa, mamaya pa naman kami magkikita sa lunch break. Mukhang kompleto na itong mga kailangan mo kaya siguradong handa ka na sa klase mo.
Daisy: Maraming salamat. Talagang napakabait mo, maswerte ka rin sa asawa mo pero kilala mo na ba talaga ang lalaking pinakasalan mo?
Andra: Anong ibig mong sabihin?
Daisy: Sasabihin ko na sayo ang totoo kung sino ako. Ako ang dating girlfriend ni Dave, matagal kaming nagsama pero nakipaghiwalay ako sa kanya dahil sa mga nalaman ko sa totoo niyang pagkatao. Hindi siya ang lalaking inaakala mo, sa kabila nang pagiging perfect man niya, isa siyang masamang tao.
Andra: Hindi kita naiintindihan, Daisy. Marami na kayo ang nagsasabi na masamang lalaki ang asawa ko pero hindi ko naman ito nakikita sa kanya.
Daisy: Andra, wag kang magpapaloko sa kanya. Magiging magulo ang buhay mo kapag hindi mo pa siya hiniwalayan. Makinig ka sa akin, hindi siya ang lalaking pinapangarap mo, ang taong tulad niya ay dapat na mawala sa mundong ito.
Andra: Pasensya ka na pero hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Kung masamang lalaki nga ang asawa ko tulad nang mga sinasabi ninyo sa kanya, bakit hindi ko man lang ito nakikita sa kanya o kahit naramdaman? Hindi lang ikaw ang nakapagsabi sa akin nang ganito, marami na kayo.
Daisy: Niloloko ka lang niya! Wag kang magpapadala sa mga sinasabi niya sayo!
Andra: Daisy, wag mo na akong kakausapin tungkol dito. Maiwan na kita.
Umalis si Andra doon habang masama ang loob ni Daisy sa kanya, umalis naman ito doon. Napatingin si Andra kay Daisy saka napansin niya si Dave na nakikinig sa kanila habang nasa tabi nang pintuan.
Dave: Ayos ka lang ba?
Andra: Namamanhid lang ang mga kamay ko, narinig mo ba ang mga sinabi niya?
Lumapit si Dave sa kanya saka hinawakan kaagad ang kamay niya at hinilot ito.
Dave: Nang malaman ko na pumasok siya dito para makapagturo, alam ko nang gagawin niya ito. Hindi ka niya titigilan hangga't hindi ka niya nakukumbinse kaya papaalisin ko na siya dito habang maaga pa.
BINABASA MO ANG
If That's What It Takes
RomanceMalaki ang mundong ginagalawan natin at may pusong nakatadhana para sa isa't isa. May magmamahal nang tapat, may masasaktan sa pag-ibig, may magmamahal nang sobra, may malilinlang nang dahil sa pag-ibig at marami pa'ng iba na nangyayari sa ating buh...