Chapter 5

626 9 0
                                    

Nakita ni Ben ang picture ni Alice sa social media kasama ang isang lalaki, kausap naman ni Anna ang anak na si Oliver na nag-aalala sa kapatid.

Anna: Maayos na ang kalagayan niya kaya wag ka nang mag-alala, wag mo na rin sabihin ito kay Alex baka mag-alala na naman yon sa bunso ninyo. Nagpapahinga na siya ngayon at nasa tabi naman niya si Dave.

Ben: Pagkatapos nang kasal ni Andra at Dave, ipagkakasundo natin si Alice kay Dreb para matigil na ang kahibangan niya sa lalaking ito. 

Alice: Hindi ako papayag! Dad, wag mong gawin yan sa akin! Hindi ako magpapakasal sa hindi ko kilala, hindi naman ako katulad ni Andra na mahuhulog kaagad ang loob sa kahit sino. Kahit na anong mangyari, hindi ko susundin ang gusto ninyo!

Dave: Dahil mas gusto mo si Ram na walang direksyon ang buhay at napapasaya ka nito? Gusto mo nga ang nagpapasaya sayo pero sasaktan ka lang nang lalaking ito at hindi lang ikaw ang babae sa buhay niya. Hindi nga kayo magkatulad ni Andra pero alam nang kapatid mo kung sino ang dapat mahalin o kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Ikaw? Alam mo ba kung anong ginagawa mo?

Alice: Wag kang makialam sa pamilya namin. Hindi totoo ang magiging kasal ninyo nang kapatid ko kaya wala kang karapatan sa pamilyang ito.

Ben: Legal ang magiging kasal ni Andra at Dave bukas, napag-usapan na namin ito ni Richard at sumang-ayon si Dave. Kaya simula ngayon, parte na nang pamilya si Dave at may karapatan na rin siyang makialam.

Anna: Tama ang sinabi ni Dave, Alice. Alam mo ba talaga ang ginagawa mo? Alalahanin mong sinasaktan mo na kami na pamilya mo kaya pag-isipan mo ang gagawin mo bago ka makapag-desisyon. Hindi ka na nga bata pero kailangan mo pa rin kaming mga magulang mo na gagabay sayo sa bawat ginagawa mo sa buhay.

Natahimik na lamang si Alice sa sinabi nang kanyang mga magulang.

Dave: Nagpapahinga na po si Andra ngayon kaya wag na kayong mag-alala sa kanya. Wala namang may kasalanan sa nangyari sa kanya kaya wag niyo raw sanang sisihin si Alice at pabayaan na rin muna natin siyang makapag-isip, ang mahalaga ligtas na si Andra.

Anna: Gusto ka nga pala makausap ni Oliver, Dave.

Ibinigay ni Anna ang phone kay Dave, napatingin naman si Ben sa kanyang anak na napaupo sa tabi habang napaisip.

Oliver: Dave, salamat at nandyan ka nang inatake si Andra. Mabuti na lang at ikaw mismo ang papakasalan nang bunso namin, mapapanatag na ang kalooban namin ni Alex.

Dave: Talagang alam mo kung sino ang dapat na makasama nang kapatid mo.

Oliver: Matagal naming pinag-usapan ni Alex na dapat malagay sa tahimik si Andra bago kami makabalik sa bansa at ikaw ang una naming naisip dahil alam namin kung paano mo alagaan ang isang tulad ni Andra na may sakit. Ang inaalala lang namin, baka iiwan mo na lang siya kapag gumaling na ang kapatid namin.

Dave: Hindi ko maaaring iwan si Andra o kahit hiwalayan pa ito. Masaya ako kapag kasama ko siya at kontento na akong siya ang maging asawa ko. Kaya hinding-hindi ko siya hihiwalayan kahit makuha pa nila ang pera o gumaling pa siya. Ang mahalaga, mananatili kaming magkasama.

Oliver: Hindi ko inaasahan na maririnig ko yan sayo. Akala nga namin ni Alex na papakasalan mo na si Daisy pero nalaman na lang namin na iniwan ka pala nito.

Dave: Hindi lang si Daisy ang nang-iwan sa akin na hindi man lang nagpapaalam, marami na sila. Parang hindi sila makapaghintay kaya naghanap na lang nang iba para pakasalan sila. Wag na nating pag-usapan ang nakaraan, hindi na yon mahalaga para sa akin. Ang kapatid mo na ang mahalaga sa buhay ko ngayon at wala nang iba.

If That's What It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon