Chapter 24

28 1 0
                                    

Napatingin silang lahat kay Dariel nang sabihin nito na boyfriend niya si Drandreb, natatawa naman si Andra sa kanila.

Oliver: Ok, that's the start up. Let's all enjoy our food before anything else at pabalik na rin sina Alex para naman makilala nila ang husband ko.

Nasa dining room sila habang hinahanda ni Oliver ang mga pagkain para sa tanghalian.

Geffrey: Matagal na talaga naming gustong humarap sa inyo ni Oliver pero natatakot kasi siya, mabuti na lang at tinanggap na ninyo kami. I'm so sorry kung medyo natagalan ang pagsasabi namin sa inyo tungkol sa relasyon namin.

Andra: Ayos lang naman sa amin, ang mahalaga masaya kayo sa isa't isa. Tanggap na rin siya nang Mommy namin at nang mga kapatid namin.

Geffrey: Sayang nga lang at hindi ko sila naabutan, sinabi kasi sa akin ni Oliver na nagbakasyon ang Mommy ninyo, habang kaaalis naman nang isa ninyong kapatid.

Oliver: Makikilala mo rin sila, uuwi rin naman sila dito.

Geffrey: Nasaan naman ang asawa mo, Andra?

Andra: Kaaalis lang rin niya, dahil sa trabaho. Hindi ko pa alam kung kailan siya makakabalik, pasensya ka na kung kami lang muna ang nakilala mo.

Geffrey: No, I understand. I'm happy that you've all accepted us.

Dumating si Alex kasama si Mia na maraming pinamili, natahimik naman sila na napatingin sa kanila, sinalubong ni Oliver ang kapatid at kinuha ang mga pinamili nito.

Alex: So, we've meet again.

Tumayo si Geffrey at lumapit kay Alex, natigilan naman silang lahat na napatingin sa kanila saka iniabot ni Alex ang kamay niya kay Geffrey, nagkamayan ang dalawang lalaki na parehong ngumiti sa isa't isa.

Oliver: Tama na nga yan at kumain na tayo, akala ko magkakasuntokan na kayong dalawa dyan. Umupo ka na rito, Mia. Pabayaan mo muna yang asawa mo, halika na dito.

Nagtawanan sila at nagkwentohan nang ilang oras, masaya silang magkakasama sa tanghalian na inihanda ni Oliver para sa kanila. Nag-iisa si Andra na nakaupo sa balkunahe nila habang malalim ang iniisip, lumapit si Alex sa kapatid.

Alex: Hindi ka pa ba inaantok?

Andra: Baka kasi tumawag si Dave, hindi pa rin naman ako inaantok.

Alex: Andra, dapat maging matapang ka, hindi kasi madali ang trabaho ni Dave. Wag kang mag-alala, babalik rin siya para magkasama kayong dalawa.

Andra: Ayaw ko nang masaktan, Kuya. Mahirap ang masaktan na naman, baka hindi ko na lang kayanin kapag may nangyari kay Dave. Alam kong gusto niya ang trabaho niya pero lageng nanganganib ang buhay niya. Sinusuportahan ko siya sa mga ginagawa niya, yon nga lang natatakot ako para sa kanya.

Alex: Nawalan ka na ba nang tiwala sa asawa mo? Alam ni Dave ang kailangan niyang gawin, kailangan mo lang magtiwala sa kanya.

Napaisip si Andra sa sinabi nang kapatid. Pumasok si Andra sa trabaho niya at nasa bagong opisina na rin siya nang Northwestern.

Irene: Ang ganda naman nang opisina mo, Andra.

Andra: Irene? May trabaho ka na ba dito?

Irene: Ano pa nga ba? Nalaman ko nga pala na kaaalis lang nina Ivy para magtrabaho sa abroad at mag-aral, iniwan ka na lang nila dito.

Andra: Para naman yon sa kanila ang ginagawa nila atsaka masaya na po ako sa buhay ko dito. Bakit ko pa hahanapin sa ibang bansa ang kapalaran ko kung nandito naman ito sa tabi ko?

If That's What It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon