Niyakap ni Dave si Andra na hindi makapaniwalang bumalik na ang asawa niya, napatingin naman si Alex at Mia sa kanila.
Dave: Hindi ko hahayaan na masaktan ka, gagawin ko ang lahat para sayo. Mananatili lang ako sa tabi mo simula ngayon, hindi na ako aalis.
Andra: Anong ibig mong sabihin?
Dave: Sinabi ko sa kanila na kapag hindi nila ako pinabalik sayo, sisiguraduhin kong gugulohin ko ang boung mundo. Kapag ginalaw pa nila tayo ulit, mas matindi pa ang gagawin ko.
Andra: Hindi mo lang talaga matiis na lumayo sa akin, nababaliw ka na nga sa akin.
Dave: Talagang nababaliw na ako sayo.
Andra: May dapat ka ring malaman.
Hinawakan ni Andra ang kamay ni Dave at inilagay sa tiyan niya, nagulat naman si Dave na naintindihan kaagad ang ibig sabihin ni Andra sa kanya, natulala na lang siya na hindi kaagad nakapagsalita.
Andra: I'm four weeks pregnant, magiging Daddy ka na.
Dave: Magkaka-anak na tayo? Kailan mo lang nalaman? Bakit hindi sinabi ni Ricky sa akin ito? Kumusta naman kayo nang magiging baby natin? Anong sinabi nang Doktor mo?
Andra: Isa-isa lang ang tanong, pwede? Noong nakaraang araw ko lang nalaman, healthy naman kami nang mga anak mo at binigyan rin ako nang vitamins naming mag-iina.
Dave: Dalawa sila?
Andra: Kambal ang magiging anak natin.
Masayang-masaya si Dave na kaagad hinalikan si Andra at binuhat ito. Natatawa naman si Alex at Mia sa kanilang dalawa.
Alex: Akala namin kung sino ang back-up na sinasabi ni Ricky, kailan ka lang nakabalik?
Dave: Kababalik ko lang, tinakot ko kasi sila na kapag hindi ako nakabalik sa asawa ko, gagawa ako nang mas malaking gulo na hinding-hindi nila makakalimutan.
Mia: Wag mo na sanang iwan si Andra na nag-iisa, nalulungkot pa naman siya.
Dave: Talagang hindi ko na siya iiwan kahit kailan.
Andra: Maniwala ako sayo, isang beses mo pa lang itong ginawa sa akin kaya sigurado akong may pangalawa pa. Mas mahalaga pa naman sayo ang trabaho mo at hindi mo rin yan pwedeng ipagpalit o iwan.
Dave: Kaya kong iwan at ipagpalit ang trabaho ko para sayo, ikaw ang mas mahalaga para sa akin, kayo nang mga magiging anak natin. Mahal na mahal kita, Andra.
Andra: Mahal na mahal rin kita, Dhie.
Hinalikan ni Dave si Andra at niyakap ito. Sa bahay nang mga Laviste, nagkaroon sila nang get together na magkakapatid kasama ang kanilang mga asawa. Kausap naman ni Andra si Alice sa video call habang naghahanda pa nang pagkain ang lahat.
Alice: Sinasabi ko na nga ba'ng buntis ka! Kailan pa ako nagkamali sa isang tingin ko lang? Naka-one strike lang yata si Dave? Nakabuo kaagad siya nang kambal, paano niyo yon ginawa?
Andra: Magaling talaga ang asawa ko sa lahat nang bagay kaya kambal kaagad ang anak namin. Gumawa na lang kayo ulit ni Ram kapag nanganak ka na.
Alice: Ayoko na, nakakapagod kayang magbuntis. Ang dami ko pa'ng arte, madadaanan mo rin ang pinagdadaanan ko ngayon. Mabuti na lang at mataas ang pasensya nang asawa ko.
Oliver: Tapusin niyo na ang kwentohan at kakain na tayo. Alice, wag kang masyadong magtataray dyan kay Ram at baka maitapon ka nang asawa mo sa labas nang bahay.
BINABASA MO ANG
If That's What It Takes
RomanceMalaki ang mundong ginagalawan natin at may pusong nakatadhana para sa isa't isa. May magmamahal nang tapat, may masasaktan sa pag-ibig, may magmamahal nang sobra, may malilinlang nang dahil sa pag-ibig at marami pa'ng iba na nangyayari sa ating buh...