CHAPTER 07: HAPPY UNLUCKY US

5 0 0
                                    

QUINN'S POV

Nagka tinginan kami. Ang lapit nang mga mukha namin. Walang ni isa ang umimik. Talagang tutok na tutok kami sa isa't -isa. Ang mga mata niya. Talagang ang gaganda. Parang tinatawag ang pangalan ko. Ngumisi siya.

"You feel burdened, right?" Tanong niya with nakakaloko smile.

Hindi ako nakasagot. Gosh!

"One... You get off me first. Two... I get off first. Three... " Tumingin siya sakin. Saking labi. "Since we're already in this position, we just go for it." Sabi niya. With nakakaloko smile. Hahalikan na sana niya ako. Kaya ako na ang unang tumayo.

Nahirapan akong tumayo kaya tinulungan na niya ako. Ang hapdi nang braso ko. Pagka tingin ko dun. What the.. Nasugatan ako. Lumapit sakin si Collin para tulungan niya akong makawala sa mga ugat nang halamang nakatali sa paanan ko. Habang ginagawa niya ang ginawa niya tinanggal ko ang mga gloves ko at nakita ko din yung gloves na nabutas. Hayst siguro dahil ito sa pagkabagsak namin. Matapos ni Collin putulin ang mga halaman sa paanan ko tumingin siya sakin. Kaya tinago ko  ang braso ko. Napansin niya yata.. Kaya..

"Ano yan? Nasaktan kaba?" Tanong niya.

"Wala" Sagot ko.

"Patingin nga" lumapit na siya sakin. Kaya nakita niya ang sugat ko. "Nasugatan ka.. " sabi niya. "Sorry... Dadalhin na kita sa clinic." Sabi niya.

"Ahh.. Hindi naman ganon ka lala. Maliit lang toh." Sabi ko.

"Kahit na. Nasaktan ka parin.." Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tyaka hinila hanggang makarating kami sa clinic. Tinignan niya ang mga kamay naming magkahawak. Kaya hinila ko pero pinigilan niya. Anong problema ng lalaking toh? Tsh.

COLLIN'S POV

Nasugatan siya kaya nasaktan siya. Kasalanan ko to. Hawak-hawak ko parin ang kamay niya. Hanggang sa clinic. Lumapit saamin ang nurse.

"Nurse gamutin nyo po ito. Nasugatan po siya habang naglilinis kami sa garden eh."

"Sege po. Hali ka dito Miss." Sabi ng nurse.

Tinignan ni Quinn ang magkahawak naming kamay. This time ako na ang bumitaw. Nung matapos na siyang gamutin lumabas narin kami sa clinic at bumalik sa garden.

"Ako nalang ang tatapos nang paglilinis tutal tumulong kana naman kanina." Sabi ko sakanya.

"Tulungan na kita. Okay lang naman ako" Sabi niya.

"Hindi. Mamaya ka nalang tutulong kapag mag didilig na. Okay? Huwag matigas ang ulo Quinn" Sabi ko sabay tawa. Kaya tumawa din siya.

Maliit lang naman ang tatapusin ko. Kaya madali lang akong natapos. Kaya nag dilig na kami nang mga halaman. Ang tahimik na. Kaya pinoint ko ang hose sa gawi niya. Nabasa siya nang kunti. Ngumisi ako.

"Oooppss sorry. Hahaha" Sabi ko.

Kaya gumanti din siya sakin. Nag gantihan na kami. Hinabol niya ako. Hindi niya ako mahabol dahil ang bagal bagal niya. Hahaha. Sa hindi inaasahang pagkakataon dumating si Mr.Brillantes at imbis na ako ang mabasa si Mr.Brillantes ang nabasa ni Quinn. Patay...

"You two! Plus 10 penalty points! Since mga basa na kayo. Go clean the swimming pool after lunch!" Sabi niya sabay walk-out. Patay...

Tinignan ko si Quinn. Akala ko galit siya sakin. Tumawa lang siya kaya tumawa din ako.

CAN I CALL YOU MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon