CHAPTER 11: ASSUMING?

6 0 0
                                    

BRYAN POV

Nanalo sila Deah Saraceno. Ang galing niya. Ang cool niya. I really like her. I want to know her more. This girl is really interesting.

Tapos ito namang mga babae sa likuran ko ang iingay! Grabi maka tili.
"Oh my gosh girls! Look at Bryan! Oh my gosh ang gwapo niya talaga. Crush ko talaga siya" Tili ng babae.

"Oo nga! Yiieeeee!! Sana mapansin niya tayo." Tili din ng isang babae.

Sa ingay nyong yan? Hindi mapapansin? Nakakarindi na nga!

"Nasan kaya sila Josh at Collin? Mas crush ko si Collin kahit cold siya. Oh my gosh!!" Tili din ng isang babae.

I really hate girls like them. Ang panglabas na anyo lang ang tinitignan. Kapag gwapo ka crush kana agad nila. Kahit hindi pinapansin tumitili. And the worst part is, sila ang nag fi-first move kapag may gusto sila. Tsh! That kind of girl is just absurd.

Tapos kapag hindi naman gusto iiyak sa harap mo at mag mamaka-awa. Hindi naman sa pinpoint ko lahat ng babae. Yung iba lang. Yung ganyan ka obsess. Marami na kasi kaming na experience na mga ganyan. May nag co-confess nga tapos bigay love letter duon, chocolates or mga things! Ayoko ng mga babaeng ganyan. Hindi naman sa high lang talaga ang standards ko kaya hindi nila ma reach. Kasi sa totoo lang I don't even have an ideal girl. Wala akong standards sa mga ganyan-ganyan. Gusto ko lang yung babaeng nagpapatibok ng puso ko. Yung tipong ako ang mag effort at ako ang maloloko o mabubuang. Lol. At pag darating siya. Siya na talaga ang for keeps ko.

In short hindi ko type ang mga babaeng ako ang hinahabol kasi nawawalan ako ng interes sa kanila. May nagagandahan ako pero dun lang yun. May nasesexyhan. Pero never nagka gusto. At never may minahal. Mommy ko lang. Mommy.

Tapos kami pang mga lalaki ang sasabihan na paasa? Or manloloko? Hindi naman namin yun ginusto diba? Sinabi ba naming gustuhin nila kami? Hindi diba? Problema na nila yun. Kaya nga hindi kami nag titino sa mga ganyan eh. Hahah! Pero si Collin? Matagal na yang matino.

Saaming magkakaibigan si Collin ang pinaka seryoso pagdating sa babae. Once in a blue moon lang kasi siya magkakainteres sa babae. Kahit tumingin nga never. Snober siya. Cold type siya. Kaya nga siya din ang habulin kasi hindi siya ang humahabol. I mean never. Simula nung dumating si Cheska sa buhay niya wala na siyang ibang minahal kundi si Cheska, kapatid niya, at Lola niya. Siya lang kasi ang unang naka hanap ng tunay na pagmamahal. Wala kasi siyang paki-alam sa mga ganyan. Cold siya. Snober. Pero nung dumating si Cheska? Nagbago na siya. Parang si Collin nga ang pinaka opposite saming tatlo.

Si Josh naman... Marami nang mga babaeng nakipag break sa kanya. Hahah. Seryoso naman siya pero siya din naman ang iniiwan. Madali lang siyang maattract sa babae. Pero limited din yang pagmamahal niya. Never pa yang na busted pero palaging binreakan. Hindi naman ang babae ang problema eh. Siya naman. Kaya hindi na siguro natiis ng mga babae kaya sila nalang ang unang nakipag break tutal dun naman yun patungo diba? Bakit pa ba titiisin ang mga nangyari kung sa simula pa lang nagsasawa ka na? Nakng

Lol. Saan galing yun?

Pero marami din yang nabusted na babae yang si Josh. Haha. Pero mas marami kay Collin. Lalo na sakin. Haha. Saaming tatlo kasi. Ako ang pinaka Charming. Lol.

At ako? Wala lang. Ako lang naman ang nang iwan sa kanila. May trust issues kasi ako sa mga babae. Wala lang. Secret. Lol. Binalik ko na ang paningin ko kay Deah.

Pinanuod ko lang siya. May kinawayan siya. Pagka kita ko kung sino... Siya yung bagong dorm mate namin. Tapos lumapit si Deah duon at binigyan siya ng bottled water at tyaka towel. Ano niya ba si Deah? Girlfriend niya? Umalis na sila sa soccer field.

CAN I CALL YOU MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon