QUINN'S POV
Friday
Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang mga teachers dahil sa upcoming Acquaintance Party.
Wala akong gagawin ngayon kaya nakasunod lang ako sa 'Master' ko daw. Tsh. Kahit saan akong naka sunod sa kanya dahil daw Master ko siya. Tapos Master na daw ang itatawag ko sa kanya. Ang arte diba?
Tapos every day ako nak8a angkas sa bike niya. Marami kasing nag babike dito dahil malapit lang naman ang Weston Village at WIS. Parang na mention ko din na mas gusto kong mag bike kada umaga kaysa mag kotse. Echos lang kasi kapag nag kokotse pa malapit lang naman. Kaya nga sabi ng mga kaibigan ko nakakainggit daw mag bike kaya ayun bumili sila ng bike.
Lagi akong sinusundo ng Master ko. Tsh. Palagi kaming magkasama pagpasok hanggang pag uwi. Dahil malilintikan niya daw ako kapag hindi ko siya sinunod. Nagpapa guilty kasi siya eh. Bina Blackmail niya kasi ako. Tapos ngayong Monday daw lulutuan ko daw siya ng breakfast. Hayst.
Wala naman akong masyadong ginagawa bilang Slave niya. Nakasunod lang ako. Yun lang. Sinabihan ko nga siya na utusan ako para naman Slave talaga ang datingan pero hindi daw eh. Parang ako pa ang inaalagaan? Tsh.
"So saan ka mamaya?" Tanong ko sa kanya. Kumakain nga pala kami ng lunch. Yung mga kaibigan ko nga pala sumibat na hayst.
"I'm going to meet someone" Sagot niya.
Someone? Sino naman?
"Sino naman?" Tanong ko.
"Huwag ka na pala sumama mamaya. It's private." Ngumisi siya. "You're free today. Do whatever you want. But make sure that you're one call away ha? Sagutin mo lahat ng tawag at texts ko" Sabi niya. Ang bossy niya talaga kahit kailan.
Sino kaya yung someone na yun? Babae kaya?
At ano naman ang paki alam ko?
Kaya ito ako ngayon walang magawa. Busy sila Deah at Sharapova.
Habang nag lalakad ako may bumangga saking lalaki.
"Ahh miss sorry" Tinulungan niya pa akong mamulot ng mga dala ko. Mga pagkaing dala ko. Hahaha.
"Quinn?" Ngumiti pa siya.
"Oh! Euhan!!!! Han!? Kumusta ka na pala? Bakit hindi mo sinabi saking nandito kana pala." Nag pout pa ako.
"Ahhh.. E surprise ko sana kayo eh. Kumusta nga pala yung bestfriend ko?" Tanong niya. Ang ibig niyang sabihin si Deah.
"Okay lang naman. Wala naman siyang naka away ngayon. Haha"
Naglakad lakad kami papunta sa feild tapos papunta nadin sa cafeteria. Pero hindi na pala siya makakasama sakin ngayon dahil magkikita sila ng Daddy niya. Kaya hinatid ko nalang siya hanggang hallway.
Tapos niyakap niya ako. Wala namang malisya eh. Bestfriends din kaya kami. Parang naging complicated nga lang dahil sa nangyari sa magkapatid na si Deah at Dexie.
"Bye Quinn! E chat nalang kita mamaya! Bye!"
"Han ingat! Nga pala magpakita ka naman kay Deah!" Tapos winewave ko pa yung kamay ko. Tumalikod na ako sa kanya.
Papunta na ako sa cafeteria nang makita ko si Collin may kasamang babae. Inakbayan niya pa yung babae. Papasok din sila sa cafeteria.
Kaya nag dadalawang isip din ako kung papasok ba ako? Or hindi nalang. May kung anong nagtulak sakin na pumasok pero meron ding pumipigil sakin.
Nakatayo lang ako sa entrance habang naka tingin sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ba ako naka tingin sa kanila.
Lumingon sakin yung babae. Ang ganda niya. As in. Parang pwede ko na siya ma girl crush eh. Tumalikod na ako sa gawi nila.
BINABASA MO ANG
CAN I CALL YOU MINE?
Novela JuvenilI thought she was her. I thought she was the woman I used to love, the woman who broke my heart into pieces and left me dumbfounded and hopeless. But I was wrong. She is the woman who bring my heart back into pieces. She is the woman who gives me ho...