QUINN'S POV
Sunday. Hindi ko gusto kapag sunday eh. First wala yung mga kaibigan ko.
Si Deah dahil may pinaasikaso ang Mommy niya sa kanya. Yung Ate niya kasi busy din dahil may business trip. Ang babata pa nila pero marunong na sila sa mga ganyan. Deah and Dexie are mortal enemies. Naging complicado ang relasyon nila dahil pareho sila ng lahat ng gusto.
Si Sharapova naman.. Nakipag bonding sa Mommy niya. Broken Family kasi sila eh. Nung mag divorce yung Mommy at Daddy niya iniwan na siya dun sa Daddy niya at yung Daddy niya naman may bago ng asawa. Mabait naman ang Mommy ni Shara eh pati yung Daddy niya. Yung step mom niya nga lang super strict. Kailangan maganda ang image ng family nila dahil galing din kasi siya sa magandang pamilya. Yung Mommy ni Deah ay super bait. At mayaman din. May dalawa siyang kapatid. Ate niya at yung half brother niya. Yung ate niya ay si Ate Sam at yung half brother niya na si Shayne.
Si Zared din may ginagawa daw na importante. Hindi niya sinasabi eh. Si Zared kasi siya talaga ang gina-guide ng maayos nila Daddy dahil siya daw ang magpatakbo ng companya pag dating ng panahon. Pwede naman ako pero siya kasi ang lalaki. At wala naman akong balak na patakbuhin ang companya namin eh. Nakaka stress lang yun at tyaka ayoko ding mag business woman dahil mahina ako sa Math.
Saan kaya ako nito? Hayst. Ayoko na dito sa dorm. Pupunta nalang ako sa may dagat.
Pagkadating ko dun pumunta kaagad ako sa may swing. Ang boring na dun sa dorm. Mas gusto ko pa dito kesa mag mok-mok dun. Tapos may biglang nag tulak ng swing kaya tiningnan ko kung sino.
"Bakit mag isa ka lang?" Tanong niya.
"Wala kasi akong makasama. At ano naman ang paki-alam mo dun?" Pag susungit ko sa kanya. Bakit ba siya nandito?
"Wala lang. Ang hirap kasi tingnan ang isang tao kapag mag isa." Tapos tumabi siya sakin sa kabilang swing. Kawawa na ba akong tingnan kanina?
"Ano bang ginagawa mo dito ha?" Takang tanong ko. "Kahit saan ka talaga sumusolpot."
"Ano naman ang paki-alam mo?" Lumingun siya sakin at ngumisi. Aish! Ginagalit niya talaga ako.
"Ano ba talaga si Cheska? Mabait ba siya?" Tanong ko.
"Tsh." Sagot niya. Hindi siya lumilingun sakin. Pero feel ko yung pagka lungkot niya.
"Sege na. Ano ha?" Grabi talaga siya. Ganon ba kapag masaktan? Tsh. OA
"Bahala ka" Hindi parin siya lumilingun sakin.
"Sege na. Sagutin mo naman ako. Ano ba ha?" Pag pipilit ko sa kanya. Hindi parin siya sumagot. "Huy sagutin mo naman ako. Collin"
Lumingun siya tyaka ngumisi. Ano na naman? May nasabi ba akong mali? "Nililigawan mo ba ako?"
Ano daw?
"What? No! Tinatanung lang kita about kay Cheska. Assuming." And then I rolled my eyes.
"Sos! Kunyari ka pa! Haha alam ko na yang mga ganyan-ganyang moves!" Tapos tumawa siya. Abnormal talaga siya. Ewan ko ba kung bakit ang hirap niyang pa intindihin.
"Ewan ko sayo! Huwag nalang! Abnormal ka!" Hindi ko na siya kinulit. Lumipas ang ilang minuto walang ni isa ang nag salita sa amin. Tsh. Siguro na realize na niya ang kahihiyan sa mga sinasabi niya. Talagang assuming lang siya eh. ASSUMING!
"Kung nahihiya ka lang, hintayin mong ako ang manligaw sayo" Seryoso niyang sabi. Ano daw? Tsh? Hindi ako nakasagot ano ba yang mga sinasabi niya.
"What? Ano ba yang mga sinasabi mo. Tsh!" Sabi ko. Pero seryoso parin siya. Ano bang nangyari sa kanya? Naloloka na ako dito eh.
"Hahahhahaha!!! Kita mo yang mukha mo!!! Hahaha naniwala ka naman? Hahahahahhahaha Quinn!!!" Tawang tawa siya. Ano bang nakakatawa dun? Maka alis na nga.
BINABASA MO ANG
CAN I CALL YOU MINE?
Teen FictionI thought she was her. I thought she was the woman I used to love, the woman who broke my heart into pieces and left me dumbfounded and hopeless. But I was wrong. She is the woman who bring my heart back into pieces. She is the woman who gives me ho...