CHAPTER 12: ABNORMAL BABE?

2 0 0
                                    

QUINN'S POV

"Ano?" Bigla kong tanong. At tyaka tumawa siya. Nakakaloka.

"Huy! Wag kang mag assume diyan! Kadiri ka! Hinihintay kita dito para masimulan na nating linisin ang Gym" At tyaka tumawa siya. "Yung mukha mo parang nagnining-ning. Hahahahah" Anak ng siopao! Bigwasan kita diyan eh!

"Ano? Hindi ako nag a-assume no! Kadiri ka din! Lalong lalo yang utak mo! Utak mong nakakadiri! Yuck!" Talagang naiinis na ako sa kanya.

"Yuck ka diyan! Yuck mo mukha mo! Hahaha makatitig ka sakin kanina parang kulang na lang halikan mo ako! Hahahah" Talagang iniinis niya ako. Tiim bagang ko siyang tiningnan.

"Halikan!? Kadiri ka! Bakit ko naman hahalikan yang mukha mong parang si Joker! Nakakadiri at nakakatakot!!!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Talagang nakakaloka siya.

"Si Joker pala ha?" Turo niya sa kanyang sarili ar tyaka ngumisi. "Gwapong Joker." Tapos nag pogi sign pa. Wahhhh!!!

"Kadiri ka!!!"

"Yung mga tingin niya kanina parang.... " Huminto siya tapos tumawa. "Hindi kaya... May gusto ka sakin!? Hahahhaha ouyy!! May gusto siya sakin. May gusto ka sakin ano? Ano?" Ngumisi ngisi pa siya. I really hate him!!!

"Ako may gusto sayo? In your stupid dreams!!!!" Hindi ko na gusto ang talas ng dila niya ah! Langya ka!!!

"Oh really? I understand" Tumatanggo-tanggo pa siya. Parang nag sasabi ng 'okay fine' para siyang korek! Tsh! Nakakatino talaga siya kahit kailan ano?

"Yan! Marunong ka palang umintindi eh! Akala ko wala kanang utak! Jusqo po!! Aish!!" Nakakaintindi pala siya eh. Akala ko hindi. May ibang language kasi siya. Alien kasi siya. Alien. Kaya salot siya sa lipunan Lalo't lalo na sa buhay ko. Salot ka!!!

Ngumisi siya. What's with that look? It's creepy.

"In denial kalang kasi eh! Hahahahha! Sabi ko na nga eh!! Hahaha nahihiya ka lang!! Hahahah" Tawang tawa niyang sabi. Ang tino niya talaga! Super! Bigwasan ko na kaya ito? Bakit ko ba natitiis ang taong ito? What the heck.

"Talagang Gwapong gwapo ka sa sarili eh no? Huwag ka nang mangarap kadiri ka! Yucks!" Tumatawa parin siya. Nag walk out na talaga ako. At hindi na niya ako hinila. Hayst sawakas. Peaceful na.

"Hey Babe!! Meet me at the Weston Shop!! Okay!!" Sigaw niya. Babe? Wtf!!! Babe mo mukha mo!

Nagmadali akong pumunta sa dorm. Hay nako!!! Pag pasok ko sa dorm nakita ko agad sila Deah at Sharapova na kumakain.

"Quinn!!! Kain tayo dito dali!!! It's our favorite. Pizza, Donut, Ice cream at tyaka Zagu." Sabi nila.

Ehh.. Ang hirap naman tanggihan hahah.

"So? Bakit parang busy na busy ka yata ngayon ha?" Tanong sakin ni Sharapova.

"Oo nga! Wala kanang time samin!" Sabi ni Deah.

"Hindi ah! Kayo kaya ang papalinisin kahit saan! May time pa kaya kayong makipag bonding. Ang dami ko nang mga punishments." Sabi ko. Talaga ang hirap na. Parang mas naging janitor pa ako sa school eh kaysa maging studyante.

"Hindi mo na nga alam na nahulog ako sa pool. At na slide yan si Shara sa tiles duon sa pool." Sabi ni Deah tyaka nag pout.

"Huh? Bakit naman? Anong nangyari?" Sunod-sunod kong tanong. Talagang marami na akong hindi alam sa mga nangyayari sa kanila.

"Eh kasi naman may lalaking nag tulak sakin sa pool. Kaya ayun!! Tyaka yung lalaking nag tulak sakin tinulak niya din si Sharapova! Kaya ayun! Na slide siya!" Kwento niya.

CAN I CALL YOU MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon