CHAPTER 16: SALOT

5 0 0
                                    

DEAH'S POV

Hi there! I am Deah Saraceno ang pinakamagandang maangas slash best friend ng dalawang magaganda din. (Pagbigyan ang mga buang) Sila Sharapova at Quinn. At syempre ako ang pinakamaganda. (Insert evil laugh)

Sorry po hindi po ako magkukwento masyado about sakin baka makidnap ako ah? Or may mag-ambush sakin sa labas ng school. Mahirap na. Maganda kasi. (Insert evil laugh). Hindi pwedeng pang ransom ang mukha ko. (Insert evil smile).

May umangal!? baka makita nyo mamaya si Balak(Nalimutan ko na kung Balak ba yun? Basta kilalanin nyo nalang) . Balak yung nasa Conjuring. Or si Annabelle. Gusto niyo? Aangal pa kayo?

Pero kapag walang umangal. Lahat ng nagbabasa nito makikita niyo ako sainyong mga panaginip. Yeah. Kapag meron kayong nakitang naka black hood tapos naka black dress tapos maputing babae tapos mapupula ang labi tapos pula ang mga mata..... Tapos naka tingin sa inyo.

(E imagine nyo) Nakita nyo na sa imagination nyo? Ano?

Sorry hindi ako yun! Hahaha (Insert evil laugh again)

Ano? May aangal? Or may aangal?

Madali lang akong kausap.

Pero...

Kapag susuportahan niyo ako. E she-share ko sainyo ang panaginip ko. Palagi ko kasing napapaginipan si Song Jong Ki. Hehehe. Gusto niyo? Supportahan niyo ako. Hahaha. Joke lang. Bahala kayo dyan! (Insert evil bleh)

Bakit nga ba palaging may 'evil'?
Wala lang. (Insert evil smile)

Saaming magkakaibigan ako ang pinakamabait. Talaga.

Ano may angal pa? Or may aangal?

Sege na. Mabait naman kasi kami eh. Kaming tatlo. Promise.

Yan? Happy? 😇

Papasok na kami ngayon sa school. Grabi. Hindi umuwi si Quinn kagabi. Tapos tinawagan namin si Collin ang sumagot tapos sabi niya Quiin is safe daw. Tsh. Talaga. Kapag may ginawa siyang kagaguhan sa kaibigan namin. Mag tatransform akong Medusa sa harap niya. Pero parang may something sa kanilang dalawa eh.

BTW. Bagay sila. Yeah. Kinikilig kasi ako sa kanila eh. Shhh.. Secret lang toh. Hahaha.

"Papasok kaya ngayon si Quinn?" Tanong sakin ni Sharapova.

"Ewan ko" Yan nalang nasagot ko. Eh hindi ko din alam eh. Ano ba kasing nangyari? Bakit nagpaka lasing siya?

Humiwalay na muna ako kay Sharapova. Pumunta ako sa cafeteria at nakita ko yung lalaking tumulak sakin sa pool. Kumakain siya kaya lumapit nalang ako dun para ibalik ang mga damit na pinahiram niya kako sakin. Bitbit ko yung paper bag tapos umupo sa harapan niya. Ngumiti pa ako. Para naman pang thank you nadin.

"Here. Thank you" Binigay ko sa kanya ang paper bag.

"Ummm.. Hi!" Bati niya sakin. Tapos tinaggap yung paper bag.

"Umm.. Hello." Ngumiti ulit ako sa kanya. Ewan ko ba pero dapat nga pala nagpapasalamat ako sa kanya. Si Sharapova kasi palagi niyang binabalik yung nangyari. Ngayon tuloy. Na realize ko na nga dapat nga ako mag thank you. "Btw, sino ka nga pala?" Tanong ko. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya.

"Bryan. Bryan Greydon. Deah Saraceno right?" Ngumiti siya at inabot niya ang kamay niya sakin. Kinuha ko naman. Ako na nga ang nagpapasalamat tapos ako pa echos diba?

"Yeah. Nice to meet you Bryan"

"Nice to meet you too"

"Ahh... I have to go na. May nag hihintay kasi sakin. Bye" Kaya iniwan ko na siya. Sapat na yun diba?

Binalikan ko si Sharapova dun sa locker niya. Tinanong niya ako kung saan ako galing. Hahayyy.

Pumasok na kami sa classroom. Nga pala. Classmates na kami ngayong tatlo. Naka transfer na kami ng section.

Uopo na sana ako nang may biglang nagpatabi sakin.Tapos pinagbigyan pa niya ng upuan si Shara. Tapos hinila yung kaibigan niya para dun uopo sa tabi ni Shara.

WTF? Sino siya? Wala siyang karapatang gaganitohin ako. Ako.

Hinila niya ako papunta sa likura ng arm chair nila Sharapova. Tapos pinaupo ako. Wtf?

"Ano ba! Bakit mo yun ginawa ha? Wala kang karapatang gaganitohin ako!" Singhal ko. Wtf? Ito na naman yung lalaking nagtulak sakin sa pool.

"Sorry Miss that seat is already taken." Ngumisi pa siya. "Don't worry Miss kung di dahil dun hindi ka naman matatabi sakin diba?" Ngumisi ulit siya tapos nagpapacute. Wtf? Nagpapacute ba siya sakin? Hidni ka cute no! Asar!

I rolled my eyes to him. Tapos hindi ko na siya nilingon ulit. Padabog kong inayos ang mga gamit ko. Kanina nag thank you pa ako sa kanya. Ngayon feeling ko sana hindi ko nalang binalik yung mga damit. Salot talaga siya!

Hindi ako umimik sa katabi ko. Bakit? Dahil ayoko sa kanya!!! Isinabit ko yung earphones ko sa tenga ko at nag sa-sound trip nalang. Bad mood na tuloy ako. Nandito pa ako sa last arm chair naka upo. Nasa last row na nga nasa last arm chair pa. Kailan ba ako matatapos sa pagiging last!? Aish!

Sa kalagitnaan ng pag sa-soundtrip ko dumating sila Quinn at Collin. Yung mukha ni Collin walang ka emotion². Yung mukha naman ni Quinn hindi maimpita. Anong nangyari sa dalawa?

"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ni Bryan. Ewan ko kung sino ang tinatanong niya.

"LQ yata" Sagot ko. Nakatutok parin kami sa dalawa. Walang nagsasalita sa kanila. Tapos dala-dala pa ni Quinn yung mga libro ni Collin. Tapos si Collin naman parang Dragon na maya maya nalang mag bubuga na ng apoy.
Binigyan ni Collin si Quinn ng kung ano man yun. Tapos si Quinn yumuko lang na parang isang maamong pusa.

Lumingon siya samin. "Nandyan na pala kayo" Tapos nginitian niya lang kami. Ngiting plastic. Tapos lumingon din si Collin tapos ngumiti din siya sa dalawa. Magkakakilala pala sila. Parang magkaibigan din. Ano kaya ang nangyari? Pagka upo ni Quinn hinilamos niya yung kamay niya sa mukha niya. Anong problema?

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ng katabi kong salot.

"Dito ka lang. Huwag ka nang umepal sa problema nila" Sabi niya. Himinga nalang ako ng malalim.

Ako epal? Baka siya!! Tsh. Hindi nalang ako nakipag talo dahil ayokong sayangin ang mga laway ko sa salot na yun.

Sasabihin ko nalang kung ano ang seating arrangement namin. Nasa last row kami. May limang pares ng arm chairs.

LEGEND

😊 - Classmate

😇 - Deah

💖 - Sharapova

👑 - Quinn

👽 - Collin

💙 - Josh

💩 - Salot

😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊

😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊

😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 👽 👑

😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 💖 💙

😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 😊 💩 😇

Yan. Kita nyo na? Sa ganda kong to? Tapos sa last uopo? Tsh.

Salot talaga siya!!

CAN I CALL YOU MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon