CHAPTER 15: STAY

9 0 0
                                    

QUINN'S POV

May mga bagay talagang mararanasan mo sa hindi inaasahang pangyayari. At sa hindi inaasahang nararamdaman at sa hindi inaasahang tao.

Iwan ko ba. Pinilit kong huwag siyang paki-alaman. Huwag nang lapitan kasi nag aakasaya lang siya ng oras at panahon. Pero hindi ko kayang pigilian eh. Ano na bang nangyari? That Joker wanna be. Tsh!

Kanina. Malaki talaga ang epekto sakin nang lalaking yun. Hindi ko alam. Nung nakita ko siya may mga imosyon akong hindi ko dapat mararamdaman at maranasan sa isang tao'ng hindi ko kilala. Yung lalaking nasa picture.

I don't know why, but I just felt so sad after I saw that picture. There's something inside me that I don't know but I know someone knew. I don't care kung sino ang mga nakaka- alam. Pero I have this feeling inside my bones na I really want to meet that guy that damn. Gosh. After I saw that photo, I don't know why I felt so many emotions. Emotions na dapat hindi ko maramdaman at maranasan. At sa mga emosyong paulit-ulit nandun saking mga panaginip.

Hindi ko na alam ang mga ginawa ko. Basta uminom lang ako ng uminom.

"Nakng? Quinn! Sabi ko kasi sayo na Chuckie ang inumin mo!" Sita niya sakin. Hinablot niya sakin ang alak pero hinila ko kaagad. "Ano ba! Bitawan mo yan! Malalasing ka niyan eh! Hindi ka dapat ang umiinom niyan!" Sita niya. Pero hindi talaga ako nagpatinag. Ano bang paki alam niya?

"Bakit sakin bawal? Tapos sayo pwede? Anong meron sayo at bakit bawal ako uminom? Anong meron sakin?" Singhal ko. Nakakaloka siya. Siya lang ba pwede?

"Ano ba! Taman na yan. Malalasing ka na niyan! Quinn isa!" Grabi. Ano ako bata? "Sating dalawa, ako dapat ang umiinom ng alak. Bakit sakin pa napunta ang Chuckie? Hindi ka kasi nakikinig." Huminga siya ng malalim. Parang ubos na talaga ang pasensya niya sakin.

"Ikaw lang ba pwede? Bakit? Sa tingin mo ano kaya ang nararamdaman ko ngayon?" Lumaban ako. "Yan kasi ang problema sa inyo eh!" Tumikom ang bibig niya at hindi na nag sasalita. "Ang problema kasi sa inyu, nanghihingi kayo ng tulong sa mga taong lagi nyung naiisip kapag meron kayong kailangan. Yung mga taong one call away lang." Humugot ako ng hangin tyaka huminga ng malalim. "Hindi nyo naiisip na okay lang ba ako? May masakit ba sakin? May dinaramdam ba ako? Hindi eh... Sa tingin nyo ba? Always okay ako? May nararamdaman din ako. Hindi ko alam. Pero masakit" Yumuko ako. Hindi ko na talaga mapigigal ang sarili ko. Yun. Yun ang mga nasa luob-luob kong hindi ko kailanman nasabi sakanila.

"Quinn, tama na lasing kana" Sinubukan niyang hablutin ang alak na hawak ko.

"Ano ba! Kahit ngayon lang. Ngayon lang. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko." Huminga ako ng malalim. Buang na kung buang. Wala akong paki. "Problema kasi sa inyo mas nasanay kayong makita ang isang taong masaya. Pero hindi nyo alam na she's also suffering . Alam mo kung bakit? A person who smile and laugh the most is also the person who's breaking apart and hopeless inside and also the person who has so many problem." Then I laughed. "You know why? Laughing is the best medicine. But if you laugh without a reason you need medicine." Tapos tumawa na naman ako. Hindi ko na alam kung dahil ba ito sa alak kaya nasabi ko yun. Pero gumaan ang luob ko.

"Naalala nyo lang ako kapag meron kayong kailangan"

"Quinn" Tawag niya sakin tapos hinawakan niya pa ang balikat ko.

"Shhh. Shhhh.... " I smiled. "Huwag kang mag alala hindi pa ako lasing"

"Are you okay?" Tanong niya. Yung mukha niya at tono at boses ng pananalita niya. He's really worried about me.

"Hindi ako marunong magsinungaling kaya sasabihin ko nalang ang totoo. I'm not okay. I will never be okay." Sagot ko. Nakanganga yung bibig niya dahil wala siyang masabi. Pero tinikom niya din yun.

CAN I CALL YOU MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon