Sunday ngayon at day-off ko kaya nasa apartment lang ako. Nakatunganga. Nag-isip ako ng pwedeng pagkaabalahan o puntahan ngayong linggo. "Tamang-tama, wala rin siyang pasok ngayon. Sige, siya na lang." Sabi ko sa isip nang maisip ko ang isang malapit na kaibigan. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at hinablot ang cellphone kong kasalukuyang nakacharge. Tinanggal ko muna ito sa pagkakakabit sa charger nito at agad na may idinial. Nagring ito. Ilang sandali lang ang hinintay ko bago ako nakarinig ng feedback sa kabilang linya.
"Xiuuuuummmiiiiiiiiinniee!!" Bungad ko sa telepono. "H-hello? Luhan, bakit?" Uneasy niyang sagot. Napatawa ako ng palihim. Hindi na talaga nasanay sa akin si Xiumin. "Ahhh.. Uminie.. Hehe" Pabebe kong panimula. Sasabihin ko na sana ang pakay ko pero inunahan niya ko. "May kailangan ka no!!?" Sambit ni Xiumin sa kabilang linya. Napangiti ako. "Kilalang kilala mo na talaga ako."
"Naman! Ang bait kasi ng boses mo kaya alam kong may kailangan ka!" Natatawang sabi ni Xiumin. Nagpout na lang ako, as if naman makikita niya. "Oh ano bang kailangan mo sa akin??" Dagdag pa niya. "Ikaw!" Agad ko namang sagot at alam kong mamimisunderstood iyon ni Xiumin kaya napagpasyahan kong maglaro. >:-)
"A-a-ako??" Sagot niya. Sabi ko na nga ba eh. Sa oras na 'to, wala nang mapaglagyan ang tawa ko pero kailangan ko munang pigilan. "Oo Uminie, ikaw nga. Ano? Pwede ka ba? Ngayon?" Pang-aasar ko pa. "Woah! L-luge! T-tumigil ka nga diyan!" Sigaw nito sa kabilang linya. "B-but Uminie.. Ayoko. Hindi ko na kaya." Malandi kong bigkas. "Pakshet! Ughh~" Pagkarinig ko palang nun mula sa kanya, agad na akong tumakbo palabas ng kwarto at doon tumawa nang tumawa. Iniwan ko yung phone sa kama pero bumalik din naman agad ako baka kasi ibaba niya.
"Uminie~ Please!!" With all my feminine side, binanggit ko yan. Ewan ko na lang. "Yah! Luhaen! Please din! P-pigilan mo muna yang hormones mo!" Mabilis na sabi ni Xiumin. "H-hindi ko kaya Uminie~ Mahirap!" Pagpapanggap ko pa. At nagsimula na siyang magrant. "Paker ka Luhaen! Ano bang pinaggagagawa mo diyan? 8:30am pa lang! Ke aga-aga ang lib--." At pinigilan ko siya. "Hep! Stop!" Buti na lamang at nagpapigil siya, may time kasi na hindi.
"Fine!" I sighed. "Jinojoke lang kita Uminie. Nabobore kasi ako dito ehh. Mag-isa lang ako at walang magawa." Pagtatapat ko. Humihiling na sana hindi siya magalit sa akin. "Luhan~" Mahinahon niyang sabi. Tumugon lang ako ng hum. Pero sa totoo lang alam ko na ang mangyayari kaya hangga't may oras pa ay inilayo ko na sa tenga ko ang cellphone ko. Sumunod din naman agad ang alingawngaw ng malakas na sigaw ni Xiumin. "Loko ka talaga! Hindi mo ba alam na kanina pa ko hindi mapakali dito! Pinagpapawisan na rin ako. Tapos pinagtitripan mo lang pala ako!!" Sa sobrang lakas ng boses niya, kahit nasa malayo, dinig na dinig ko padin ang mga sinabi niya. Pero okay lang yun, ganun talaga siya, hindi siya galit.
Hinayaan ko muna siyang magsalita ng magsalita hanggang sa wala na akong marinig. Hudyat na humupa na ang bagyong Xiumin. Kaya muli ko nang inilapit sa tenga ko ang cellphone. Tahimik na pero ongoing pa rin naman yung call. "U-umin~" Sambit ko. Kinakabahan na baka nagkamali ako na hindi siya magagalit. "Oh?" Malamig na tugon nito. Napalunok muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "G-gala tayo~?"
-----------------------------------------
12:30pm
Abala ako sa pag-aayos ng sarili ko dahil nga may lakad kami ni Xiumin ngayon. Buti nga napilit ko siya eh. Samantalang kapag iba, hindi talaga yun magpapapilit. Ganda lang kasi yan. Saktong pababa na ako para sana maghanap ng makakain sa kusina nang biglang may nagdoor bell. "Ang aga naman yata ni Umin. Ala-una pa ang usapan ahh.." Sabi ko sa sarili ko at naglakad na patungong pintuan.
Pagbukas ko ng pinto, hindi isang cute na lalaking nagngangalang Xiumin ang bumungad sakin gaya ng inaasahan ko kundi isang babaeng halos kaedad ko lang at nakasuot ng kanyang corporate attire. May kasama itong dalawang matitikas na lalaki na kapwa nakacorporate attire din at may suot na shades, mala Men In Black kung susumahin. Kilala ko sila at mas lalong alam ko din kung bakit sila nandito.
![](https://img.wattpad.com/cover/17338140-288-k93370.jpg)
BINABASA MO ANG
Teach Me!
Fanfiction"He teaches me not only to pass the exams, he also teaches me how to forget the past, live a new life and be contented on what you already have. He teaches me not only the academics but he also teaches me the lessons of life. He simply teaches me ho...