Lesson 9

113 12 4
                                    


"Hey baby~ missed me?" bati ko kay Kyungsoo sabay taas baba ng aking kilay. "Baby mo mukha mo, baliw!" Ang sweet na sweet at walang pagtataray naman niyang sagot. Note the sarcasm, please. "Hi Jongin." Napalingon ako sa bumati na katabi ni Kyungsoo at binati din siya. "Correction, it's Kai. Anyway, hello Baek Park!" Kitang-kita ko ang pag-ikot ng eyeballs niya mula kanan papuntang kaliwa at pabalik sa gitna sabay bulalas ng "Whatever." Seriously?! Magbestfriend talaga itong dalawang 'to. Parehong masungit at mataray. Parehas pa silang nagbabasa ng libro ngayon. Err.

Oo nga pala. It's been weeks since nagstart akong mang-bwisit ng buhay ng iba and at the same time, ma-entertain. And I found out na his name is Do Kyungsoo, freshman, and he's taking up Music together with his bestfriend Byun Baekhyun. Park Baek ang tawag ko sa kanya dahil Park ang surname ng boyfriend kuno niya.

Well, day-off sana ni Kyungsoo ngayon sa mga pang-aasar ko but I luckily saw them sitting here in the concrete table and chair under the tree in the garden of our school. So I grabbed the chance. And here I am, nambubwisit na naman kay Mr. Heart-shaped lips. I took the seat beside Kyungsoo and simply wrapped an arm around his shoulders pero tinanggal din naman niya agad. "Seriously Kai, kailan mo ba ako titigilan?" Angal niya. Napaisip ako, kailan nga ba? Hindi ko din alam. At isa pa, I'm still enjoying this, so why would I stop? Nagpapatawa 'tong si Kyungsoo. "Matagal pa yun, baby." I said and he hissed.

"You know, kaysa mamuti ang mata mo kahihintay na tigilan kita, why don't you just enjoy the day with me?!" Inagaw ko sa kanya yung librong binabasa niya kaya ayan na naman yung mga angal niya habang pilit niyang inaagaw yung libro niya sa akin. Pero dahil I'm the Mighty Jongin kaya di ako nagpadaig. "Ano ba Kai!?? Ibalik mo na nga iyan. Hindi ako sasama sa'yo." Sigaw niya sa akin at sinamaan pa ako ng tingin. "Sorry baby, I won't take no as an answer. Baek, ikaw nang bahala sa mga gamit ni Kyungsoo ahh. Ikaw na din bahala mag-excuse sa professor niyo. Thanks!"

Without waiting for his answer, agad ko ng hinawakan sa braso si Kyungsoo at agad siyang hinila palayo kahit na walang humpay ang pagpupumiglas niya. "Bitiwan mo nga ako! Ayokong sumama sa'yo." Sigaw niya. Marami-rami na din mga taong tumitingin samin dahil papalapit na kami sa gate ng KPOP-U. Kahit gwapo ako, ayoko ng sobrang atensyon. "Kyungsoo baby, stop. Or I'll kiss you right here, right now. Gusto mo torrid pa!" And he stopped. Okay, job well done! Medyo nabobother na din kasi ako. Baka mamaya isipin ng mga tao kidnapper ako. Ha?! Ako? Kidnapper? Sa gwapo kong 'to?! There's no way I'm going to be a kidnapper. Admirer, pwede pa! Naks! Gwapo mo talaga Kai!!

Nang makalabas na kami ng tuluyan ay agad akong pumara ng taxi. "Pasok." Sabi ko kay Kyungsoo pagkabukas ko ng pintuan sa backseat pero di siya natinag. "Ohhh~ Someone want to be kissed." Sabi ko pa at ewan ko kung ayaw lang ba niya sa kiss ko o nagpapakipot lang talaga siya kaya naman agad siyang pumasok sa loob ng taxi. Mamaya ka sakin, baby.

Actually wala akong plano kung saan kami pupunta ni Kyungsoo ngayon. Gusto ko lang talaga mag unwind. Iba na kasi talaga ang atmosphere kapag si Sehun ang kasama ko. At least, pag si Kyungsoo baby, may instant date na ako, nag-enjoy pa ako. So after kong mag-isip ng mga lugar na pwede naming puntahan ngayon ay mall na ang pinakadisenteng naisip ko kaya nandito kami ngayon sa isang mall na medyo malapit lang sa KPOP-U. Well, maganda na rin dito. Since crowded place ito, hindi pwedeng mag-inarte si Kyungsoo ngayon. Unless gusto niya talagang gumawa ng liveshow dito. I hope walang mangyaring ganun. I told you, ayoko ng sobrang atensyon.

Kung saan-saang shops at stalls ko dinala si Kyungsoo para pagsukatin siya ng mga damit at accessories para lang laitin siya and such. As usual, aawayin niya ako and I will be very happy kasi nainis ko siya. I love this. So much.

"Ano? Happy ka na? Nasira mo na ng tuluyan yung araw ko." Reklamo ni Kyungsoo habang palakad-lakad kami sa loob ng mall. "Syempre naman." Sabi ko sa kanya at saka tumawa na siya naman ikinasama ng tingin ng kasama ko. "Tawa ka pa. Nakakainis ka talaga. Argh!" Padabog siyang naglakad palayo at agad ko naman siyang sinundan. "Kyungsoo baby~!" Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kita ko pang may mangilan-ngilang tumitingin sa amin na napapangiti at yung iba ay naniningkit ang mga mata. Siguro ngayon lang sila nakakita ng ubod ng gwapo at hot na kagaya ko na humahabol sa isang cute na pabebeng kwago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teach Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon