Lesson 8

235 23 26
                                    

Bitbit ang isang tray na may sopas, tubig at gamot, pumasok na ako sa kwarto ni Sehun. "Lock the door." Utos ng hari. At dahil hari nga siya, kailangang sundin kaya ibinaba ko muna ang tray na hawak ko sa bedside table niya at saka nilock ang pinto. "Nagdala ako ng sopas, kumain ka muna para makainom ka na ng gamot." Sabi ko sa kanya nang harapin ko na siya. Napatingin ako sa nakatiklop na shorts sa tabi ni Sehun. Iyon yung inihanda ko kanina na pamalit niya at yung damit lang ang pinalitan niya. "Bakit di ka nagpalit ng shorts?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako ng cold stares niya. "Ayaw mo ba ng napili kong shorts?" Tanong ko pa pero umiwas naman siya ngayon ng tingin. "Pinagpapalit mo ako pero wala ka namang binigay na underwear." Sagot niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Biglang nag-init yung pisngi ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy pulang-pula na naman ang mukha ko. Tumalikod ako at pinagalitan siya. "N-nakakainis ka talaga! Ako pa ba ang kukuha ng underwear mo? Matanda ka na! Kaya mo na mag-isa yun!" Nakakahiya~ >/////<

"Sige na Luhan. Di ka ba naaawa sakin? May sakit ako tapos nahihirapan pa ako bumangon dito tapos pakukuhain mo pa ako ng underwear ko mag-isa. Paano na lang kung bumagsak ako habang naglalakad?" Sa tono niyang yan, kahit nakatalikod ako, alam kong nagpapacute siya. "Oo na! Wag ka na magpacute dahil di bagay sayo! Di ka cute! Hmp." Angal ko sa kanya at padabog na tinungo ang walk-in closet ng bwisit na si Sehun. Binuksan ko ang drawer niya na puro brief niya at kumuha ng isa na nasa ibabaw. "Ayoko ng kulay, kumuha ka pa ng iba." Bungad niya sa akin nang iabot ko sa kanya yung kinuha kong brief niya. "Wag ka na ngang mamili. Parehas lang yan." Halata na sa tono ko ang inis pero wala pa rin siyang tinag. "Hindi naman ikaw ang magsusuot eh. Basta ayoko niyan. Palitan mo." Pagmamatigas niya at muli na naman akong nagtungo sa walk-in closet niya. Yung kulay itim na brief ang kinuha ko at ibinigay sa kanya. Buti naman at tinanggap na niya. Nakakainis! Gustung gusto talaga niya ako na iniinis. Halos araw-araw na lang at walang patawad kahit may sakit siya. Hindi affected sa karma niya.

"Maghuhubad na ako ng underwear. Talikod." Narinig kong sabi niya. "Like duh? Hindi ako interested. Busy ako sa pagpatay sayo sa isip ko." Bulong ko sa sarili ko at pairap na tumalikod. Ilang minuto pa ang nakalipas at tinawag na niya ako para harapin siya pero pagharap ko ay halos umabot na sa 100 ang pagbibilang ko para pakalmahin ang sarili ko. "Bastos ka talaga!! Arggggh!!" Sigaw ko sa kanya. Tama bang ihagis siya sa mukha ko yung hinubad niyang brief? Kadiri! Yuck! Yuck talaga! Sinamaan ko pa ng tingin si Sehun dahil humahagalpak siya ng tawa ngayon. Nakakainis talaga!

Hanggang sa maya-maya'y umubo ng umubo si Sehun na tila nasamid sa sariling laway. "Buti nga sayo! Finally, tinablahan ka din ng karma." Natatawa kong pang-aasar sa kanya. Pero agad na nawala ng tuwa sa mukha ko nang mapansin kong walang tigil ang pag-ubo niya at paghampas niya sa dibdib niya. "Sehun. Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya. Kinuha ko ang tubig na dala ko kanina at pinainom sa kanya. "Uy walang ganyanan. Please tell me you're okay." Hinimas himas ko ang likod niya at tinapik tapik ng kaunti. Nang medyo umayos na ang pakiramdam niya ay itinaas niya ang kamay niya na nakasenyas na 'Okay' kaya naman medyo nakahinga na ako ng maluwag. "Ikaw talagang bata ka. Pinakaba mo ako." Sabi ko habang inihihiga siya ng maayos para mapakain ko na rin siya. Kinuha ko ang sopas na dala ko kanina at saka sumalok ng isang kutsara nito. "Oh. Kumain ka ng madami para makainom ka na ng gamot." Itinapat ko sa bibig niya yung sinalok kong sopas pero tinitigan lang niya ako. Problema niya? "Uy bakit?" Tanong ko pero this time, ibinuka na niya ang bibig niya at kinain yung sinalok kong sopas para sa kanya. Ilang ulit kong ginawa yun kahit medyo naiilang ako dahil hindi inaalis ni Sehun sa akin ang paningin niya. Hindi ko naman siya matanong kung bakit niya ako tinititigan kasi parang nahihiya ako na hindi ko maintindihan. Ano ba itong nangyayari sakin? At ano bang nangyayari kay Sehun? Hindi ko siya maintindihan.

Kai ~

Nasa school ako ngayon kasama ang pinsan kong si Sehun pero nasa ibang building na naman kami. Sa college building to be specific. And to be more specific, nasa malapit kami sa classroom ng tutor namin at ang magaling kong pinsan ay sumisilay na naman. Kainis. Nabobore na talaga ako ngayon kapag kasama ko siya. Dati-rati naman ay medyo sanay na ako na boring siya pero iba ngayon eh, damang dama ko na. "Oy tol! Ganito na lang ba tayo lagi?" Sabi ko kay Sehun habang kinakalabit siya. "Wag ka ngang maingay jan. Baka ikaw ang mapagbuntunan ko ng inis ko." Halata talaga yung inis sa sinabi niyang yun kaya napatingin na din ako sa kung anuman yung kinaiinisan niya. "At sino naman kaya yung lalaking yun? Ang lawak ng ngiti sa labs mo." Pang-aasar ko pa sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin at bumaling na muli sa lalaking parang di na aabutan ng bukas dahil sa pagka-intense ng tingin ni Sehun. "Humanda talaga sakin yang kumag na yan. Ipapakain ko sa kanya lahat ng ngipin niya. Kung makangiti siya kay Luhan, akala mo naman kagandahan yung ngipin. Tsk." Nanggigigil niyang sabi. Grabe pala si Insan. Napakapossessive!

Teach Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon