"Bukas yan." Sagot na nakuha ko nang kumatok ako sa pintuan ng office ni Tita. Katatapos lang kasi namin maglunch kanina nang sabihin ni Tita na pumunta ako sa office niya. So that's why I'm here.
Nangangatog kong binuksan ang pinto at unti-unting sumilip sa uwang. "T-tita?" Shemay! Kinakabahan ako. Bakit ba kasi ako pinatawag ni Tita all of a sudden? May ginawa ba akong masama? Nagsumbong ba si Sehun na sinisigawan ko siya paminsan minsan? O baka naman gumawa lang siya ng kwento at sinabi sa parents niya na sinasaktan ko siya para lang mawala ako ng tuluyan sa landas niya? Uwaaaa! I'm so dead! Last day ko na ba dito? Palalayasin na ba ako? "Oh ikaw na pala yan. Pasok ka, ijo." Naputol ako sa sobrang pagcoconclude nang magsalita si Tita. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob na gaya ng sabi niya.
As usual, suot na naman ni Tita ang kanyang napakagandang ngiti kaya't ginantihan ko na lang din siya ng ngiti kahit na sobrang kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari. "Maupo ka Luhan." Sabi pa ni Tita at itinuro ang sofa sa loob ng office niya. Sumunod na lang ako.
"Uhmmm.. Bakit niyo po ako ipinatawag?" Lakas-loob kong tanong nang makaupo na ako. Doon ako naupo sa mahabang sofa at si Tita naman ay nasa pang isahan lang na nasa gawing kaliwa ko. Kahit na sobrang kabado ako, pinipilit ko paring huwag pahalata. "May mga bagay lang akong gustong sabihin at may ibibigay din ako sa iyo." Nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya yun. Ewan ko ba pero talagang negative ang dating sa akin ng mga sinasabi niya. "A-ano po iyon?" Tanong ko pa.
"Luhan." Mahinahong sambit ni Tita kaya mas lalo akong kinabahan sa mga maaaring mangyari. "Aware ka naman siguro na marami nang tutors ang humawak sa anak ko bago ikaw, diba? " Tumango lang ako bilang sagot kaya naman nagpatuloy na siya sa pagsasalita. "So aware ka din na dahil sa stress at kunsumisyon sa katigasan ng ulo ng anak ko kaya sila nagquit?" Tanong pa niya. Tumango na lang ulit ako. Huhu Tita, diretsuhin mo na ako kung tatanggalin mo na ako sa trabaho o hindi. Kanina pa ako naiihi sa kaba.
Nagtaka ako nang tumayo si Tita sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. Nang makaupo siya sa aking tabi ay bigla niyang kinuha ang dalawa kong kamay at pinagitna ito sa malalambot niyang mga kamay na siyang ikinagulat ko. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako. "Luhan. Gusto lang kitang icongratulate at pasalamatan." Sabi niya na talaga namang ikinagulo ng utak ko ngayon. "Uhh? Tita? Bakit po kayo nagpapasalamat sakin?" Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihintay ng kasagutan pero iba ang ibinigay niyang sagot. Sobra akong nabibigla sa mga pangyayari. "T-tita?" Sambit ko nang makarinig ako ng mahinang mga hikbi. Hindi ko makumpirma kung umiiyak nga siya dahil yakap yakap niya ako.
Nang mahimasmasan si Tita ay humiwalay na din siya sa yakap at pinunasan ang kanyang luha with class. "Naku, pasensya ka na Luhan. Nagiging emosyonal na naman ako." Sabi niya na medyo natatawa pa. Nginitian ko na lang siya. "Natutuwa lang kasi ako. Ngayon lang kasi may nakatagal sa anak ko. Biruin mo yung iba, after weeks, nag iimpake na. Pero ikaw, you've been here with us for a month already. That's why I'm thanking you. Thank you for being a good tutor, a friend and a brother to my son. I hope hindi na kami maghanap pa ng bagong tutor for Sehun." And he gave me a hug for the second time.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Maski ako kasi, hindi ko namalayan na isang buwan na pala ako dito. Isang buwan na pala akong nakikisama sa mga tao sa bahay na ito at isang buwan na rin pala akong nagtitimpi sa katigasan ng ulo ni Sehun. Well, hindi na masyado kasi medyo okay na siya sa pag-aaral, attitude na lang talaga.
"Ay! Oo nga pala. Wait." Sabi bigla ni Tita kaya napatingin ako sa kanya na tumungo sa kanyang office table at may kinuha sa drawer nito. Umayos ako ng upo nang makabalik si Tita sa tabi ko. May ibinigay siya sa akin na isang sobre; yung kinuha niya kanina sa drawer. Tiningnan ko muna ito bago nagtanong. "Ano po ito?"
"That's your salary for last month." Nagliwanag ang mga mata ko sa narinig ko. Ang isang buwang paghihirap ko, nagpay off na. Nakakaiyak. "Naku, salamat po Tita." Masaya kong sambit. "May bonus na rin yan dahil nga umabot ka ng isang buwan at talagang ikinatutuwa ko yung improvements ni Sehun. And that's all because magaling kang tutor. So I'm granting you a salary increase. Congratulations!" This time, di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero ako naman ang napayakap kay Tita. Yakap yakap ko siya habang nagpapasalamat.
BINABASA MO ANG
Teach Me!
Fanfiction"He teaches me not only to pass the exams, he also teaches me how to forget the past, live a new life and be contented on what you already have. He teaches me not only the academics but he also teaches me the lessons of life. He simply teaches me ho...