Lesson 5

391 29 8
                                    

Kinagabihan, sabay-sabay na naman kaming kumain ng hapunan. Nakakahiya nga ehh kasi ako lang ang hindi nila kapamilya dito sa hapag. Syempre naiilang pa rin ako dahil one and a half day pa lang mula ng lumipat ako dito. Hindi naman sobrang kapal ng mukha ko para maging at home agad. Pero nakakailang talaga kasi sobrang babait nila. Kahit na si Mr. Oh, nung una ko siyang nameet, natakot ako kasi ang serious masyado ng mukha niya pero nung nagsalita, kasing kalog pala ni Mrs. Oh. Well, si Sehun lang naman yata ang exception sa mga sinasabi ko eh, natatangi kasi siya, opposite na opposite sa mga magulang niya.

"Oh Luhan, may problema ba? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Natigil lang ako sa pag-iisip nang marinig kong nagsalita si Mrs. Oh. Nginitian ko siya. "Ahh.. Wala po. May mga iniisip lang." Nahihiya kong sagot.

"Hmm.. Problema ba yan? If you don't mind, you can share it to us. Maybe we can help." Masiglang sabi ni Mrs. Oh. Nahihiya na naman tuloy ako. "Naku. Hindi na po Mrs. O--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nagsalita ulit si Mrs. Oh. "I told you, Tita na lang ang itawag mo sa kin. Don't be shy. We're family here." Paalala niya na siya namang ikinalungkot ko dahil sa isang salita. "Opo, T-tita." Sagot ko na lang.

"Uhh How's the tutorial session anyway? I hope hindi nagpasaway ang anak ko." Sandali naman akong natigilan sa tanong ni Mrs- ni Tita. Actually, sumakit talaga ang ulo ko kanina kahit saglit lang ang naging tutorial, nakakastress kasi talaga pero ayoko namang sirain ang masayang mood ng pamilya dahil lang sa hindi magandang inasal ng anak nila.

Tumingin muna ako kay Sehun at binigyan siya ng reassuring smile na siya namang ikinakunot ng noo niya. Hmp. Be thankful dahil marunong akong makiramdam ng sitwasyon.

"So far.. he's doing good, Tita. He's attentive naman po kahit papano and also Kai, he's also doing good." Masaya kong sambit. (Kasabay nito ang paghingi ko ng kapatawaran sa nasa itaas dahil sa pagsisinungaling ko.)

Hindi ko alam kung aware sila pero kapansin-pansin ang mga naging reaction nila. Yun bang tila nagulat na nagtataka na natutuwa. Napalingon naman ako kay Sehun at nakakainis lang dahil deadma lang ulit siya. "T-that's great!" Masayang tugon ni Tita ngunit halata mo ang pagstutter nito. Okay, something's weird. "Well, for that.. Raise your glass and let's have a toast. For Sehunie and for our new family member, Luhan." Dagdag pa ni Tita. Okay, weird talaga dahil juice lang naman ang laman ng mga baso. At teka, did she just refer to me.. as their family member? Omg~

Pinilit kong maging normal sa harap nila sa buong hapunan dahil ayoko ngang bahiran ng kalungkutan ang masaya nilang salu-salo. Sa totoo lang, malaki ang naging impact sa akin ng salitang iyon na binanggit ni Tita kanina. Family. Pamilya daw kami. Sa totoo lang, nalulungkot ako na natutuwa na naiinggit. Kung sakali kasi, ngayon ko lang mararanasan ang magkaroon ng pamilya- yung pamilyang nakakasama mo, nakakakwentuhan at nakakatawanan mo; mga bagay na matagal ko nang hinihiling na maranasan. Natutuwa naman ako dahil nakatutuwa talaga ang pamilya nila. May mababait, caring at understanding na ilaw at haligi ng tahanan, may sobrang jolly at conyang bunso kasama pa ang matulungin na pamangkin. Idagdag mo pa ang mababait din nilang maids. Almost perfect na kung sana ganun din si Sehun. At yun ang kinaiinggitan ko. Kung sana ganito lang din ang pamilya ko, edi sana masaya ako ngayon.

After that dinner, dumiretso na ako sa room ko at naghalf bath. Nagbabasa ako ng fictional na libro nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto ng kwarto ko. "Pasok. Bukas yan." Sabi ko na lang at umayos na ng upo. Dahan-dahang bumukas ang pinto at may ulong sumilip mula dito. "Oh Kai. Ikaw pala, may problema ba?" Bati ko sa kay Kai nang makita kong siya ang kumatok.

Pumasok siya at sinara ang pinto bago lumakad papunta sa kama ko at naupo sa tabi ko. "Wala naman hyung. May itatanong lang sana ako. Pero mukhang patulog ka na, naistorbo pa yata kita. Bukas ko na lang itatanong." Aniya na nakatayo na ulit at papalabas na pero pinigilan ko siya. "Sira ka talaga! Hindi din ako makakatulog nyan dahil iisipin ko ng iisipin kung ano yung itatanong mo kaya sabihin mo na ngayon." Natatawa kong sabi. Hindi na rin naman siya nagsalita pa at bumalik na sa pwesto niya kanina.

Teach Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon