Lesson 2

385 27 30
                                    

[XIUHAN in the multimedia ♡]

Monday ngayon at day-off ko pa rin sa tutor house, technically. Well Sunday naman talaga ang day-off ko since Mondays, Thursdays at Saturdays ay may pasok ako sa school and Tuesday, Wednesday at Friday naman ang schedule ko sa tutor house na pinagtatrabahuhan ko.

Lunch time na ngayon at nandito ako sa garden ng KPOP University kasama si Umin. Katatapos lang namin maglunch kaya nagpapahangin muna kami dito sa garden habang naghihintay ng next class.

"Luge~." Tawag nito. Nilingon ko siya at napansin kong tila sinusuri ako ng mga mata nito. "Problema mo?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang umayos ng upo at bahagyang inilapit ang mukha sa akin na parang may malaking sikreto siyang sasabihin sa akin. "Diba hindi tayo natuloy kahapon sa gala? At alam kong yun ay dahil pumunta ka sa kanila. Ano? Anong nangyari? Magkwento ka naman.. Sinaktan ka ba? Huwag kang magsisinungaling sa akin ahh.." Sunud-sunod niyang tanong sa akin. Napangiti naman ako dahil dito.

"Uyyy~ Si Umin, concerned." Panunukso ko sa kanya na siya namang kinabusangot ng mukha niya. "Tigilan mo yan, seryoso ako." Mahina niyang sabi. Pero dahil likas na mapanukso ako at gustong gusto kong ginagawa iyon kay Xiumin, hindi ako tumigil. "Aminin mo na, Uminieee~. Bet mo ko no!" Pang-aasar ko pa at sinamahan ng sundot sa pisngi niyang malambot. "Tigilan mo sabi yan ehh!" Cold niyang sabi pero tuloy lang ako sa pagsundot sa pisngi niya. "Isa! Luhan! Kapag 'di mo tinigilan yan... h-hahalikan kita. Seryoso ako!" Nung marinig ko sa kanya yun napangiti ako. Alam kong seryoso siya at talagang gagawin niya yung sinabi niya. Pffft masubukan nga.

Bahagya akong lumapit kay Xiumin pero may sapat na space pa rin para makita ko yung buong mukha niya. "Aminin mo na kasing gusto mo ko. Promise, hindi ako magagalit." Mahinahon kong sabi at sinundot ko muli siya sa pisngi niya. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Hanggang sa gawin na niya ang bagay na inaasahan kong gagawin niya.

Unti-unti ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hindi namin pinuputol ang pagtitig namin sa isa't-isa. Hanggang sa maramdaman ko na ang pagdikit ng ilong niya sa ilong ko. Kita ko ring nakapikit na siya kaya naman dali-dali kong hinarang yung kamay ko sa bibig ko dahilan para yun ang mahalikan niya. Medyo kinabahan ako, honestly.

Malamang ay naramdaman niyang hindi labi ko kundi kamay ko yung nahalikan niya kaya agad siyang napamulat at napaayos ng upo. Nakatingin lang siya sa malayo habang ako naman ay natatawa-tawa na sa mga nangyari. "So gusto mo mga ako." Hirit ko pa kaya naman isang nakamamatay na tingin mula sa kanya ang natanggap ko. Natawa ako ng mahina. "Titigil na po!" Sabi ko at nagpeace sign pa sa kanya. Napangiti na lang siya na halatang sarkastiko.

Ilang sandali lang ay nagsalita na muli siya. "So.. siguro naman satisfied ka na sa pang-aasar mo sa akin kaya pwede ka nang sumagot ng maayos?!" Tanong niya sakin pero halata mo namang utos din ito. "Ano na ngang nangyari?" Dagdag pa nito.

Bumuntong hininga ako. "Ayun nga. Pumunta na naman sa bahay yung tauhan niya at gaya ng dati tinanggihan ko sila. Pero nagulat na lang ako nung isa-isa na silang nagsiluhuran. I was like WTF! Alam mo naman Umin na ayokong niluluhuran ako. Gusto ko ako ang luluhod. Pfft. Pero seriously, hindi naman ako santo para luhuran nila." Tumigil ako sandali. Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng naglalakad sa may di kalayuan. "Kaya ayun, sumama ako." Pagtutuloy ko.

Naghintay ako ng reaksyon mula kay Xiumin pero tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko kaya nagsalita na ulit ako. "Tapos nung pagtungtong ko muli sa lapain kung saan ako nabuhay at lumaki, parang nanumbalik lahat yung mga hinaing ko sa kanila. Nakita ko dun si Yeye at nagkamustahan kami. At nung nakaharap ko na sila... akala yata nila ay babalik na ako sa kanila kaya tuwang-tuwa silang makita ako pero sinabi ko din na hindi na ako ulit babalik pa. Pumayag naman si Papa pero may kundisyon." Tumingin ako kay Xiumin.

Teach Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon