Kinabukasan, nagising ako na medyo naninibago pa din. Technically, ngayon ang unang araw ko dito sa bahay ng mga Oh at obviously, ngayon din ang unang araw ko bilang tutor ni Sehun at ni Kai. Naiayos ko na din sa mga dapat paglagyan ang mga gamit ko, nanghingi ako ng tulong kay Kai para hakutin ito mula sa kapitbahay ko sa dati kong apartment. Nahihiya na nga ako kasi hanggang sa pag-aayos ng mga gamit, tinulungan niya pa rin ako.
Kumuha ako ng bagong tuwalya sa cabinet ko at saka dumiretso sa banyo sa kwarto ko. Pagkatapos ko maligo, humarap naman ako sa sink para magtoothbrush pero ilang segundo pa lamang nang mapatingin ako sa katapat na salamin, biglang nagflash sa utak ko yung mga nangyari kahapon.
Kung bakit ba kasi sa dinami-dami ng kwartong pwedeng unang pasukin, eh doon pa ako napatapat sa kwarto nung Sehun na yun. Grabe! Natakot talaga ako nun. Hanggang nga kapag naaalala ko yun, kinakabahan pa rin ako.Kumakabog yung dibdib ko ng pagkalakas-lakas na gaya ng pagkabog nito nung nasa harap ko pa si Sehun.
Haaaays! Siguro playboy yung batang yun. Eh kasi yung ngiti niya pang playboy pati actions niya. Tama ba namang sa sitwasyon na yung kamay niyang isa ay nakahawak sa isa mo pang kamay, habang yung isa pa niyang kamay ay nasa bewang mo then yung ulo niya pa ay nakapatong sa balikat mo, idagdag mo pa na ang seryoso ng mukha at boses niya kaya sobrang kabado ako, tapos ano? nung nagtama yung mga ilong at paningin namin ay bigla-bigla na lang siyang ngingiti ng nakakaloko? Bangag pala siya eh!! May pasabi sabi pa na "Sorry, authorized personnel only.". Akala naman niya bumenta yung joke niya (kung joke nga iyon.)
Pero still, there's this something in his eyes that really caught my attention. Kitang-kita ko sa mga mata niya na malungkot siya at may dinadamdam. Pero bakit ko nga ba siya iniisip? Ilang minuto na ba akong nagtutoothbrush? Baka malate pa ako sa tutoring schedule na binigay ni Mrs. Oh. 'Aishhh! Luhan, go back to your senses.' Sambit ko sa isip ko habang tinatapik-tapik ng mahina ang mga pisngi ko. Dapat maging seryoso at professional ako ngayon dahil ito na ang big break ko at kung mamalasin, baka last big break ko na ito kaya dapat ko na itong career-in. Saka ko na lang iintindihin ang pagkacurious ko kay Sehun. Trabaho muna! Fighting!
Dali-dali ay nagmumog na ako para mawala ang mga bula sa bibig ko at saka ko naman pinunasan ang mukha ko at baka may maiwang bula. Nakakahiya yun. Paglabas ko ng C.R. ay nagpatuyo na ako ng katawan at buhok at saka nagbihis ng disente. Well, hindi naman kasing disente na tulad ng dati nung nasa tutor house pa ako, yung tama lang para magmukhang professional kahit nasa loob lang ng bahay.
Nang makuntento na ako sa appearance ko, tumungo na ako sa library ng mga Oh. Huminga muna ako ng malalim bago marahang kumatok sa pintuan ng study room. Walang sumagot at nagbukas man lang kaya I conclude wala pang tao. Luminga-linga muna ako sa paligid. Ayoko na kasing maulit yung nangyari kahapon.
Pumasok na ako sa loob ng silid. Namangha ako sa mga nakita ko. May mga bookshelves dito na nakacategorize according to literary type. May mga fiction and non-fiction books. May complete set din ito ng Encyclopedia. May mga academic DVDs din dito na sa tingin ko ay dahilan kung bakit may malaki ding TV screen sa loob. Mayroon ding mini laboratory sa kabilang side ng library at salamin lang ang naghahati sa mga ito. Nakita ko pang Pumasok si Abby dito gamit ang kabilang pinto. Napansin ako nito at kinawayan. Nginitian ko na lang ito at kumaway na din bago siya tuluyang umalis.
Nang makaget over ako sa pagkamangha ay naghanap na ako sa bookshelves ng mga librong sa tingin ko ay kakailanganin namin sa pagtututor. Eksakto nang maihanda ko na ang mga gagamitin ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kai.
"Pasensya na kung nalate ako." Bulalas nito. Umiling naman ako. "Naku hindi. Okay lang. Kararating ko lang din naman." Sabi ko na lang. "Oo nga pala, ang pinsan mo nasaan na?" Tanong ko. Naglakad siya patungo sa salamin na binananggit ko kani-kanina lang at saka ibinaba ang blinds.
BINABASA MO ANG
Teach Me!
Fanfiction"He teaches me not only to pass the exams, he also teaches me how to forget the past, live a new life and be contented on what you already have. He teaches me not only the academics but he also teaches me the lessons of life. He simply teaches me ho...