Lu han ~
Pagod akong pumasok sa kwarto ko at agad na ibinagsak sa kama ang katawan. Maraming nangyaring maganda ngayong araw pero sadyang nakakapagod talaga. Sa sobrang kapaguran, hindi ko na nagawa pang pigilan ang pagsara ng aking mga mata. Hanggang sa magring ang aking cellphone kaya't napapitlag ako sa gulat. Dinukot ko ito sa bulsa ng aking pantalon. Umayos muna ako ng upo at kinusot ang aking mga mata at saka ko sinagot ang tawag ni Baekhyun.
"Hyung! Uhmm sorry sa abala. Patulog ka na yata." Bungad nito. "Ayy hindi, hindi. Ayos lang, gising na rin naman ako. Oh kumusta naman ang bagong engaged? Ha?" Sagot ko. "Eto hyung, kanina pa ako nakatitig sa singsing na suot suot ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na engaged na kami ni Chanyeol." Sabi niya. Halata sa boses ni Baekhyun ang saya habang sinasabi niya yun. "Eh dapat maniwala ka na dahil sa mga susunod na buwan, magiging asawa mo na siya." Tugon ko. "Tsaka anniversary niyo pala ngayon, hindi niyo man lang sinabi sa amin para nareregaluhan namin kayo. Pero grabe talaga! Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko yung mga nangyari kanina." Dagdag ko pa habang animo'y kinikilig sa mga naiisip. Ngunit imbis na makarinig ako ng mga salita sa kabilang linya ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
"Baekkie? Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda? Naku sorry." Alala kong tanong pero agad din siyang nagsalita. "Ah wala wala hyung. Wag ka magsorry. Hehe" Natatawa niyang sagot pero halata mo namang hindi totoo. "Baekkie.. Alam kong may problema. Dali, sabihin mo kay hyung, makikinig ako." Hindi agad nagsalita si Baekhyun matapos kong sabihin iyon. Marahil nagdadalawang isip siya pero kalaunan ay nagsalita din ito. "K-kasi hyung. Akala ko kasi nun kinalimutan na ni Chanyeol yung anniversary namin." Tumigil siya.
Magsasalita pa sana ulit si Baekhyun pero siningitan ko na siya. "Tapos yun pala yung inakala mong walang pakialam ay siya palang consistent sa paghahanda tuwing isecelebrate natin yung araw na hindi naman natin alam kung anong okasyon. Na siya pala mismong araw ng anniversary niyo. Hay nako, magtatayo na talaga ako ng fansclub niyong dalawa." Naghintay ako sa reaction ni Baekhyun pero hindi siya nagsasalita kaya sinubukan ko siyang tawagin. "Baekkie?" Subalit wala paring tugon. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala pa rin kaya napagpasyahan kong tawagin siya ulit ngunit natigil ako nang makarinig ako ng hikbi mula sa kabilang linya.
"Baek? Umiiyak ka ba? Anong nangyari Baekhyun? Sumagot ka!! Baek!" Halos pasigaw kong tanong. Nagpapanic na ako. "H-hyung!" Impit niyang sambit. "Hyung! Okay lang ako. Masayang masaya lang talaga ako. Buong akala ko kasi talaga tuluyan na niyang kinalimutan yung anniversary namin. Masakit para sa akin yun kasi naiisip ko nun na wala lang sa kanya yung nangyari sa park nung high school kami. Na hindi pala talaga naging kami." Pilit siyang nagsalita sa pagitan ng mga hikbi niya.
"Baekhyun, engaged na kayo, okay? Kaya alisin mo na ang mga akalang nakaimbak diyan sa utak mo. Hindi yan healthy. Tahan na." Pagcocomfort ko. "Mahal ko kasi talaga siya eh. Mahal na mahal." Sa mga sinabi niyang iyon, bigla akong nakaramdam ng kung ano.
"Hayaan mo. Mahal na mahal ka rin ni Chanyeol, sigurado yan." Sabi ko. Nalulungkot ako. At the same time, naiinggit. Biruin mo, mas matanda ako sa kanila pero naunahan pa nila ako. Sa tinagal tagal ko sa mundong ibabaw, hindi ko pa napagtutuunan ng pansin ang lovelife ko. Panahon na ba para buksan ko ang puso ko?
Natigilan ako sa pag-iisip sa biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto ko kasabay ng may kalakasang sigaw. "Hyung! Hindi ka pa ba magpapahinga? Gabing-gabi na, dinig na dinig ko pa din yung boses mo hanggang sa loob ng banyo ng kwarto ko." Sabi ng isang nilalang sa buhay ko. Matangkad. Matipuno. Maputi. Makinis. Matangos. Gwapo. Nilalang na hindi makabigkas ng tama sa letrang "S". Si Sehun. Si Sehun na bagong ligo. Si Sehun na nakatapis lang ng tuwalya ngayon. Wet look. Half-naked. Bakat. Oh may. Sa letrang "O". Sarap. Sarap. 69.
"Hello! Hyung? Sino yun? Si Sehun ba? Hyung?" Nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita si Baek sa kabilang linya. Grabe! Natulala pala ako kay Sehun. Nakakahiya! Bakit ba kasi ako napatitig dun sa ano? Tingnan mo tuloy ang loko, nakangisi habang nakatingin sa akin. Aiiish. Pinagpapawisan ako. "A-ah.. E-eh.. O-oo Baek! Si Sehun nga yun. Pinapagpahinga na ako. Sige bukas na lang ulit tayo mag-usap. Bye." Madali kong paalam at saka pinatay ang phone. Napatingin ako sa taong nasa harap ko.
"So... What's with the late night call with Baekhyun hyung?" Tanong ni Sehun habang lumalakad papalapit sa kama kung saan ako nakaupo. At habang humahakbang siya, hinahawakan niya ang tuwalyang nakatapis sa lower body niya at unti-unti itong tinatanggal. Napalunok ako. "N-n-nagkumustahan lang kami.. Y-yung tungkol s-sa kanina.." Nabubulol kong sabi. Kinakabahan ako. Ano bang balak niya?
"Ahhh.. ganun ba?" Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at pagaalis ng tuwalya. Napapaatras na ako. "O-oo Sehun. T-teka.. A-ano bang ginagawa mo?" Kabado kong tanong. Hindi siya sumagot at patuloy na lumakad hanggang makarating sa ulo ng kama ko. Ako nama'y patuloy lang din sa pag-atras pero hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kanya.
Sa isang iglap lang ay tinanggal ni Sehun ang tuwalyang nakabalot sa lower body niya at literal akong napanganga. Ang lokong bata, nakaboxers pala. Isinampay niya sa balikat niya ang tuwalya at natatawa itong naglakad palabas ng kwarto ko sabay sabing. "Magpahinga ka na hyung. Next time na lang tayo mag-enjoy." At tuluyang isinara ang pinto.
I was dumbfounded. Ngayon lang lahat nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyari. Nakakahiya talaga. Ano ba naman kasi yung naiisip ko. Arrrgh. Isa pa yung batang iyon! Hindi ko talaga malaman ang takbo ng utak nun. Aisshh..
Paano nga ba ako napunta dito? Paano nga ba nagkatagpo ang landas namin? Sino ba talaga si Oh Sehun, at si Luhan? Bakit nga ba kami magkasama sa iisang bahay? /sighs/ Ikukwento ko kaya subaybayan niyo. Promise yan ahh! /winks/
.
.
"Teach Me! : HunHan Fanfic"
(a side story of ChanBaek's Commitment)
written by: baeklinerOppar
.
Author's Note:
Annyeong~
So eto na yung surprise ko. Sana subaybayan niyo din ito gaya nang pagsubaybay niyo sa Commitment ng ChanBaek. Uhmm, uunahan ko na kayo. Hindi ako mag-uupdate every weekdays dahil may pasok ako. College na kaya medyo busy na din. Hindi din sure yung weekends. Pero I'll try to update para matapos ng maaga. :)
And this story nga pala ay side story lamang kaya connected sa Commitment ang ibang scenes pero may times na hindi. At expect na mas maikli kaysa sa Commitment. ^_^
Yun lang. Sana magustuhan niyo. Labyuuun ♡
.
(Dedicated to @-GoddessIm- ; sorry sorry po talaga. kakapublish ko pa lang po ng story. yung next chapter po kay @Lhonylin ko idededicate. Sorry po ulit. T^T /bows 90°/)
BINABASA MO ANG
Teach Me!
Fanfiction"He teaches me not only to pass the exams, he also teaches me how to forget the past, live a new life and be contented on what you already have. He teaches me not only the academics but he also teaches me the lessons of life. He simply teaches me ho...