Lesson 7

204 24 13
                                    

Lu Han ~

Nagmadali na akong bumaba sa hagdan dahil nagtext na sa akin si Xiumin na nasa tapat na daw siya ng gate ng bahay ng mga Oh. Nakasalubong ko pa nga si Kai na siyang paakyat naman. Pawis na pawis ito, pakiwari ko'y kagagaling lamang nila ni Sehun sa practice ng football. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na lamang siya sinagot, maiintindihan naman niya siguro dahil halata namang nagmamadali ako. Nang makababa ako sa huling baitang ng hagdan, sandali akong tumigil para lumingun-lingon sa paligid at para na rin hanapin si Sehun. Sa kabutihang palad, hindi siya mahagilap ng paningin ko. Marahil ay nasa kwarto niya na ito. Nakahinga ako ng maluwag. Ayoko kasing masabihan na naman niya ako ng kung anu-ano.

Dahil nga hanggang sa paglabas ko ng bahay ay wala akong nakasalubong na kahit anong bakas ng Sehun na yan, masaya na akong naglakad para puntahan si Xiumin na naghihintay sa may gate. Ngunit biglang nanlaki ang aking mga mata nang maabutan kong magkausap si Xiumin at Sehun. Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa?

Habang nag-iisip ako ng mga posibleng kasagutan sa tanong ko, nakita kong tinapik ni Sehun yung balikat ni Xiumin at saka ito naglakad. Nakita niya ako pero nilagpasan niya lang ako. Ngunit mali pala ako. Tumigil siya at alam na alam ko na ang susunod na mangyayari. "Halos araw-araw na lang, alis ka ng alis." Panimula niya kaya't napairap na lang ako. Tama nga ako ng hinala. "Baka nakakalimutan mo, binabayaran ka ng mga magulang ko para magturo at hindi maglakwatsa ng maglakwatsa kung kailan mo gusto." Sinasabayan ko siya habang nagsasalita pero in an annoyed way. Sa tuwing aalis ba naman ako sasabihin niya yan, ewan ko na lang kung di ko pa makabisado.

Syempre, magpapatalo ba ako? No way! Si Luhan kaya ako. "Excuse me lang Mr. Sehun Oh. Ipapaalam ko lang po ulit sa inyo na lahat ng mga lakad ko ay alam ng mga magulang mo. Nagpapaalam ako sa kanila at pumapayag naman sila kaya okay lang na umalis ako." Mahinahon kong sabi. Hays~ ewan ko ba kung bakit ako pa yung nasesermunan dito, eh samantalang ako yung mas matanda.

"Okay lang naman sana kung hindi madalas eh. Para mo na kasing inaabuso yung kabaitan ng parents ko." Napanganga na lamang ako sa sinabing iyon ni Sehun. Paano niya nagawang sabihin iyon sa akin? Wala akong inaabuso. At ayoko naman na makulong lang dito sa bahay kaya nakikipagkita ako lagi kay Umin. Abusado na ba talaga ako? Naiiyak na ako sa inis kay Sehun. Sumusobra na siya sa panghahamak sakin. "Umuwi ka agad ng maaga. Mag-ingat kayo sa lakad niyo." Pahabol ni Sehun at saka nagpatuloy sa paglalakad. At tuluyan nang tumulo yung luha ko. Hindi ko na talaga siya maintindihan.

Naramdaman ko ang pagpapatahan sakin ni Xiumin. "Kaya mo pa bang umalis, Luhan? Okay lang sakin kung hindi man tayo matuloy ngayon." Tanong ni Xiumin. "No, Umin. Tuloy tayo ngayon. Okay lang ako." Humarap ako sa kanya at nginitian siya para kahit papaano ay maconvince ko siya na okay lang ako. Pero maling move dahil ang lapit lang namin ni Umin sa isa't-isa. Nakatitig siya sa mga mata ko. Medyo naiilang na nga ako eh. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at dahan-dahang pinahid yung luha ko gamit naman ang kanyang mga hinlalaki. "Ayokong nakikita kang umiiyak kaya please, kapag kasama mo ako, gusto ko masaya ka lang." Sabi pa niya. Waaaah! Bakit ba kayo nagkakaganyan? T^T

Sa kabila nga ng mga nangyari kanina ay tumuloy pa rin kami ni Xiumin sa lakad namin. Marami kaming pinuntahan at nagpakasaya kaming dalawa. Kahit na napaiyak ako ni Sehun kanina, tumatawa naman ako ngayon kasama ang bestfriend ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ako magtitiis ng ganito pero kasi napamahal na ako sa pamilya Oh, sa mga kasambahay at maging sa mismong lugar. At dapat ko paring ipagpasalamat na mababait ang mga naging amo ko.

Palubog na ang araw at medyo napapagod na rin ang paa ko sa kalalakad kaya't niyaya ko muna si Xiumin na tumigil muna at maghanap ng mauupuan. Pumayag naman siya. "Gusto mo ng makakain?" Tanong ni Xiumin nang makaupo na kami. Tumango na lang ako at nginitian siya bilang tugon. "Oh sige, dyan ka lang ah. Bibili lang ako doon." Sabi niya pa sabay senyas doon sa hotdog stand sa may di kalayuan. "Okay, Salamat." Sambit ko na lang.

Teach Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon