Sa unang pagpindot ko sa doorbell ng bahay na may dalawang palapag ay tila walang nangyari. Ni hindi man lang bumukas ang pinto ng bahay. Inulit ko muli ang pagdoorbell pero ganun pa rin. "Sira yata ang doorbell nila." Sabi ko sa sarili ko kaya't napagpasyahan kong sumigaw na lamang.
Inilagay ko sa palibot ng bibig ko ang aking mga kamay at bumuwelo sa pagsigaw, sa pamamagitan ng paghigop at pag-ipon ng hangin sa akin tyan at saka ako sumigaw. "Tao poooooooo~!" Hindi ko alam kung aabot ang sigaw ko sa bahay pero nagbabaka sakali lang. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng tila bakal na nag-uumpugan. Nagtaka ako. Wala pa namang gumagalaw ng gate kaya siguradong hindi doon nagmumula ang tunog. Ilang sandali pa ay nagulantang ang buong katawang-lupa ko, maging ang kaluluwa ko nang biglang may tumahol na malakas. Likha ito ng isang malaking aso na nasa loob ng bahay. Sa tindig nito, handa na akong salakayin nito at excited na siya dun. Kahit na may malaking gate sa pagitan namin ay hindi pa rin mawala sa loob ko ang takot.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin maibuka ang bibig ko at kung maibuka ko man, wala ring lumalabas na boses. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay tila kagagaling ko lang sa pagtakbo. Pero isang sita ang nakapagpatigil sa kumakahol na aso— na siyang ipinagpapasalamat ko.
"Jasper~!!" Sabi nung boses na may halong pag-utos. Bigla namang tumakbo yung aso paalis matapos niyang tumigil sa pagkahol.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Sa likod ko iyon nagmula. Naglakad siya at humarap sa akin. "Ayos ko lang ba??" Tanong nito. Tumango naman ako dahilan para mapangiti siya. Marahil ay isa siya sa mga nakatira sa bahay na ito. Isa siyang lalaki na mukhang mas bata lang sa akin ng ilang taon, mas matangkad din siya sa akin at may magandang ngiti. Mas maputi nga lang ako pero nakadagdag naman sa appeal niya yung pagiging tan niya.
Tumikhim siya. Doon ko lang napansin na over titig na pala ako sa sabihin na nating gwapong nilalang sa harap ko. Umayos ako ng tindig. "So.. Anong pakay mo? Bakit napadpad ang isang magandang lalaki dito sa residente ng mga Oh?" Tanong nito na medyo may pagkaflirt ang dating. Sinasabi ko na nga ba ehh may tinatago ang isang 'to. Tsk. Dinukot ko sa bulsa ko ang leaflet na nakuha ko kanina. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang bigla ulit siyang magsalita. "Ahh! Applicant! Hindi mo agad sinabi. Tara sa loob." Sabi nito at inakbayan pa ako papasok. Like duh?! Pero dahil marahil isa siya sa makakasama ko dito sa bahay kaya dapat maging nice ako. Hinayaan ko na lang ang akbay niya.
Pagkapasok namin ng gate, napatingin ako sa kaninang tumatahol na aso, nakatingin lang ito sa amin na tila naghihintay ng maling galaw na gagawin ko o namin. Naramdaman ko namang lumipat ng pwesto yung lalaking kasama ko. Doon siya pumwesto sa part na nakikita nung aso at inakbayan muli ako. "Relax ka lang. Hindi ka kakagatin niyan, kasama mo ko." Sabi niya at ngumiti na namang ng nakakaloko. Nginitian ko na lang din siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang marating namin ang pintuan ng bahay, kumalas na siya sa pagkakaakbay at humarap sa akin. "Sya nga pala. I would like to introduce myself to you." Panimula niya at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay bago iniabot sa akin para makipagkamay. "I'm Jongin Kim pero Kai ang tinatawag nila sa akin." Nginitian ko siya at saka inabot ang kamay niya. "Luhan."
Pansin ko naman ang biglaang pag-iiba ng timpla ng mukha niya nung magsalita ako. "Yun oh! Finally! Nagsalita ka rin!!" Masayang sabi nito. Natawa naman ako dahil doon. Siya nga itong salita ng salita kaya hinahayaan ko na lang siya. "Nice to meet you, Luhan." Bati pa nito. "Nice to meet you too, Kai." Tugon ko naman bago kami pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok namin sa loob, nagtaka ako dahil wala man lang tao o kahit maid man lang. Nilingon ko si Kai. "Uhmm. Bakit walang tao? Kahit man lang maid wala?" Tanong ko dito at tumawa naman ito bago sumagot. "Hindi, may dalawang maid dito pero baka abala na yun sa kusina since pagabi na din at malapit na magdinner." Sagot niya. Magtatanong pa sana ako pero hinila niya na ako papunta sa living room at marahan pero sapilitang pinaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Teach Me!
Fanfiction"He teaches me not only to pass the exams, he also teaches me how to forget the past, live a new life and be contented on what you already have. He teaches me not only the academics but he also teaches me the lessons of life. He simply teaches me ho...