Chapter 16

1.2K 30 38
                                    

Ipinilig ni Trent ang kanyang ulo at tumingin sa labas ng bintana. Sa habog ng gusaling kinalalagyan ng condo, tila mga langgam lamang sa liit ang mga nasa ibaba. Abala ang bawat naroroon sa salit-salitang pagtawid sa kalsada. Hindi naman magkamayaw sa pagpapatakbo ang bawat jeepney, kotse at iba pang mga sasakyan kapag umilaw na ng pula ang traffic light. Itinutukod na niya ang isang siko sa window frame nang biglang magpakita ang mukha ni Janna sa kanyang balintataw.

Sumikip ang kanyang lalamunan sa naalala.

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising siya. Una niyang namataan ang nakasinding ilaw kaya't kumunot ang kanyang noo dahil ugali niyang patayin ito kapag matutulog na.

Ngunit pagpihit niya, nakita niyang may nakaunat na mga binti sa sahig. Yakap-yakap nang mumunting bisig nito ang katawan habang nakayungyong naman ang ulo. At daig pa ni Trent ang sinikmuraan nang maglandas ang mga mata niya sa nagtatayuang balahibo nito sa braso.

Walang pag-aatubiling bumangon siya sa kabila nang pamimigat ng katawan at mula sa closet ay kumuha siya nang extrang kumot saka ibinalabal dito.

Bahagya pa siyang nanigas nang gumalaw si Janna. Mabuti na lang at nag-iba lang ito ng puwesto.

Kusang umangat ang kanyang kamay at isinabit sa tainga ang kumawala nitong buhok. "Kung naiba lang ang sitwasyon, marahil magkakasundo tayong dalawa. But you manipulate us." Kasunod nang paggigitgitan ng kanyang mga ngipin,  bumalik si Trent sa kama.

Napako ang paningin niya sa mga pagkaing nakalapag sa bed tray. Nagtatalo ang isipan kung kakainin ba iyon o pababayaan na lang.

"Ibang-iba ka na, kuya. You're no longer the understanding and kind brother that I admire," Tricia said.

"You're right, sis. Because that Trent was gone at that exact moment you deceived him."

Kasabay nang pag-alingawngaw sa kanyang pandinig ng naging pag-uusap nila ni Tricia sa isla ay naikuyom din niya ang mga kamao. Ito pa ang may ganang sumbatan siya gayung ito nga ang dahilan kung bakit siya nagbago.

"But I can't hate her."

Kaya si Janna ang piagbubuntunan mo? Pathetic.

"Indeed."

His wondering thoughts were disrupted by the ringing of his cellphone. It's defeaning sound could be hear in four corners of his room.

"Hel---"

"I love you," putol ng nasa kabilang linya. Garalgal pa ang boses nito. "Remember this... I- I will always love you."

Inilayo niya ang cellphone sa tapat ng tainga at tiningnan iyon.

He was right. It was his girlfriend.

"Ano bang pinagsasabi mo, Kath? Umiiiyak ka--- hello? Hello?"

Pero busy tone na lang ang narinig ni Trent. Kahit nang subukan niya uling i-dial ang number ni Kath.

Sunod niyang hinanap ang number ng isa sa mga kaibigan.

Have you seen Kath?" tanong agad niya.

"Woah! Neither hi nor hello, tol?"

Nag-isang linya ang kanyang kilay sa sagot ni Vincent. "I'm in a hurry, tol. Have you seen Kath?"

"No," anito matapos tumikhim.

Sina Kyle at Mikhail naman ang kanyang tinawagan. Ngunit tulad ni Vincent, hindi rin nakita ng mga ito si Kath.

"Nakasalubong ko ang isa sa kanyang mga kaklase. Hindi raw pumasok, tol," pag-iimporma ni Mikhail.

Mas lalo siyang kinabahan. "What happened to you, Kathrilynn?"

Sinikap niyang makalabas ng condo kahit na umiikot pa ang kanyang paningin. Nagpagewang-gewang siyang sumakay ng elevator. Ilang beses din siyang namura ng mga nakakabangga niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nasa labas ng building.

Agad niyang pinara ang unang taxing nagdaan. "Renios subdivision.  Block  56."

Hindi pa tuluyang humihinto ang sasakyan ay bumaba na si Trent. Bahagya pang nanlaki ang mata ng taxi driver sa ginawa niya ngunit ipinagkibit-balikat na lamang nito iyon at sumibad nang muli.

"Nandiyan ba si Kath? Puwede ko ba siyang makausap?"

Napapiksi ang kawaksing kasalukuyang nagsasara ng gate.  Pinakatitigan siya nitong mabuti na sa noong nakakunot.  "Kanina pa po umalis, Sir Trent."

"Saan daw nagpunta? At kailan siya babalik?"

Mas lalong nagusot ang mukha ng kawaksi. Kakamot-kamot ng ulo, sinagot siya nito, "Hindi ko po alam kung saan, Sir. Basta mangingibang bansa raw ang buong pamilya at ewan ko rin kung babalik pa ba sila kasi binenta na itong mansion."

Napaatras siya sa narinig.

Paanong umalis si Kath nang hindi man lang nagpaalam sa kanya?

"Akala ko po nasabi na ni Ma'am Kath sa inyo," wika ng kawaksi. Bahagyang inilapit sa gilid ng kanyang tainga ang mukha habang nakabuka sa kaliwang pisngi nito ang isang kamay. Napansin din ni Trent na naglumikot muna ang mga mata nito bago bumuka ang bibig. "Iyon kasi ang ipinaalam niya kina ma'am at sir nang hingin nitong sumama sa inyong magbakasyon."

Napatutok siya sa kawaksi na waring tinubuan ito nang maraming ulo. "Magbakasyon?"

"Opo," sunod-sunod nitong tango. "Noong nakaraang buwan po."

Saka niya napagtanto.

Ibig sabihin, hindi totoong kasama niya si Tito Dale sa resort? 

Pakiramdam ni Trent ay para siyang nauupos na kandila. Wala sa loob na napaupo siya sa damuhan at sinapo ang kanyang ulo.

Why did you lie, Kath? Why didn't you tell me?

"Sir, okay lang po kayo? Sir?"

Hindi niya ito pinansin sa halip sinubukan niyang muling tawagan si Kath. Ngunit ni ring ay wala siyang narinig sa kabilang linya.

Papasok na sana sa loob ang kawaksi nang may bigla siyang maalala. Maagap niyang nahawakan ang palapulsuhan nito. "Anong oras daw ang flight nila?"

Suntok sa buwan pero baka sakaling abutan pa niya ito sa airport.

Sandaling napatingin ito sa taas. "Sa pagkakaalala ko, sir... kaninang alas otso ang lipad nila."

Tiningnan niya ang relong pambisig. Tuluyan siyang nanlumo.

9:30

Once again, he felt betray.

Ang damong nasa kanyang tabi ang nagpabuntungan niya nang sama ng loob. Pinagsusuntok niya iyon.

Saka biglang tumunog ang kanyang cellphone. Doon lang niya naalalang hawak niya pala iyon sa kabilang kamay. Nagkukumahog siyang sagutin ang tawag. Ni hindi nag-abalang sulyapan ang caller ID sa screen.

But when he recognized the voice, his jaw suddenly tightened as his knuckles turned white.

"Where are you, Trent? Okay ka lang ba?"

Pakiramdam niya, nagsiakyatan ang dugo sa kanyang ulo. Bumibigat ang kanyang paghinga.

"Hello, Trent. Are you still there? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."

"I don't need you," mababa ang tinig niyang turan.

Buong lakas niyang ibinato ang cellphone. Dahilan upang tumilapon sa kung saan ang mga nawasak na parte niyon. Ang palad na nasa damo ay ginamit niya upang iangat ang sarili ngunit muli lang siyang napaupo nang makaramdam ng pagkaliyo.

"Sir, gusto niyo po bang tumawag ako ng ambulansiya? Namumutla po kayo."

Umiling si Trent. Sa ikawalang subok ay matagumpay siyang nakatayo. Laglag ang mga balikat, nilisan niya ang lugar.

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon