"Nandito na sina captain!"
Napangisi si Vincent sabay siko kay Trent.
"Naks! Ibang klase talaga 'tong presensya ni Kyle, tumitino 'yong mga pasaway, e. Tanaw ko mula sa labas kanina ang gulo-gulo ng mga 'yan, pumasok lang si Kyle, nagsiayusan na."
Tinanaw ni Trent ang kaibigang paksa nila ngayon. Nauuna itong maglakad sa kanila. Sunod niyang sinulyapan ang mga ka-teammates nila. Gaya nga ng sinabi ni Vincent, nagsiayusan ang mga ito: nakahilerang nakatayo sa gitna ng court.
Ngumisi siya sabay iling. Saka nilingon ang nagsalitang si Mikhail.
"Sino ba kasing 'di matatakot diyan? Laging nakasimangot," komento nito.
Tinawanan nila ni Vincent ang sinabi ng huli. Buti nalang medyo malayo si Kyle sa kanila.
He might spank us if he hears.
"Makipila na rin tayo baka bulyawan pa tayo ng isang 'yan pag nagkataon. Wala pa namang pinapalampas 'yan," he said instead. Saka nagpatiuna nang lumakad papalapit sa mga nakapila.
Pero nagulat siya nang may biglang bumangga sa kanya.
"Sorry," anito.
Nag-angat siya ng tingin upang mapagsino ang salarin.
James Salcedo.
Something inside him snapped. But he knew it was not due to the collision.
However, his pride refrained him from accepting the real reason of his sudden irritation towards the man in his front.
Kaya tinanguan niya ito biglang pagpapahiwatig na okay lang.
Though two years na silang teammates ni James, hindi sila malapit sa isa't-isa. Pakiramdam niya noon may indifference ito sa kanilang apat.
Nang umalis na ito sa harapan niya ay sinuyod ni Trent ng tingin ang pinanggalingan ni James. Sa pinakatuktok na baitang ng bleacher, nakita niyang may babaeng nakayuko, natatabunan ng nakalugay nitong buhok ang mukha at tutok ang atensyon sa laptop. But the figure was very familiar to him.
Janna?
"Let's divide the team into two," ani ni Kyle na nagpabalik sa kanyang naglalakbay na diwa. "Red team: Dominguez, Anislao, Prido, Ferrer and Salcedo. Alonzo, Hatorde, De Guzman, Lopez and Sy; you're the yellow team. Newbies will be on the corner to enhance the basics and you two," turo nito sa dalawa pang first year. "Will be the scorer while I'll stand as the referee."
Agad silang nagsipulasan patungo sa kani-kanilang pangkat.
Then Kyle went to the center.
Jump ball was fought between the highest players of each them. From them was Vincent habang si Mikhail naman sa kabila.
"Anong klaseng talon 'yon tol?" reklamo niya kay Vincent nang si Mikhail ang makatapik ng bola. And to add his annoyance, James caught the ball.
Mabilis siyang tumakbo upang harangan ito. Ewan ba niya pero nag-elevate ang desire niyang pigilan ito. At bigla ring nakaramdam siya ng animosity na dati naman ay wala siya para rito.
James suddenly stopped, dribbled the ball between his legs and jumped backwards.
Fade away? Ang layo pa niya sa ring!
But he was aware that James was a pro in a long-range shot kaya't mabilis siyang tumalon at itinaas ang isang kamay paharang sa bola. Pero sa malas niya ay nasagi niya ang palapulsuhan nito.
Prrrt!
The sound of whistle echoed in all the corners of gymnasium. "Foul! Number 11."
Itinaas ni Trent ang kanang kamay while James placed himself inside the circle.
Nakasimangot na nilapitan siya ni Vincent. "Anong nangyari sa'yo? Halatang fake 'yon. Nahulog ka sa bitag niya."
Hindi niya ito pinansin. Naiinis siya dahil napagtanto niyang hindi fade away shot ang balak ni James kundi ang i-foul niya ito upang maka-shoot ni free throw.
And for pete's sake, it was a three point shot!
Mas lalo siyang napabusangot nang 'ni isa ay wala man lang pumalya sa mga tira nito. But he was determined to take what he gave. Kaya naman nang ipinasa ng isa sa mga players mula sa kabilang team na nasa labas ng court ang bola sa kasama ay mabilis niya itong inagaw.
"Fast break!" sigaw ng teammate niyang naghihintay sa ilalim ng ring.
Ibinato niya ang bola na nasalo naman nito saka ito nag-jump shot.
"Yes!" Napasuntok pa siya sa hangin nang pumasok sa ring ang bola.
Nagpatuloy ang mainit na laro sa pagitan ng dalawang kuponan. Bawat isa ay ayaw magpatalo. Hindi nalalayo sa isang puntos ang lamang ng kalaban. Kapag nag-long shot si James, madalas itong sagutin ni Trent ng long shot din. Jump shot o lay-up naman ang pambato ni Mikhail na ibinabalik ni Vincent ng dunk.
Pawisan na sila at sobrang hinihingal na rin. Sinulyapan ni Trent ang score board.
68- 67 in favor of red team.
Mabilis niyang pinalipat-lipat ang tingin sa kanyang mga kasama habang pinapatalbog ang bola. Naghahanap kung sino ang papasahan o kung ipapasa ba niya.
Crap! 10 seconds left.
He started to run towards the ring pero nahinto rin dahil mahigpit ang pagbabantay ni James.
9...
Kainis! Ba't di ko siya malampasan? piping-himutok niya.
8...
But he couldn't afford to lose.
7...
Nagliwanag ang mukha niya nang makitang nakatakas si Vincent sa pagbabantay ni Mikhail pero nahuli ni James ang kanyang mga mata. Umakto siyang ipapasa kay Vincent ang bola pero nang lumundag ang kanyang bantay patagilid at iniharang ang katawan...
Gotcha!
Pinatalbog niyang muli ang bola sa sahig, lumigid at tumakbo patungo sa kanilang ring.
6...
5...
4...
3...
2...
When he was already inside the circle, he jumped and released the ball.
1...
Kasabay nang pagpasok ng bola sa ring ay ang pagtunog ng buzzer. He turned around to looked at the score board.
68-69
He leaped and threw his arms in the air. Maging ang mga kasama niya ay tuwang-tuwa rin. Mabilis niyang iniligid ang mga mata sa puwesto kung saan niya huling nakitang nakaupo si Janna. Pero wala na ito roon. Hinanap niya ito.
But when he found her at the bottom of the bleacher, the happiness he had felt suddenly vanished as she saw her standing, smiling widely while handling the towel and a bottle of water to no other than...
James.
BINABASA MO ANG
PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018
RomanceDalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang ginawa ng mga kapatid nila ay nauwi sila sa hindi inaasahang kasalan. Masaya dapat si Janna dahil sa...