Chapter 40

577 23 25
                                    

Kung may pinakamahirap mang desisyon na ginawa si Janna, iyon ay ang pakawalan ang lalaking tanging minahal niya. Subalit sabi nga, kung talagang mahal mo ang isang tao, hahayaan mo itong lumaya at maging masaya.

Pinagmasdan niya si Trent na nakaawang ang bibig habang tinititigan siya. Sa pagitan nang nanunubig na mga mata ay nginitian niya ito. "Don't think I'm no longer in love with you because I still do. Very much."

"Then why are you breaking up with me?" he asked finally.

"Because we need it. Both of us need this, Trent. Ayokong dumating ang panahon na kapwa tayo magsisi. Ikaw, dahil pinili mo ako kahit may mahal kang iba. At ako, dahil kinulong ka sa relasyong sa simula pa ay alam kong napipilitan ka lang."

Mas lalong lumalim ang gitla sa noo ni Trent. "Ano bang pinagsasabi mo, Janna? If this is about Kath, I'm telling you, we've already done a long time ago."

"Kaya ba hindi mo masabi nang lubusan na wala ka nang nararamdaman para sa kanya? Kaya ba hindi mo siya masagot nang tanungin ka niya kung sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?" She didn't mean it. Pero kusang lumabas ang hinanakit sa kanyang boses. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "I was there, Trent. And I heard everything."

Daig pa ang nahuling gumawa ng ilegal ang naging reaksiyon ni Trent. Nanatiling nakapinid lamang ang mga labi nito at hindi magawang tumingin sa kanya.

At parang tinusok ng libo-libong karayom ang kanyang puso sa nakikita. Maging ang lalamunan niya ay sumisikip na rin. Pero patuloy siyang nagsalita.

"Sabi noon sa akin ni mama, fight for someone you love until the very end. Pero narealize ko, applicable lang 'yon kung mutual ang feelings ninyo ng taong ipinaglalaban mo. Sadly, we're not, Trent." Then she released a long deep sigh. "That's why I'm setting you free."

Janna didn't know how could she utter those words without stammering. But she was glad, she didn't. Though deep inside, her heart was shattering in pieces.

"Dapat noon pa ako bumitaw," aniya.

Again, she looked at him. Longer than usual. Engraving every part of him in her mind. Treasuring the time left to be with him.

Then came a pause. Until Trent pull her closer to him. He remained silent. And when their breaths became even, he spoke.

"I promised to never hurt you again. But I did."

"You didn't mean to hurt me," sabi niya. "Don't blame yourself. Desisyon ko 'to."

"Why, Janna?"

"What?"

"Bakit hindi ka galit sa akin?"

Pagak siyang natawa. Bakit nga ba?

"I can't. At isa pa, ako lang din naman ang mahihirapan kapag nagalit ako. What good can anger brings to me? None." And it was the truth.

Mas lalo pa niyang inihilig ang ulo sa dibdib ng asawa.

With that thought, she chuckled within herself.

This might be the last that I will call him that.

"Kailangan ba talaga nating maghiwalay?" maya-maya'y tanong nito. "Masaya naman tayo, di ba?"

Masaya nga ba?

Tumuwid siya ng upo.

"Magiging masaya lang tayo, Trent kung talagang mahal natin ang isa't-isa. Masasabi mo ba sa akin na ako lang? Na wala akong kahati?"

Hindi sumagot si Trent bagkus yumuko lang ito. Kaya malungkot siyang ngumiti.

Masokista ata siya. Alam na niyang ganoon ang magiging reaksiyon nito at masasaktan siya pero nagtanong pa rin siya.

"See?" She held his hands. "I've been telling myself that you love me but the other side of me keeps on  nagging that it wasn't the truth. Because if you really do, you won't be confused."

Nilaru-laro nito ang kanyang mga daliri bago nagsalita, "Siguro nga, Janna. Hindi ko pa tuluyang nakakalimutan si Kath pero malay natin balang-araw mabura ko na siya nang lubusan sa sistema ko."

"Paano kung hindi?" tanong niya.

At muli ay napipilan si Trent.

"As I said earlier, we need this separation. Hindi lang sa'yo, kundi para na rin sa akin. Kay mama at sa kapatid kong si Kath. Kung bakit naman kasi sa iisang lalaki pa kami nagkagusto." Binuntutan niya iyon ng mahinang tawa. Datapwat walang mababakas na tuwa sa kanyang tawa.

Mabilis siyang tumayo upang ikubli kay Trent ang panginginig ng kanyang mga labi at ang napipintong pag-agos ng kanyang mga luha. Subalit hindi pa man siya tuluyang nakakatalikod ay maagap na nitong napigil ang kanyang palapulsuhan.

"Janna..."

And just by the mere mention of her name, the desire to leave him subsided.

Get a grip, Janna. Don't be selfish.

"I'm sorry..."

Bakit sa simpleng mga salita na 'yon, unti-unti siyang kinakapusan ng hininga?

"Don't be, Trent," sagot niya habang nanatiling nakatalikod rito. "M-masaya na ako na minsan sa buhay ko, naranasan ko ang mahalin mo. K-kahit... panandalian l-lang."

Please, tears. Not now. Just hold a little bit longer.

Dahan-dahang lumuwang ang pagkakahawak ni Trent sa kanya. Sinulyapan niya ito at nakita niyang nakayuko ito habang yumugyog ang magkabilang balikat.

Immediately, her arms wrapped around him as she rubbed his back. "Please stop. I'm not letting you go for you to end up crying."

Ang mga luhang kanina pa niya pinipigil ay tuluyan nang bumagsak. Sinalo ng kanyang mga kamay ang mukha nito saka pinaglapat ang kanilang mga noo.

"Napakasakit pa...para sa akin nito, Trent. P...pero kailangan kong g...gawin. Kaya pakiusap, maging m...masaya ka. D...dahil kung masaya ka, magiging masaya na rin a...ako."

Pinahid niya ang mga luha nito. Parehong basa na ang kanilang mga pisngi. Saka niya ito kinintalan ng masuyong halik sa mga labi.

"I love you, Trent. Good bye."

And with that, she ran outside. Leaving her things behind. Ipapakuha na lang niya kay Rain ang mga gamit niya.

______

Don't know kung naisulat ko ba ang tamang emosyon. Hope so. 😧 Let me hear your thoughts, guys. Listen also to the song above.

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon