It had been three days since Janna left. Panibagong umaga, panibagong araw na naman ang kakaharapin niya.
Habang nakadapa sa higaan ay kinusot niya ang mga mata. The clock in his bedside table said it was already six thirty. Pinakiramdam niya ang paligid. Ang tahimik.
Nakakapagtaka.
Dati na namang katahimikan ang sumasalubong sa kanya sa tuwing nagigising siya noon. Pero tila ata mas dumoble--- no, mas trumiple pa ata ito ngayon.
And he felt that emptiness was consuming him. Ganoon ang naramdaman niya nang unang beses na hindi umuwi si Janna. At sa araw-araw na nagigising siya, ang kahungkagang yaon ang kanyang unang nadarama.
Pinuno ni Trent ng hangin ang baga saka bumangon. Kailangan pa niyang pumasok sa trabaho.
Ngunit nang isinuot na niya ang kanyang polo shirt matapos maligo ay napahinto siya.
Remembering that Janna used to fix his collar for him. He shook his head. There he was again, reminiscing their past.
Ibinalik niya ang atensyon sa pag-aayos ng sarili. Nang makontento na ay lumabas na siya sa kanyang silid. Yet when he step his feet in the living room, the door of Janna's room welcomed his sight.
Once more, he dismissed the feeling. And went to the kitchen.
But suddenly froze when he saw someone, standing in front the stove, flipping something in the pan.
"Janna?" Excitement was evident in his voice.
She's back.
Pero nang humarap ito'y napawi ang pagkagalak niya.
"What are you doing here, Kath? How did you enter?" With furrowed brows, he asked.
Nginitian siya nito. Bitbit ang platong may lamang fried eggs ay naglakad ito papalapit sa kanya. "Mamaya ka na magtanong. Instead, eat first. Baka malate ka na sa work mo."
Pero hindi siya nagpatinag nang marahan siya nitong itulak sa direksyong patungo sa dining area.
Aywan. Subalit kumulo ang dugo ni Trent nang pakialaman nito ang kusina.
Off all places in his condo, kitchen held most of his memories of Janna. Dito niya madalas itong makitang ngumingiti at kumakanta habang nagluluto. 'Yong tipong sobrang saya talaga. No one invaded his kitchen apart from her.
Even Kath.
Heck! Hindi nga niya alam na marunong palang magluto ang dating kasintahan dahil palagi lang namang take out ang kinakain nila sa tuwing dinadalaw siya nito noon.
"Answer me, Kath."
She dropped her shoulders and walked first. Inilapag nito ang hawak sa mesa.
"I'm here because I want to fix our relationship. And with regards to how I enter, did you forget I knew your passcode? You didn't even bother to change it."
Right. He mentally noted himself to put another one after this. Also, to removed her name from the list of visitors.
"There's nothing to fix between us, Kath," aniya. "Tapos na tayo---"
"No!" she abruptly cut him.
Nahilot ni Trent ang sentido. "I have a wife."
"Had."
Awtomatiko siyang napatingin dito kasabay nang pagkunot ng noo.
"Nalaman kong maghihiwalay na kayo," anito. "Kaya wala ng rason para ipagtabuyan mo ako, Trent. Dahil wala ng hadlang sa pagmamahalan natin. I'm glad na nagising na si Janna sa panaginip niya."
Naikuyom niya ang mga palad. Nag-isang linya ang kanyang mga labi at nag-igtingan din ang litid niya sa noo.
Somehow, those words from her were unpleasant to his ears.
What good can anger brings to me? None.
Bigla niyang naalalang sinabi ni Janna.
He closed his eyes and took a deep breath. Nang imulat ang mga mata ay humupa na ang inis niya.
Then they heard a buzz.
Malalaking hakbang na tinungo ni Trent ang pintuan. Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso.
Ngunit napalis ang namumuong antisipasyon sa dibdib nang mabungaran ang lalaking nakasuot ng pulang cap. Wearing a polo with white and red mixture.
"Mr. Trent Javier Alonzo?" tanong ng lalaki.
"Yes."
Saka nito iniabot ang brown envelope. Kasunod ay makapal na papel at ballpen. "Pakipirma po rito, sir."
After he signed the papers, he immediately took what was inside the envelope.
At tila siya tinakasan ng kulay nang mapagtanto kung ano iyon.
No... no...
Naghuhumiyaw sa pagtutol ang isip niya. Oo, alam niyang maghihiwalay na sila ni Janna. Ngunit parang ngayon lang tumimo ang bigat ng sinabi nito.
Seeing this piece of annulment paper with her signature attached, squeezed his throat. And as if an iron hand was also clutching his heart.
Dali-dali niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas ay pinigil na siya ni Kath.
"Where are you going, Trent? Don't tell me hahabulin mo si Janna? What are you thinking, she already gave you your freedom?"
"I don't need my freedom!" he hissed.
Saka niya ito nilagpasan.
Ngunit nakababa na siya sa basement kung saan nakaparada ang kanyang kotse ay hinabol pa rin siya ni Kath.
"Trent!" hinila nito ang kanyang braso sanhi upang mapahinto siya. "Ganyan lang ang reaksyon mo ngayon kasi nasanay kang laging nasa tabi mo si Janna nang umalis ako. But I'm here now, Trent. Kaya kong lagpasan kung ano man ang ginawa niya. Just give me another chance."
Inalis lang niya ang kamay nito at nagsimula muling maglakad.
But she was persistent. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakakapit sa kanyang braso. Kaya unti-unti nang napuputol ang pisi ng pasensya niya.
"Kath, let me go!"
"No!" umiiling na bulalas ni Kath. Ang mga pisngi nito'y hilam na sa luha. "Ganoon na lang ba iyon, Trent? Basta-basta mo nalang itatapon ang pinagsamahan natin? Basta-basta mo nalang kakalimutan ang kung anong namagitan sa ating dalawa?"
Nagpanting ang kanyang mga tainga.
Anong basta-basta?
Hindi ba't sa sobrang panghihinayang niya sa nakaraan nila kaya nagkalabuan sila ni Janna? Nilunod niya ang sarili sa pagbabalik-tanaw sa mga ala-ala nila ni Kath sa kasagsagan ng kanilang kabataan. Nahirapan siyang pakawalan dahil matagal din niyang iningatan ang mga iyon sa kanyang puso't isipan.
But compared to the possibility of losing Janna forever, realization stroke him that those memories were nothing.
Ang tanga lang niya.
And how he badly wanted to kick himself because of his stupidity.
He grabbed both of Kath's shoulders and looked directly in her eyes. "Listen," with a calm and deep voice, he said. "You were my past but Janna is my present and will be my future."
Mas lalong namalisbis ang luha sa mga mata nito. And he felt sorry for her. Nagkaroon din naman ng malaking papel noon si Kath sa buhay niya pero kailangan niya itong prangkahin upang huwag na itong umasa pa. Dahil maliban sa ala-ala, wala na siyang ibang nararamdaman pa para sa dating katipan.
Napasalampak ito sa sahig habang humahagulgol.
Malamlam ang mga mata niya itong tinitigan. "I'm sorry, Kath."
Walang lingon-likod iniwan niya ito saka pinasibad ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018
RomanceDalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang ginawa ng mga kapatid nila ay nauwi sila sa hindi inaasahang kasalan. Masaya dapat si Janna dahil sa...