Bagsak ang mga balikat na tinapunan ng tingin ni Trent ang mga nilakumos na papel sa sahig. Kanina niya pa sinusubukang iguhit ang planong building para sa kasalukuyang kliyente nila pero laging kumakalat ang ink ng tech pen sa tracing paper.
Ginulo niya ang kanyang buhok saka muling pinalapat ang lead ng pen sa papel subalit kasasayad palang ng dulo nito ay nagblot na namang muli.
"Aaaah!" Gigil na nasuntok ni Trent ang mesa. Hindi pa siya nakontento, ibinato rin niya ang tech pen. Tumalbog iyon sa pader at nagkapira-piraso. Saka niya napagdesisyonang lumabas ng silid. Nagpalakad-lakad siya sa kabuoan ng sala, hinihilot ang kanyang sintidong nangagalay dahil sa pagkakayuko.
Naiinis siya. Nanggalaiti rin dahil hindi niya magawa nang maayos ang trabaho niya. His lost of focus started at the day of Kath's return and obviously, he was greatly affected upon seeing her again.
Napasalampak siya ng upo sa mahabang sofa. Itinukod ang mga siko sa magkabilang tuhod saka naihilamos ang mga palad sa mukha. The moment he admitted to himself that he already fell for his wife was also the moment he decided to forget about Kath. However, not in his wildest dreams did he expect her to show up again. Not as soon as this.
Confused, bothered and distressed; those were his current situation. Though it was clear for him that he loved his wife yet...
'Why am I still disturb of my ex-girlfriend's sudden appearance?'
He sighed upon his thought as memories of yesterday clouded his mind.
"Mga tol, mauna na kayo. Sasaglit lang ako sa office," paalam ni Trent sa mga kaibigan.
Tinanguan siya ng mga ito at nagpatiunang magbalik sa kanilang silid-aralan.
As the newly elected president of the student's council, marami siyang dapat isaayos at baguhin. He was fully aware how incompetent their former president was and that triggered him to run in the position despite the fact that he was only in grade eight.
Dumiretso ang mga ito samantalang huminto siya sa harapan ng gusaling mag-isang nakatirik sa gilid ng pathway, may tanim na Santan ang magkabilang gilid at harapan.
Dinukot niya ang susi mula sa bulsa ng khaki pants ngunit hindi pa man niya ito tuluyang naipapasok sa keyhole ng padlock, naagaw na ang kanyang atensyon nang may marinig siyang kaluskos.
Lumigid siya sa likod ng building.
"Hi! Nanay Miming, ang cute ng mga kuting mo."
Agad siyang napahinto nang mapagmasdan ang may likha ng ingay. Nakatagilid ang babae sa kanyang gawi. Tumatabing sa mukha ang alon-along buhok. Ang laylayan ng palda nito ay nakasayad sa lupa sanhi ng pagkakatalungko.
Lumipad ang kanyang paningin sa kahong kulay puti. May mga tela sa loob kung saan nakapatong ang mas malaking pusa kasama ang tatlong nakapikit nitong mga supling. Nakahilig ang mga ito sa tiyan ng ina.
Hinaplos ng babae ang tinawag nitong Nanay Miming na sa kanyang pagkamangha ay yumuko sabay tulak ng sariling ulo upang dumikit pa lalo sa palad ng babae.
"Tulad ng pangako ko sa'yo kahapon, may dala akong pagkain. Tsaraaan!" Itinaas nang kabilang kamay nito ang dalang supot.
Kumurba paitaas ang kanyang bibig dahil sa inakto ng babae. Kung kasusapin nito ang pusa ay tila ba nagkakaintindihan talaga silang dalawa.
Pero napalis ang kanyang ngiti nang makita siya ng pusa. Bumangon ito kasabay nang pagtayo nang mga balahibo at buntot. Sa nanlilisik na mga mata, nagsilabasan ang matatalim nitong ngipin.
Awtomatikong humakbang paatras ang isa niyang paa. Ang babae naman ay napalingon sa kanya. Hindi niya gaanong naaninag ang mukha nito sapagkat natatabunan ng buhok ang kabila nitong pisngi.
Bago pa siya makabawi sa pagkabigla ay mabilis nang dinampot ng babae ang kahon saka nagtatatakbo palayo.
"Miss, sandali lang! Wala akong masamang balak!" sigaw niya gunit hindi na siya sinulyapan pang muli ng babae.
Marahan siyang napatawa sa bugso ng ala-ala. Iyon ang unang pagkakataong nasilayan ni Trent si Kath.
Though he found her weird that time however, that weirdness of her caught his attention. And his interest raised when he met her again during intramurals.
Habol ni Treng ang hininga habang nagpalinga-linga. Sinisiyasat kung sinusundan pa rin ba siya ng mga kaibigan. May lumapit kasi sa kanilang C.A.T aspirants at sinabing may nagbayad daw para makipag-blind date sa kanya na mahigpit niyang tinutulan. Subalit ang mga loko niyang kaibigan, imbes na tulungan siyang umiwas ay nagpresenta pang siyang maghahatid sa kanya sa blind date booth. Kaya wala pang ilang segundo'y kumaripas na siya ng takbo.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa mini forest ng paaralan. Habang nakalapat ang isa niyang kamay sa katawan ng puno ay nakatukod naman ang isa pa sa kanyang tuhod. Nanlalaki ang mga butas ng kanyang ilong at mabilis ang pagtahip ng dibdib.
Sumandal siya sa puno saka dumaosdos pababa. Tanging huni ng mga ibon lamang ang bumabasag sa katahimikan ng paligid. Hanggang sa may sa mabining boses ang pumailanlang...
🎶 Buksan ang 'yong mga mata
kahit may luha
mamahalin pa rin kita
at tutulungang lumaya 🎶Dahan-dahan siyang lumapit sa malaking bato kung saan nagmumula ang kumakanta. Ikinubli niya ang ibabang bahagi ng katawan sa tapat ng bato samantalang ang itaas ang siyang sumilip sa kabilang panig.
Ang werdong babae, na noo'y hindi pa niya alam na ang pangalan ay Kath, ang kanyang nabungaran. Nakasandig sa bato ang likod at ulo nito subalit sarado ang mga mata. Tulad nang unang beses niya itong makita, nakatabon pa rin sa kalahating mukha nito ang buhok. At ang mga kamay ay humahaplos sa pusang mahimbing na natutulog sa kandungan.
🎶 Basong may tubig
lagyan mong muli
aapaw dahil wala ng silid
pusong may galit
di maaring umibig
bulag sa wasto alipin ng isip 🎶Hinayaan ni Trent ang sariling iduyan nang malamyos nitong tinig. Ibinuhos ang buong bigat sa batong nakapagitan sa kanila ng babae. Unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.
"Huli ka!"
Boses ni Vincent na siyang agarang nagpadilat sa kanya sabay pulupot ng mga kamay nito sa kanyang kanang braso. Si Mikhail naman ang nakahawak sa kaliwa habang tinutulak siya ni Kyle paabante.
"Bitiwan niyo ako, mga kolokoy!" Nagpupumiglas siya subalit ano bang laban niya sa tatlo?
Ayaw pa sana niyang umalis doon ngunit wala siyang pagpipilian dahil maliban sa tila bakal ang mga kamay na nakakapit sa kanya nang mahigpit, iniiwasan din niyang malaman ng mga ito na mayroon siyang tinatanaw. Dahil kapag nalaman ng mga itong babae iyon, malakas pa sa ulan ang bugso ng alaska sa kanya.
Ilang araw din ang lumipas bago nagkrus muli ang landas nila ni Kath.
It was a short lived yet the most memorable encounter he had with her. Because he was able to help her from her bullies and lent him his shirt.
Kung alam lang niyang iyon na pala ang huling pagkakataong makikita niya si Kath, sana nilubos-lubos na niya kaysa sinayang ang mga sandali sa pagtungo sa guidance office upang magsumbong.
Pero sinong mag-aakalang pagkatapos ng anim na taon ay magkakatagpo silang muli?
Upang sa huli, ay magkahiwalay lang ulit.
BINABASA MO ANG
PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018
RomanceDalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang ginawa ng mga kapatid nila ay nauwi sila sa hindi inaasahang kasalan. Masaya dapat si Janna dahil sa...