Chapter 36

483 14 7
                                    

"Trent... Trent..."

Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising kay Trent. At sa kanyang pagdilat, ang maamong mukha ni Janna ang kanyang nakita.

"Bakit dito ka sa sofa natulog?" tanong nito.

Umayos siya ng upo saka kinusot ang mga mata. "Hindi ko namalayang naidlip pala ako rito," aniya.

"Kumain ka na ba?"

Umiling siya.

"Magluluto ako. Sandali lang." Tinapik siya nitong muli bago tumayo at nagtuloy sa kusina.

Sinundan niya ito. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya kung gaano nito kagamay ang kusina.

"Hmmm... may kailangan ka?"

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi sa tanong nito. Naalala niyang ganoon din ang sinabi ni Janna nang unang beses niya itong matunghayang nagluluto. Ngunit agad din siyang napangiwi nang sumagi sa balintataw ang mga pinaggagagawa niya noon.

Mabilis na binitiwan ni Janna ang hawak na kutsilyo nang mapagmasdan ang kanyang reaksiyon. Inilang hakbang nito ang kanilang pagitan saka siya sinalat sa leeg tapos sa noo. "Masama ba ang pkiramdam mo?" sa nag-aalalang tinig ay tanong nito.

"No." Muli siyang umiling saka hinuli ang magkabila nitong palad. "I just remember how rude I was to you. Until now, I still couldn't believe that you already forgave me, Janna."

"Believe it, Trent. Because I did."

"Why?"

"What why?"

"Why did you forgive me easily?"

Nagbaba ng tingin si Janna at nilaro-laro ang magkahugpong nilang mga kamay. "Sapat na ba'ng sagot na dahil mahal kita?"

At parang hinaplos ang kanyang puso sa narinig.

"Love does not keep records of wrong, Trent," dagdag pa nito. "And I have seen that you genuinely regret what you did, so why prolonging the agony?"

Do I deserve someone like her? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.

"But I have this question, Trent." Tiningala siya nito at pinakatitigang mabuti. "Do you love me?"

Nag-isang linya ang kanyang mga kilay kasabay nang mariing paglapat ng kanyang mga labi. Sa mababang tono ay nagsalita siya, "What kind of question is that, Janna?"

"Just answer me please," may pagsumamong usal nito.

"Of course! Haven't I told you that?!" Kusang nag-umalpas ang kanyang boses. Nagpagting talaga ang tainga niya sa tanong nito.

Hindi ba nito nararamdaman ang pagmamahal niya?

Ngunit nagulat siya sa sunod na binigkas ni Janna.

"How about Kath? Do you still love her?"

Umawang ang kanyang bibig. Saglit siyang natahimik. Nang mahismasmasan, nag-iwas siya ng tingin bago ito sinagot, "No."

But Janna gently cupped his face. "Look at me, Trent. If you're saying the truth, lock your eyes with mine."

Her voice was so serene and soothing. He couldn't help but to glance at her again.

"Why are you doing this, Janna?" sa hinahapong tono ay tanong niya.

"Karapatan kong malaman ang totoo, Trent. Please, tell me the truth."

Ilang beses na ba nitong nasabi ang salitang  'please' ng gabing 'yon?

Sunod-sunod siyang napalunok saka nagbuga ng hangin. Nakayuko at laglag ang mga balikat bumuka ang kanyang bibig, "Honestly, I don't know."

Nakita ni Trent ang panandaliang pagsilay ng kirot sa mga mata ni Janna. Na pinilit nitong pinagtakpan. Gusto niyang suntukin ang sarili.

Once again, he caused her pain. As much as he wanted to take back what he said, he couldn't. For he knew it was the truth.

Maya-maya'y tumango ito at binalikan ang hinihiwang patatas.

"Janna..." tawag niya rito.

"Hmm?" anito.

"I'm sor---"

"By the way, nakita ko na si mama!" Lumawak ang pagkakangiti ni Janna. Pinasigla rin nito ang sariling boses.

Subalit hindi manhid si Trent. Alam niyang sadyang pinutol nito ang kanyang paghingi ng tawad. At naiintindihan niya kung bakit. Napagdesisyunan niyang sakyan na lang ang pagpapanggap nito.

"Really?" Lumapit siya rito sabay akbay. "What happened? Kuwentuhan mo naman ako."

Pero inalis nito ang kanyang braso at tinulak siya nang marahan palabas sa kusina. "Mamaya na kapag kumain na tayo. Paglutuin mo muna ako. Hindi ako makapagfocus kapag nariyan ka." Binuntuan pa nito ng tawa ang huling sinabi.

Tawa na sa hinuha ni Trent ay kulang sa saya. Lumabas siya ng kusina. Ngunit nahuli pa ng kanyang paningin ang pagbuntong-hiniga nito.

Nagtungo siya sa kanyang silid upang ligpitin ang mga kalat niya. Habang pinupulot ang mga papel, inalala niya ang naging usapan nila ni Janna. Napangisi siya nang may ideyang pumasok sa kanyang isipan.

Sana makabawi ako sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng pagkatok. Kasunod ng pagbukas ng pintuan ay ang paglitaw naman ng pigura ni Janna.

"Kain na tayo," anito.

Together, they walk side by side to the dining area. True to her word, Janna told him how she accidentally saw her mother at the mall, as they eat.

Natutuwa si Trent na mapagmasdang totoong tawa na ang nakikita niya kay Janna. Kahit ang mga mata nito ay ngumingiti rin habang nagkukuwento. Kung umakto ito ay parang walang nangyaring pag-uusap tungkol sa ex-girlfriend niya kanina.

Naaaliw din siya sa salitang pagnguya at pagsasalita nito. Para itong bata.

"Easy," aniya sabay abot ng basong may lamang tubig dahil nabilaukan ito. "We have all the night for you to talk about your mom."

"Sorry. Sobrang excited lang," wika nito na bahagyang nakangiwi.

"Pansin ko nga," sabi naman niya na may halong nakakalokong ngisi.

Sinamangutan lang siya ni Janna at tinuon muli ang pansin sa pagkain.

"Uy! 'Di ka na umimik diyan. Huwag mong sabihing nagtatampo ka?" Sinundot niya ito sa tagiliran.

Na siya namang ikinapiksi ni Janna. "Excuse me! Hindi kaya."

"Weeh?"

Pinandilatan siya nito. "Swear."

"Sabi mo, e." Nagkibikit-balikat si Trent. Kinuha niyang muli ang kutsara't kubyertos na saglit niyang inilapag nang sundutin si Janna. "Weekend naman bukas, di ba?"

"Oo. Bakit?"

"Labas tayo. Isama mo na rin ang mama mo para magkakilala naman kami."

Pilit niyang sinupil ang pagkurba paitaas ng sulok ng mga labi nang manlaki ang mga mata nito kasabay nang pag-awang ng bibig.

Sunod-sunod itong tumango. "Sige! For sure matutuwa si mama."

"I'm glad with that," he said.

If only they knew what would happen tomorrow.

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon