Disappointing their father was the very last thing Janna dreamt of doing. That was the reason that even if she was hurting, she kept her mouth close. Though she was not good in argument, she often joined debate club. Even if she had fever, she still went to school.
Pero pagkatapos marinig ang isiniwalat nila ni Rain, bakas na bakas sa mukha ng ama nila ang pagkadismaya.
"I'm sorry, daddy." Hindi na niya mabilang kung makailang ulit na niyang nasambit ang mga katagang iyon.
Ngunit maliban sa sorry, wala nang iba pang maisipang sabihin si Janna na magpapahupa sa sama ng loob ni Daddy Victor.
Tinitigan lang siya nito pailalim pagkatapos ay binalingan si Rain, "How could you do that to your own sister, Berainelle?"
Once again, the coldness of their father's voice, sent chills to her spine. Mas nanaisin pa niyang suminghal ito kaysa sa maging kalmado dahil paniguradong mas nakakapanindig-balahibo ang bugso ng galit nito. Sinulyapan niya ang kanyang kapatid. Panay ang labas ng hangin sa bibig nito. Alam niyang hindi ito basta-basta nasisindak. But her expression now, was far different to her usual reaction.
Napatungo si Rain bago nagsalita, "I admit, dad. I crossed the line. Sorry po."
"Can your sorry change the outcome? Kailan ka ba titino? Kailan mo ba iisipin ang resulta ng mga padalos-dalos mong desisyon?!"
Kapwa sila napaigik nang pukpokin nito ang mesa.
"At ikaw, Janna," untag nito sa kanya. "Kailan ka pa natutong magsinungaling? Di ba sinabi ko na sa inyong walang buting maidudulot ang paglilihim? Lalo na sa sarili ninyong magulang!"
Nagbaba siya ng tingin. Alam naman niya yon. Simula ng mapunta siya sa poder ng ama ay iyon na ang pangaral nito sa kanya.
Isa-isang naglalagan ang kanyang mga luha na mabilis din niyang pinunasan.
Diyan ka magaling, Janna. Ang umiyak. Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang umiyak? kastigo niya sa sarili.
Nagpabalik-balik ng lakad si Daddy Victor. Nasa bewang nito ang kanang kamay samantalang tinatapik ng kaliwa ang noo.
Pero bigla ay tumigil ito nang magsalita si Rain, "Dad. Nakakahilo ka po."
Dagli itong pumihit. "Huwag mo akong pinipilosopo, Rain."
"Hindi naman, e."
Siniko niya ang kapatid kahit pa bulong lang ang sagot nito.
Nagsalita muli si Daddy Victor, "Lumabas ka muna, Rain. Mag-uusap lang kami ng ate mo."
Hila-hila ang mga paa, tinungo ni Rain ang pintuan. Nang tuluyan nang nakaalis ang kanyang kapatid ay hinarap siya ng ama.
"Sigurado ka na ba sa magiging desisyon mo?" tanong nito.
Tumango siya.
"Will you be happy with that?"
"Not really," she answered. "But I think someday I will, just like you and mama." She raised her head and look at him.
Mataman lang din siya nitong pinagmasdan na waring hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Yes, dad. I met mama. And she told me everything."
From contorted forehead, his reaction changed to wide eyes and open mouth. Then, his lips turned into a thin line that eventually went into a sigh.
Tipid na napangiti si Janna. "I know you can understand our situation, dad. I know you can relate to Trent, so please dont be angry at him. Malay natin, matagpuan ko rin yong lalaking mamahalin ako na walang kahati gaya ng nangyari kay mama." Binuntutan niya ng tawa ang sinabi niya. "Sa ngayon, gusto ko lang maging masaya ang lahat."
Nagpatuloy na hindi umiimik si Daddy Victor kaya laking gulat ni Janna sa sunod nitong ginawa.
Niyakap siya nito at hinagod ang kanyang buhok. "I'm sorry, child. If only I listened to you. If only I didn't let my anger cloud my judgement. If only..." pinuno muli nito ng hangin ang baga. "I really hate to see you hurting. Pero kasalanan ko rin naman. Pasensiya, sweetheart if I got furious. But know this, even when I'm mad, I'm still thinking your welfare."
Sukat sa sinabi ng ama'y 'di na napigil ni Janna ang paglandas ng mga luha. Kusang pumaikot ang braso braso niya sa katawan nito. "I know, dad. And I'm grateful for that."
The truth will set you free.
Indeed. It was true. Dahil mula nang magsabi siya ng totoo, gumaan na ang kanyang pakiramdam. Naroon pa rin ang lungkot dulot ng napipintong hiwalayan nila ni Trent.
Expected naman yon dahil mahal na mahal niya ito. Ang mabuti nga lang sa sitwasyon ngayon, karamay na ni Janna ang buong pamilya niya.
Pagkauwi kinabukasan ay naabutan niya si Trent sa kusina, nakaharap ito sa kalan ngunit tagusan ang tingin sa pader. Umuusok na ang kung ano mang niluluto nito subalit nanatili lamang itong nakatayo.
"Trent!" tawag niya matapos i-off ang stove.
Napapiksi ito kasabay ng paglingon sa kanya. "Janna. Kanina ka pa ba?"
"No. Kararating ko lang. Nasa pintuan pa lang ako pero amoy na amoy ko nang may nasusunog na kanin. Lumilipad na naman kung saan yang isip mo," nakahalukipkip na aniya.
Napakamot ito sa batok at tabinging ngumiti. "May naalala lang..."
Sino? Si Kath? She wanted to voice out but to chose to shut her mouth.
Instead, she reached for another apron while placing the fan in the sink. "Ako nang magluluto, doon ka muna sa sala. Baka masunog ang buong building dahil sa'yo." Nginisihan niya ito.
Na ikinasimagot ni Trent. "Mag-order na lang tayo. Ubos na rin kasi ang stocks natin."
"Okay."
Habang tumatawag si Trent ay nagpatiuna na si Jannang magbalik sa sala. Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan niyon. Nang maupo siya ay niyakap niya ang throw pillow nasa sofa.
This place holds lots of memories. Ang hirap iwanan pero kailangan. Nevertheless, I'll treasure all of those. Even when I'm gone.
"Hey!"
Naramdaman niyang idinantay ni Trent ang kamay sa kanyang likuran.
"Deep thoughts?" anito.
Tumango siya. "Yeah. I just remember, more than two years na pala mula ng lumipat ako."
"Right. Time runs so fast that we didn't even notice," turan nito habang isinasandig ang likod kasunod ng pag-unat ng braso sa sandalan ng sofa.
"Mamimis ko 'to," kapagkuwan ay aniya na nagpatuwid sa pagkakaupo ni Trent.
Kunot-noo,itinaas nito ang kanyang baba. "Why are you saying that? Saan ka ba pupunta?"
Janna gulped. Eyes fixing on him, she answered, "I filed for an annulment, Trent. And I'm leaving today."
BINABASA MO ANG
PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018
RomanceDalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang ginawa ng mga kapatid nila ay nauwi sila sa hindi inaasahang kasalan. Masaya dapat si Janna dahil sa...