"I'll fetch you later."
Natigil si Janna sa pagkakalas ng kanyang seatbealt ng marinig ang sinabi ni Trent hustong makarating sila sa tapat ng building na kanyang pinagtatrabahuan.
"No, it's okay. Ang layo ng workplace mo rito. Mauuna na lang akong umuwi para maipagluto kita."
"I don't mind. So, five- thirty then?"
Sandali siyang nag- isip. Determination was written all over Trent's face. "Uhm, o- okay."
Bababa na sana siya nang hawakan nito ang kanyang braso. Nag- isang linya ang mga kilay na tiningnan niya ito.
"Where's my kiss?" Para itong batang nanghihingi lang ng candy.
At siyempre dahil gusto rin niya, sino siya para tumanggi?
Malutong na halik ang pinadapo niya sa pisngi ni Trent saka mabilis na umibis ng sasakyan. Tumatawa siyang pumasok nang umungol ito bilang reklamo.
Sa lobby ng building ay nakasalubong niya si James. Magkaagapay na sumakay sila sa elevator patungo sa third floor kung nasaan ang kanilang opisina.
"Ang ganda ng ngiti natin, ah. Let me guess," James caressed his chin while looking upwards. "Hinatid ka ni hubby?"
"Hubby?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong. "Ang baduy ha?"
"Woah! Says who? Ang sweet kaya ng wifey at hubby, parang tawagan lang nina mom at da---"
Binalingan ni Janna si James nang tumigil ito sa pagsasalita. At sa labis niyang pagtataka ay biglang lumambong ang mga mata nito kasabay ng paglaglag ng mga balikat.
"Hey," she gently tapped his arm. "Anong problema?"
Napatuwid ng tayo si James. As if awakening from a trance. "N- nothing."
Magtatanong pa sana si Janna pero tumunog na ang elevator. And when she tried to open the topic again, he showed her his boyish smile that always plastered on his face.
At naiintindihan niya ang nais nitong ipahiwatig.
'Guess I'll just wait for him until he's ready to spill the beans.'
"Janna and James, pinapalipat kayo sa editing department." Salubong sa kanila ng head ng writing department pagtapak palang nila sa loob ng opisina.
"Bakit daw po?" tanong niya.
"They lack man power. Bilisan niyo na."
Agad naman silang tumalima. Good thing nasa third floor lang din ang office nito.
Editing department was far different from writing department. Mabibilang lang sa daliri ang mga tao pero gabundok ang mga manuscript na nakapatong sa mesa ng bawat isa. Napaka- haggard din ng mga ito. Parang ilang gabing deprive sa tulog.
Nanatili sila ni James na nakatayo sa bungad ng pintuan. Pinapanood ang mga naroroon na 'di magkamayaw sa pagparoo't pagparito. Sinusubukan nilang magtanong sa kung sino mang napapadaan malapit sa kanila pero tila walang nakikita o naririnig ang mga ito.
Mayamaya'y naglakas ng loob na si James na hawakan ang lalaking muling napadako malapit sa kanila. Ang mga mata nito'y abala sa pagbabasa ng hawak na papel.
"Sir, good morning po. Kami yung trainee galing sa writing department."
Sinuyod sila ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa saka nito tinulak pataas ang suot na salamin. "Kanina ko pa kayo hinihintay."
At kasunod niyon ay iginiya sila ng lalaki, na nakilala nilang assistant editor pala, sa mahabang mesa kung saan may nakalatag na dalawang laptop.
"Proof read those stories in the folder. I give you the whole day to finish all of them."
Nanlaki ang mga mata nina Janna at James nang makitang may dalawang kwento na hindi bababa sa limampung kabanata at sa bawat kabanata ay mayroong humigit kumulang dalawang libong salita ang kailangang i- proof read ng bawat isa sa kanila.
"Gosh! Kakayanin ba natin 'to in just a day?" usal ni Janna habang umiiling.
"We need to. And we better start now."
Ilang sandali ang lumipas at subsob na ang dalawa sa kanilang gawain.
Janna didn't notice how long they had been in front of the screen. Lunch was their only rest. Until her phone rang.
"Hello?"
"I'm on my way. Nasa labas ka na ba?" Boses iyon ni Trent.
Awtomatikong lumipad ang kanyang mga mata sa relong nakasabit sa dingding ng opisina.
The long hand of the clock pointed at three while the short hand at five.
Wala sa loob na nahilot niya ang kanyang sentido. She felt that time ran in a fast pace. Isang istorya palang ang natatapos niya.
"Mauna ka nalang sa condo, Trent. Kailangan kong mag- over time ngayon."
"Anong oras ka uuwi para masundo kita?"
"I still don't know."
"Okay. Just call me when you're done and I'll fetch you."
"Okay."
And with that, she ended the call.
+++
Wala pa siya sa kalahati ng binabasang nobela nang may maglapag ng supot sa kanyang tabi. Tiningala niya ang babaeng nagbigay nito. May dala naman itong kape sa kabilang kamay.
"Janna Nicola Alonzo, right?"
Napamulagat siya sa sinabi nito. 'Paano niya nalaman?'
"Pinabibigay ng asawa mo raw," turo nito sa supot. "I didn't expect na may asawa ka na. Bakit Dizon ang dala mong apelyido rito?"
"Ahmm... " Wala siyang maapuhap na sasabihin. Alangan namang ikwento niya ang masalimoot na simula nila ni Trent?"
"Anyways, kung ako ang may asawa na ganoon kagwapo, hinding- hindi ko ipagkakaila."
"Salamat... " pahabol niya rito nang tumalikod na ang babae at bumalik sa mesa nito.
"I wonder if she would say that if she knew the story," wika ni James.
Ngumiti lang siya kay James bilang sagot saka hinalughog ang kanyang bag. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang tumawag si Trent gayung naroon pala ito.
"Oh my God!" She gasped upon seeing that it was already nine. Nagkukumahog na kinopya niya sa flash drive ang natitirang manuscript na kailangan niyang i- proof read. As much as possible, ayaw niyang mag- uwi ng trabaho sa condo pero ayaw din naman niyang paghintayin ng matagal si Trent.
"Mauna na ako," paalam niya kay James na tinanguan naman siya.
Inabutan niya si Trent na nakaupo sa loob ng kotse nito habang nakapikit. Sinalakay siya ng awa at gulit. Halatang pagod ito pero pinuntahan parin siya.
"Hey," mabining haplos niya sa mukha nito mula labas ng nakabukas na bintana ng driver's seat.
Marahan nitong ibinuka ang mga mata at nginitian siya. "Hey, are you done?"
"Not yet. Pero iuuwi ko nalang." Lumigid siya papuntang passenger's seat. "You're tired, sana nagpahinga ka na lang kaysa pumarito."
"I'm worried dahil hindi ka pa umuuwi. You're not even answering my calls."
"I'm sorry. Lowbat 'yung phone ko."
"It's okay. Have you received the food? I bet you have not eaten yet."
Itinaas niya ang supot habang malawak na ngumingiti. "Thank you. Ouch!"
"Kumain ka na at tigilan mo 'yang pagpa- pa- cute sa akin." Trent's face beamed in delight as he pinched her nose.
Nahimas na lang niya ang ilong kasunod ng pagpasibad nito sa kotse.
BINABASA MO ANG
PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018
RomanceDalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang ginawa ng mga kapatid nila ay nauwi sila sa hindi inaasahang kasalan. Masaya dapat si Janna dahil sa...