Sa isang kilalang parke ng siyudad na kung tawagin ay 'Energy Park' nagliwaliw ang mag-asawa. Napakalaki ang lupang kinasasakupan nito. Pagpasok sa gate ay bubulaga sa iyong paningin ang aspaltong daanan na kapag dineretso ay matatagpuan sa dulo ang kulungan ng iba't-ibang klase ng ibon. Sa kanan naman mula pa rin sa gate ay naroroon ang nagtataasan, mayabong at luntiang mga puno.
May soccer field sa gitna ng parke. Kadalasan kasi ay doon ginaganap ang mga regional o national tournament kapag ang destinasyon ay sakop ng lalawigan. May mga pavilion na nakapalibot sa field. Pero kung hindi naman masakit sa balat ang sinag ng araw, madalas ay sa malalagong damo naglalatag ng sapin ang mga namamasyal. Tulad na lamang ng ginagawa ngayon nina Trent at Janna.
"Ang laki ng pagkakangiti natin, ah?" puna niya sa huli.
Sinulyapan siya nito at ibinalik muli ang atensyon sa ginagawa. Nang mailabas na ni Janna ang lahat ng pagkain sa basket, saka palang nito kinausap si Trent, "Siyempre. First time kaya nating gumala. Kasama pa natin si mama."
Napangiti siya sa tinuran nito. Kaiba sa ibang mga babae, hindi materyalosa si Janna. Hindi rin ito mahilig magshopping tulad nina Tricia at Kath. Kahit simpleng bagay ay ikinatutuwa na nito.
May kumawalang ilang hibla sa buhok nitong nakapusod. Inabot niya iyon saka inipit sa tainga ni Janna.
Saglit itong nanigas saka namula ang magkabilang pisngi.
"Salamat," kimi nitong tugon na kung nasa ibang bagay lang ang kanyang atensyon ay malamang hindi niya narinig.
Asarin ko kaya?
Sukat sa naisip ay napangisi si Trent. Sinilip niya ang nakayuko nitong anyo. At halos mapunit ang
kanyang mga labi nang hindi man lang siya nito sulyapan kahit saglit datapwat nahahalata niyang napapansin siya nito."Why are you blushing?" sabi niya sabay kuha ng mansanas. Tuluyan na siyang tumagilid ng higa, ang isang kamay ay nakatukod sa ulo.
Higit namang nagkulay-kamatis ang mukha ni Janna.
I'm really enjoying this.
Mariin siya nitong tinitigan. Ngunit nang mapadako ang paningin nito sa kanyang likuran ay lumiwanag ang mukha nito sabay bukas ng bibig, "Mama!"
Agad siyang napabangon kasunod ay paglingon. Subalit napasinghap siya nang mapagsino ang nakatayo sa kanyang harapan. Maging ito ay nanlaki rin ang mga mata.
"Tita Janinna,"ang tangi niyang nasambit.
+++
Mula sa namimilyong mga mata ay unti-unting namutla si Trent. Iyon ang napansin ni Janna na labis niyang pinagtaka.
Binalingan niya ang kanyang ina. Nakatakip ang mga kamay nito si bibig habang matamang nakamasid kay Trent.
And she heard that Trent mentioned her mother's name. She was sure that she didn't tell him that. Then, realization hit her.
Ugh! Why did I forget?
Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon ng dalawa.
"I see na magkakilala na kayo," wika ni Janna.
"Yes, Nic. We knew each other ever since," sagot naman ng mama niya.
"I can explain everything, Tita."
"You better do, Trent. Tinuhog mo ang mga anak ko."
Napayuko si Trent samantalang mapait naman siyang napangiti.
If her mother only know the truth.
But it was not the time to reminisce their painful past nor to clarify disputes. It was intended for them to bond with each other and enjoy the day.
Sa nakikiusap na mga mata ay tiningnan ni Janna ang ina. "Can we talk about that later, ma? Marami pang panahon para diyan."
Bumuntong-hininga muna ito bago tumango. "Okay." Umupo na ito sa inilatag nilang tela.
Pero ramdam ng bawat isa ang nakapalibot na tensyon sa pagitan nila.
Sa sulok ng kanyang mga mata ay napansin niyang nanlilisik ang mga mata ni Mama Jannina habang nakatingin kay Trent. Samantalang si Trent naman ay pinagpapawisan at hirap sa paglunok.
Maya-maya ay ibinaba nito ang hawak na plato saka tumayo. "Pupunta lang ako saglit sa C.R," anitong sa kanya nakatingin.
"Sige," sagot niya.
Nang hindi na matanaw si Trent ay nagsalita ang kanyang ina, "How did you know him? Are you aware that he's your sister's boyfriend?"
"Schoolmate ko po siya sa college, ma. And yes, alam ko pong naging magkasintahan sila ni Kath."
"Hindi naging, Janna! Magkasintahan pa rin sila!"
Sa kabila ng pagtaas ng boses nito ay nanatili siyang mahinahon.
"Pero iniwan siya ni Kath, ma."
"Kaya sinalo mo."
Gumuhit ang kirot sa kanyang puso. Bakit sa pakiwari niya'y pinaparatangan siya nito?
Tumungo siya. Paulit-ulit na kumurap. "Mahal ko po si Trent."
Sukat sa kanyang sinabi ay lumambot ang ekspresyon ng ina. Inilapag nito ang hawak na plato saka siya hinila pahilig sa dibdib nito. "Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit sa iisang tao pa kayo nagkagusto?"
Pumaikot ang kanyang mga braso sa katawan nito. "Hindi ko po sinasadya, mama."
"I know dahil kilala kita. Alam kong mabait kang bata. Pasenya na anak kung nagpataasan kita ng boses." Hinaplos ng ina ang kanyang buhok matapos nitong hagurin ang kanyang likod. "Tahan na, nak. Sunduin mo nga si Trent at kakausapin ko. Ang tagal naman no'ng magbanyo. Baka nagdadalawang-isip na yong bumalik."
Kapwa nagkatawan sila sa huli nitong sinabi.
Kumalas si Janna mula sa pagkakayakap kay Mama Janinna saka tumango. Nakangiting muli, binaybay niya ang daan patungo sa palikuran.
May ilang metro rin ang layo niyon kung saan sila pumuwesto. Pero hindi naman yong tipong tatagaktak muna ang pawis mo bago mo marating.
Ngunit hindi pa man tuluyang nakakaabot si Janna ay nauliningan na niya ang boses ni Trent.
"Paano mo nalamang narito ako?"
Naging mabagal ang paghakbang niya. Nang mahagip ang nakatagilid na pigura nina Trent at ng kausap nito sa tapat ng men's comfort room ay kusang umatras ang kanyang mga paa patago sa mga ito.
"Narinig ko ang usapan nina mommy't Janna."
"Hindi mo dapat kami sinundan rito, Kath."
"Kung hinarap mo lang sana ako nang puntahan kita sa condo at opisina mo, wala sana ako ngayon dito, Trent."
Biglang namayani ang katahimikan. Nais sana niyang sumilip kaya lang nangangamba siyang mapansin ng mga ito ang presensya niya.
"Why are you doing this to me, Trent?" tanong ni Kath. "Ilang beses ba akong hihingi ng tawad sa'yo bago ka bumalik sa akin? I told you, I had no other option but to leave."
"I have a wife already, Kath."
"Nahintay mo ako noon ng anim na taon na kung tutuusin ay wala pa tayong relasyon. Pero mahigit isang taon lang akong nawala, pinalitan mo na ako agad?" Gumaralgal ang boses ni Kath. "Tell me. Mahal mo ba talaga siya?"
"Yes."
Sinalakay ng saya ang puso ni Janna dahil sa agarang sagot ni Trent.
"Mas mahal pa kaysa sa akin?"
Ngunit ang sayang yaon ay napalitan ng kaba nang wala siyang maulinigang sagot mula sa lalaki. Kasabay niyon ang pagdagsa ng agam-agam sa sistema niya.
"See? You're speechless. Dahil ako pa rin, Trent. Ako pa rin," turan muli ni Kath.
Ilang saglit pa ay narinig niyang nagsalita muli si Trent.
"Ayokong saktan si Janna."
Parang biniyak ang puso niya sa sinabi nito. Natutop niya ang bibig dahil nagsimula ng manginig ang kanyang mga labi.
Dapat ba akong matuwa sa sagot mo, Trent?
BINABASA MO ANG
PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018
RomanceDalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang ginawa ng mga kapatid nila ay nauwi sila sa hindi inaasahang kasalan. Masaya dapat si Janna dahil sa...