Kasama ko si Jennie papuntang cafeteria. I'm so hungry! Hindi kasi ako naka-kain kaninang breakfast dahil nagma-madali ako papuntang school. Na-late kasi ako ng gising.
"Huy, okay ka lang? Ba't ka naka-busangot dyan?" Tanong ni Jennie. Hindi na lang ako sumagot, nakaka-tamad mag-salita.
Pagka-pasok namin sa cafeteria, agad akong pumunta sa counter at umorder. Pagka-tapos, humanap na ako ng seat namin ni Jennie. Nandun pa siya sa counter, umu-order. Sumubo muna ako ng pagkain ko at tumingin sa paligid. Nakita ko siya.
Kim Taehyung.
Gusto ko siya dati pa. Lahat ng nanliligaw sakin hindi ko sinasagot dahil sakanya. He's the one who caught my attention. And my heart. Wala naman akong lakas ng loob umamin. Siya lang talaga yung nagustuhan ko ng ganito. Ganito ka-grabe, ganito ka-tagal. Halos mamatay na nga ako nung i-chat nya ako eh.
Pero naka-tingin siya sa isang direksyon. Kay Jennie. I felt a pain in my chest. Why? Kase mukhang alam ko na kung bakit niya ako china-chat.
YOU ARE READING
A way to Her° kth.bjh | Vrene❀ [✔]
Fanfiction"We were meant to be, supposed to be, but we lost it." kth x bjh (Bwirene series #1)