Kinakabahan ako. . Whoo! Kaya ko 'to, makaka-amin ako.
Pagdating ko sa likedike, nakita ko ang babaeng gusto ko. Si Jennie.
Uy, may sasabihin ako sainyo ah? Shh lang kayo. So ganito kasi yun, unang day of school, syempre pumasok ako sa classroom at nagpakilala. Nothing new, nerd pa kasi ako nun. Lagi akong binubully, ano pa bang aasahan sa isang nerd? Matalino lang, pero duwag.
Pero may tumulong sakin. Tawagin niyo nang cliche, typical or what, pero unang kita ko palang sa babaeng nagligtas sakin. . Gusto ko na siya.
"Bata, anong pangalan mo? Salamat pala sa pagtulong sakin ha. Alam mo kasi, duwag ako eh. Pero mula ngayon, lalakasan ko na loob ko! Pwede ba kita gawing inspirasyon?"
"Ok lang yun bata, basta wag ka nang duwag ah?! Dapat lumalaban ka! Kinakawawa ka tuloy! Ah Irene nga pala pangalan ko, sige bata, una na ko ha? Babye!"
Tama kayo nang narinig--este nabasa. Si Irene ang first love ko, hindi si jennie. Naalala ko pa non, lagi ko siyang sinusundan, kaya alam ko kung nasaan bahay niya, at alam ko kung anong mga paborito niyang pagkain and such.
Mas kilala ko pa nga siya kesa kay Jennie.
Pero hindi ako makaamin kay irene dati. Ayoko, nahihiya ako. Pero one time, habang sinusundan ko siya, nakita kong may kasama siyang babae. Nagandahan din ako sakaniya, pero mas nagagandahan talaga ako kay irene.
Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan si Jennie. Mahal ko si irene, pero dati yun. Si jennie na ngayon. Nalaman ko kasi na may nagugustuhan siyang iba kaya binalin ko nalang kay jennie tong nararamdaman ko. Hindi man kasing lalim ng kay irene, pero alam kong gusto ko si jennie.
YOU ARE READING
A way to Her° kth.bjh | Vrene❀ [✔]
Fanfiction"We were meant to be, supposed to be, but we lost it." kth x bjh (Bwirene series #1)