Yerim"All set na ba diyan, jungkook?" Tanong ko sakanya. Kasama ko dito si irene unnie sa bahay. Nandun sa park sila unnie seulgi, wendy, and joy.
At dahil nga 'to dun sa, operation: pagbatiin si irene and taehyung
Wala kasi kaming maisip na magandang name, kaya yan nalang. Hehe.
"Opo, babe. Magtatago nalang kami dito pag dumating kayo, ha? Sige, may aayusin lang kami dito. Love you." Ayie, kinilig naman ako. Pero di ko pa sasagutin yan, syempre pakipot ako. Joke. Next week na kasi yung birthday niya, so dun ko nalang siya sasagutin. Sure naman akong magugustuhan niya yun, diba?
"Oy yeri, ano ginagawa mo diyan sa sulok?" Nabitawan ko naman ang cellphone ko dahil sa gulat. N-narinig niya ba?
"U-uh kanina ka pa ba diyan unnie?" Napakunot-noo siya sa sinabi ko. Ang ganda talaga nito, hindi lang kasi na-appreciate masyado ni taehyung oppa. Tsk.
"Hinde, kakadating ko lang. Oh ano, let's go na? May bibilin din kasi ako." Tumango nalang ako sa sinabi niya at sumabay na sakanya sa paglalakad.
Plano kasi naming pumunta muna ng mall, para naman hindi masyadong halata. Pagkatapos nun, kunyare magpapasama ako sa park dahil magkikita kami ni jungkook. Well, alam ko namang sasamahan ako ni unnie kaya alam kong success 'tong plano namin ;)
Jimin
"Hoy, ang aga aga nambubulabog ka ha. Umalis ka nga dito! Inaantok pa ko." Napa-irap nalang ako sa sinabi ni taehyung. Psh, mahirap 'to gisingin eh!
"Hellloooooo! Alas-dos na kaya ng hapon kaya gumising kana! Hindi ka pa nga kumakain eh!" Sinipa ko siya para mahulog siya sa kama. Tangina-- oops, bawal na nga pala akong mag-mura sabi ni seulgi ko. Hihi~
"Hayaan niyo na nga ako! Ako naman magugutom hindi kayo ah?! Inaantok pa ko kaya pwede ba, umalis ka na dito!" Masusuntok ko na talaga tong hinayupak na 'to eh! Ba't kasi ako pa inutusan sakanya!
Okay, I'll explain. Magpapasama ako kay taehyung sa school dahil may nakalimutan akong kuning form. Totoo naman yun eh, kaya nga ako inutusan dito. Tas pagkatapos nun, magpapasama ako sakanya sa park kasi trip ko lang. Hehe.
"Ehhh! Keylangan ko ng kasama! Samahan mokoooo! Plsssss? :€" nag-pout ako sakanya dahil alam kong hindi niya iyon matatanggihan.
"Putcha naman oh! San ba?!" Napa-ngiti naman ako ng malawak sa sinabi niya. Sabi na, mahal na mahal ako nito eh!
"Sa school. May kukunin lang akong form."
"Ba't di ka sa iba mag-pasama? Ano trip mo ha?" Pakipot naman kasi masyado! Sasamahan nalang ako, di pa magawa!
"Alam mo ang arte mo! Sasamahan mo lang naman ako eh! Wala sila, umalis!" Nagdadabog kong sabi. Psh, sana matakot sana matakot,
"Psh, di ka nakakatakot."
"Kaya di maka-amin kay irene noona, kasi torpe!" Pagpaparinig ko sakanya. Totoo naman eh! Kami pa nga gagawa ng paraan.
"Ano sabi mo?!"
"Bakit, totoo naman diba? Yan kasing pride mo kasing taas ng mt. Fuji." Akmang susuntukin niya na ako pero nakaiwas naman.
"Hindi ko naman siya gusto eh! Si jennie gusto ko, hindi siya!"
"Ah kaya pala pag natutulog ka, sinasabi mo, 'irene, sorry.' Ng paulit ulit. Tas pag nasa school, nahuhuli kitang laging nakatitig sakanya. Pag nandyan naman si jennie, parang wala lang naman sayo eh. Pero pag dumadating si irene noona, nagiiba ka. Guess what? May gusto ka na sakanya." Napa-upo naman siya sa kama niya at napa-buntong hininga. Ayan na, mag ddrama nayan!
3. .
2. .
1. .
"Eh kasi naman eh! Oo na gusto ko siya! Siya naman kasi talaga una palang. Pero kasi niloko niya kaya ako! Edi sana kami na ni jennie ngayon!"
"Pero. . Bakit parang ang saya ko nung hindi ako sinagot ni jennie? Masaya pa nga ako dahil umepal si irene. Na sakanya ako nagpatulong. Ewan ko kung bakit bumabalik nanaman tong nararamdam ko sakanya. Ughhhhh!" Naawa naman ako sakanya. Para kasi siyang iiyak na, oh! Huhu, buti nalang mahal ako ni seulgi ko.
"Tama na yan, tae. Maligo kana, at sasamahan mo pa ko." Ngiti ko sakanya at lumabas na ng kwarto. Hay, sana maging success 'tong plano namin.
YOU ARE READING
A way to Her° kth.bjh | Vrene❀ [✔]
Fanfiction"We were meant to be, supposed to be, but we lost it." kth x bjh (Bwirene series #1)