Irene

291 17 0
                                    

"So, keylangan nyo pa talaga maglandian sa comment section? Psh," tumayo ako galing sa pagkaka-higa sa kama at nag-bihis ng hoodie at black leggings. I'm craving for ice cream.

"San ka pupunta?" Wendy asked.

"Dyan lang sa convenience store, bibili ng ice cream." Tumango nalang siya at bumalik sa ginagawa niya. Lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang gate.

"Aah, it's so coooold," keylan ba uminit dito? Eh kahit nga ata summer ang lamig lamig parin.

Naalala ko nanaman si Taehyung. That handsome asshole. Pwede naman niyang sabihin sakin na, 'Irene, pwede pa-tulong ako sa bestfriend mo?' Hindi yung keylangan niya pa mag-panggap na may gusto siya sakin. Tch, eh halatang halata naman na si Jennie yung gusto niya. Siya pa nga yung inuna dahil nagka-sugat siya, diba? Nahimatay lang naman kasi ako. No big deal.

Napa-buntong hininga nalang ako sa inisip ko. Kaya ako nas-stress eh. Binalewala ko nalang yon at pumasok sa convenience store. Pumunta ako sa ice cream section at hinanap ang favourite flavor ko. Nag-iisa na lang. Buti nalang maaga akong naka-punta dito, kung hindi nabili na yan.

Kukunin ko na sana nang biglang may kumuha doon sa ice cream ko. NOOOO! My Ice creaaaam!

Tumingin ako ng masama doon sa lalaki. Oh, ang gwapo hehe. Pero yung ice cream kooo!

"Uhm miss, ba't ang sama ng tingin mo sakin?" Sinamaan ko pa sya ng tingin at kinuha ang ice cream na hawak nya.

"This. Is. Only. Mine." Inirapan ko siya at tumalikod. Pero hinawakan nya ang kamay ko at pinaharap ako sakaniya.

"Hey! Ako nauna eh! Mangaagaw ka ah!" Sigaw nya. Aba, ibigay nya na 'to sakin!

"Hoy! Magpaka-gentleman kanga! Saka 'di mo ba nakita, na na-una ako dito pumasok, na-una kong amuyin yung hangin mula sa aircon dito, na-una kong tignan 'tong Ice cream na 'to, kaya akin 'to! Ikaw yung mang-aagaw!" Lumalaki na ang ilong ko dahil sa galit. Familiar siya pero, bahala na kung sino man 'to. Ang mahalaga, yung ice cream ko!

"Pero na-una ko naman hawakan. Kaya kahit itanong mo pa sa abogado mo kung kanino dapat yang ice cream na yan, sakin parin mapupunta yan! Kasalanan ko ba kasing ang bagal bagal mo kumilos, na-unahan ka tuloy!" Na-tahimik naman ako sa sinabi niya. Natamaan ako dun sa huli ah.

Edi ako na mabagal kumilos! Kaya kahit kay Taehyung na-unahan na ko! Hmp. Tama naman sya eh. Na-una kong tignan si Taehyung, na-una ko siyang nagustuhan, pero si Jennie naman yung bumihag at humawak sa puso niya. Pero no, hindi kasi yun ice cream.

Basta ice cream ko, ipaglalaban kita!

"Akin na 'to! Dami mong sinasabe, mauuna ko namang bayaran sayo 'to." Tumakbo agad ako at binayaran sa cashier ang ice cream ko. Yeheeey!

"Psh, pasalamat ka nga tinulungan kita nung nahimatay ka. Kung hindi lang kita Gusthsisnn" Hindi ko na narinig yung sinabi niya dun sa huli. Pero. . Tumingin ako sakanya ng nanlalaki ang mata. So ibig sabihin. . . Siya si Jungkook?! Oh my gosh!

"Oh?! Nasayo na nga yang ice cream mo, ba't ganyan kapa maka-tingin sakin?" Agad ko siyang nilapitan at inabot ang ice cream sakanya.

"Sorry. Ikaw pala yung tumulong sakin sa cafeteria? Thank you pala! Sorry kasi nasigawan pa kita kanina. Hindi ko naman alam eh! Thank you talaga ah, Jungkook. By the way, I'm Bae Irene! Nice to meet you! Sige, una na ko ha? Bye," inabot ko na yung ice cream sakanya at umalis.

Siguro, bukas nalang ako kakain ng ice cream.

A way to Her° kth.bjh | Vrene❀ [✔]Where stories live. Discover now