Irene"Unnie, dito ka muna, ha? Intayin mo ko dito." Iniwan niya naman ako dito sa likod ng mall. Walang katao-tao, nakakatakot naman dito.
Kasi naman 'tong si yeri! Papasama na nga lang mang-iiwan pa.
Nagulat ako nang biglang may van na nag-stop sa harap ko at lumabas ang mga lalaking naka-mask at may hawak na baril.
Gosh! Mamamatay na ba ako?! God please help me huhu di pa nga kami nagpapakasal ni taehyung-- este hindi pa nga ako nagpapakasal! Gusto ko muna magkaron ng pamilya bago mamatay noh!
"Sige lumapit kayo sakin! Makikita niyo kung ano hinahanap niyo!" Lumapit pa sila ng lumapit sakin. Putang inamerz!!
"Makikita talaga namin gusto naming makita, miss." Huh? Ba't ang familiar ng boses? Parang si yoongi?
"Yoongi?" Takang tanong ko. Nag-stop naman siya sa paglalakad.
"Pano mo nalaman--"
"Hoy ikaw babae ka! Sumama ka samin kung hindi mamamatay ka ngayon din!" Putol sakaniya nung isang lalaki. Familiar din boses.
"J-hope?"
"Huh? Oo ako nga--" nagulat ako ng bigla akong tutukan ng baril nung isa kaya lumapit na ko sakanila.
"Eto na eto na! Masyado naman kayong atat patayin ako noh. May lakad? Psh." Akmang hahawakan na ako nung isa pero tinignan ko siya ng masama.
"Don't touch me! Malay ko ba kung san san mo pinanghawak yang kamay mo, malagyan pako ng germs. Saka don't worry, hindi naman ako makakatakas. Except nalang kung marunong ako mag-teleport." Sumakay na ako sa van at umirap. Hay buhay, asan na kaya si yeri? Tagal naman nun, nakidnap pa tuloy ako.
"Gusto mo kumain?" Tanong sakin nung isa pang lalaki. Dami nila ah?
"Kikidnapin niyo na nga lang ako, palpak pa." Nabuga naman nung isa yung kinakain niya at tumingin sakin. Tanging mata lang nila ang nakikita ko pero hindi buong mukha. Naka-mask kasi sila.
"Alam mo nang kami 'to--"
"Eh kase naman! Ganto ha, tuturuan ko kayo pano mang-kidnap. Dapat, yung nakakatakot. Hindi yung mag-aalok ka pa ng pagkain! Walang intense yun, noh! Dapat naman yung may thrill para exciting. Boring niyo mang-kidnap eh." Totoo naman eh! Kaurat.
"Pambihira. ." Sabi nung nag d-drive. Eto naman, kaboses ni jin. May mga kambal kaya yung bangtan? Malas naman nila, mga kapatid nila mga holdaper.
"Nandito na tayo. Bumaba ka na diyan kung ayaw mong ako pa ang kumaladkad sayo palabas." Bababa naman ako eh! Masyado talagang excited 'tong mga 'to! Psh.
"San ba tayo-- huh? Sa park?" Mga sira-ulo talaga 'tong mga kidnaper na 'to. Nag-expect pa naman ako na sa abandonadong building ako dadalhin o kaya sa mga nakakatakot na lugar.
"Diyan kalang, mag-intay ka." Psh! Ako na nga lang hinoldap, uutusan pa ko! Sarap tadyakin talaga nitong mga 'to eh!
"k." Umalis na sila, at nakatayo ako dito mag-isa sa gitna ng park. Nang biglang may lumabas sa isang madilim na lugar, at may hawak na kung ano.
Wait. . Taehyung?
Taehyung
"Taetae, hintayin mo ako dito sa lugar na 'to ha, wag kang gagalaw. Intayin mo ko. Nandun na kasi si seulgi, pramis mabilis lang 'to. Bye dude!" Napa-irap nalang ako sa kawalan. Ako pa mag-iintay? Pasalamat siya cute siya kanina kundi wala ako dito.
Biglang may humila sakin kung saan at sinuotan ng tuxedo at pinabanguhan pa ako at sinuklayan. Wow, gara ah. Pero para san 'to?
"Hoy mga tarantado wag ako pag-tripan niyo--"
YOU ARE READING
A way to Her° kth.bjh | Vrene❀ [✔]
Fanfiction"We were meant to be, supposed to be, but we lost it." kth x bjh (Bwirene series #1)