"t-thank y-you b-brix."sambit ko at tumingin sa malayo..
naramdaman kong umupo siya sa aking tabi kaya napatingin ako sa kanya..
"baka may rason siya sa mga nangyayari."biglang sambit niya..
"huh?"
"wala ako sa posisyon para magsalita klein kaya mas mabuting makausap mo si blake para hindi ka umiiyak ng ganito."sambit niya.
napabuntonghininga nalang ako..
"tama ka wala ka sa posisyon na magsalita na kahit may alam ka ay hindi mo rin sasabihin pero ok lang kakausapin ko siya mamaya para malaman ang totoo ayoko ng umiyak pa."sambit ko."kahit kaibigan ko sya susuportahan lang kita lagi lang kaming nandito sa likod mo kaya kapag may problema ka ay pumunta ka lang sa amin at makikinig kami."sambit niya..
napangiti naman ako..
"salamat.sa inyo-- sayo brix at naiintindihan nyo ako.salamat talaga."sambit ko.
"wala yun.maganda ka talaga kapag nakangiti ka."biglang sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.
"nakoo ikaw talaga brix nambola kapa..cge na tara na baka hinahanap n tayo ni maam napapagalitan pa tayo."aya ko sa kanya..
umiling naman siya.
"dito muna ko at magpapahangin."
sambit niya.."uhmm cgeehh iexcuse nalang kita.salamat ulit brix.."sambit ko..
"wala ka namang dapat ipasalamat eh.cge na pumasok kana at baka maabutan ka ni maam."sambit niya at ngumiti..mgumiti rin ako pabalik at naglakad na paalis..
pagkatapos nitong klase na ito ay pupuntahan ko siya.kailangan ko syang makausap..
Nang makarating ako sa room namin ay sakto naman na wala pa si maam at nauna pa ako sa kanya bago siya dumating ipinagpatuloy na niya ang kanyang ipinapagawa sa amin at hindi nrin bumalik pa si brix sa klase hindi naman din na napansin ni maam na wala si brix kaya hindi kona kailangang magpalusot pa.Hindi na rin ako tinanong pa ni shane ng dumating ako kana.kahit gusto nyang magtanong sa akin ay hindi nya ginagawa hinahayaan nya muna ako.
matapos ang klase ay inayos kona ang aking mga gamit.
"besh ayos ka lang ba?"tanong nya sa akin.
tumango tango lang ako at isinukbit kona ang aking bag.
"mauna na ako shane may kailangan pa akong puntahan kaya hindi na ako makakasabay sayong umuwi."sambit ko..
tumayo siya.
"ok cge.ingat ka nalang."sambit niya at pinaraan ako.Naglakad na ako palabas ng room kahjt may naririnig akong bulungan na tungkol sa akin ay hindi ko nalang pinapansin pa at hinahayaan nalang sila.
Nagpatuloy naang ako sa aking paglaakad hanggang sa makapunta ako sa nay parking lot at hinintay si kuya rony.
medyo matagal na akong naghihintay pero wala pa rin siya..
kaya kinuha ko na ang aking cellphone at tinawagan siya..
"hello po maam?pasensya na po at medyo matatagalan pa ako naflatan po kasi yung kotse kaya ipapavulcanize kopa po.makakapaghintay pa po ba kayo?"bungad niya..
"uhmm ok lang po.ipavulcanize nyo na po mauuna nalang po ako dahil may dadaanan pa po ako.cge po ingat."sambit ko..
"ah ganun po ba maam pasensya na po talaga.ingat po kayo."sambit niya.
pinatay kona ang tawag at nagsimula ng maglakad papalabas ng gate ng school para makapag abang ng taxi sa labas.
nagulat ako ng bumusina sa aking likod kaya napatingin ako sa sasakyan na tumapat sa akin at nakita kong binuksan nito ang bintana ng kotse.Si Brix.
BINABASA MO ANG
Deal with the Casanova
Teen FictionGusto mo bang makipag deal sa isang Cassanova ?Handa kaba sa magiging bunga nito ? At gagawin mo ba lahat para lang sa deal nyo ? Mahuhulog kaba sa Isang Cassanova ?Na ang hilig lang gawin ay puro pambababae ! Kakayanin moba lahat ng pwedeng mangya...