Chapter 13

3.4K 89 2
                                        

tok tok tok

napatingin ako sa pinto dahil may kumakatok doon pero hindi ko iyon pinansin at niyakap ko nalang ng mahigpit ang aking unan at umiyak nalang.Ang sakit sakit kase eh niloko nya ako kahit hindi ko marinig ang mga paliwanag nya kitang kita naman sa akto ang mga ginagawa nyang panloloko.Nakakainis.Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tanga tanga ko napaniwala ako na mahal nya ako pero yun pala may mahal syang iba at ngayon nagkabalikan na sila at itsapwera na ako.Ang sakit sakit ang tanga tanga ko..

tok tok tok

"klein open the door!"dinig kong sambit ni kuya kevin.

tumagilod ako at hindi ko iyon pinansin at niyakap ko ulit ang aking unan at umiyak..hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

pinanghawakan ko ang mga salitang sinambit niya pero eto ang napala ko.

"klein let's talk."napatingin ako kay kuya kev na pumasok sa aking kwarto..kahit naman ilock ko ang aking kwarto ay mabubuksan pa din naman dahil may susi pa para mabuksan ito..

tumagilid ako uli at hindi sya pinansin.

naramdaman kong umupo siya sa gilid ng aking kama at hinaplos ang aking buhok..

"klein mag usap tayo.alam kong mabigat ang dinadala mo ngayon pero tinuruan ko na ng leksyon ang lalaking iyon kaya tumayo ka dyan at ipakita mo sa kanila na malakas ka.Na hindi isang Ramirez ang magpapabagsak sa isang katulad mong Lopez ipakita mo sa kanila na hindi ka papatalo."sambit ni kuya kev.

umupo ako sa aking pagkakahiga.Pinahid naman ni kuya kev ang luha sa aking pisngi..

"ang panget mona.wag ka ngang umiyak dyan hindi worth it iyakan ang isang katulad ng lalaking iyon.kaya bangon na mag ayos ka pumasok ka sa school wag kang mag aksaya ng oras."sambit ni kuya kev at ginulo ang aking buhok...

sumimangot lang ako sa kanya..pero sya naman ay niyakap ako...

"eto talagang prinsesa namin napaka iyakin.sorryy princess at nagalit ako sayo ngayon alam kona ang lahat ng pinag gagagawa ni bea kaya tama ka at mali ako.sorry.tanga rin ako pero hindi na ngayon hindi na ako magpapaloko kaya dapat ikaw maging matatag ka ipakita mo nakaya mo ng wala siya.Maraming lalaki diyan klein makakahanap ka ng taong mamahalin ka at hindi ka lolokohin."sambit niya at hinalikan ako sa noo.

niyakap ko sya ng mahigpit...

"t-thank you kuya.Salamat at naintindihan mo rin ako.thankyou dahil pinagaan mo ang loob ko."sambit ko.

"wala yun princess ikaw pa ba ikaw ang nag iisang princess namin kaya lahat gagawin namin sa iyo para maging masaya ka.Kaya ano pang hinihintay mo mag ayos kana at ipakita mo sa kanila na kaya mo at hindi ka mahina."sambit niya at pinatayo na ako sa kama.

"cge kuya salamat."sambit ko..

gumaan narin ang loob ko sa mga sinabi ni kuya kev sa akin.

"cge ipapahanda kona yung pagkain mo at sumunod kana pagkatapos mong mag ayos ah.ako ang maghahatid sa school mo."sambit niya at ginulo ulit ang buhok ko..

"kuyaaa!"maktol ko.

"oo na klein.bilis na at mag ayos kana late kana nga eh.break time ka tuloy papasok."sambit niya..

"oo napo.cge labas kana kuya."sambit ko.

tumango siya at isinarado na ang pinto.ako naman ay dumiretso na ng banyo at nag ayos naligo at iba pa.

ngayon nakabigis na ako.
nakaharap ako sa salamin.

"kaya mo yan klein hindi kana iiyak pa.kaya mo yan ipakitamo sa kanila na malakas ang isang Lopez at hindi papatalo."sambit ko sa aking sarili.

kinuha ko ang aking bag at lumabas na ng kwarto at dumiretso na sa may hapagkainan.naabutan ko si kuya na nakaupo na kaya naman ay lumapit ako at umupo sa may harap niya.

"ok let's eat tas aalis na tayo.kumain ka ng marami."sambit ni kuya kev..kaya naman ay tumango ako at nagsimula na kaming kumain..

Nang matapos kaming kumain at hinatid na ako ni kuya sa eskuwelahan..

"bye kuya thank you sa paghatid."sambit ko at hinalikan siya sa pisngi at bumaba na sa may kotse at pagbaba ko at sumalubong kaagad sa akin ang mga tingin at bulungan ng mga estudyante..medyo marami rami parin sila dito na nagkalat sa school dahil break time namin.Pero hindi ko sila pinansin at naglakad nalang ako derederetso papasok sa may building namin.

nakasalubong ko si shane pati sila brix at nang makita ako ni shane ay agad niya akong niyakap...

"omyghad besshyy nalaman kona ang lahat na nilo---ay nevermind beshyy ano ayos ka lang ba?bat pumasok kana?ayos ka lang ba talaga?"sunod sunod niyang tanong sa akin..

"wait shane di ako makahinga."sambit ko at kinalas ang yakap niya..

"sorry."sambit niya...

"ayos lang ako shane kaya wag ka ng mag alala pa at ayoko ng pag usapan ang tungkol doon."sambit ko..

"cge tara na sa canteen recess tayo."sambit nila.

tumango ako at nauna si shane maglakad at ako naman ay sinabayan ni brix..

"hey.ayos ka lang ba talaga?"tanong nya sa akin habang naglalakad kami.

tumingin ako sa kanya.

"yup.ayos na ako kaya wag kanang mag alala."ssambit ko..

tumango siya at nang makapasok kami sa canteen ay tinginan ang mga tao sa amin at nagbulungan yung iba...

pero di ko nalang sila pinansin dahil ayokong marinig ang mga pinagsasabi nila.

"kami na ang mag oorder."sambit nila brix tumango naman kami ni shane.

"alam mo beshyy dat si brix nalang eh."biglang sambit ni shane.

"huh?pinag sasabi mo dyan shane tumigil ka nga."sambit ko.

"ohkkayy."makahulugang sabi niya..

hindi ko nalang siya pinansin..

dumating narin sila brix at inilagay na sa lamesa ang mga pagkain na bili niya para sa amin.

"here's your food klein."sambit ni brix at iniharap sa akin ang pasta at soda.

"thankyou."sambit ko..

"welcome.kain kana."sambit niya sa akin...

ngumiti ako sa kanya..

"ayieeehhhh  bagay sila...ang sweet sweet nila ohh.."pang aasar nila sa amin...

"ano ba manahimik nga kayo."singhal ko sa kanila...

pero di parin sila tumigil sa pang aasar.

pero napatingin kami lahat sa may bukana ng canteen dahil nagtitilian ang mga tao dito sa loob..

"omyghasshh nandito sila."dinig long sigaw ng isang  babae..

at sa pagtingin ko sa may pinto ay nakita ko siya----sila magkasama at masayang nag uusap.

biglang may kumirot sa aking dibdib..ang sakit parin 

nagtama ang tingin naming dalawa at nakita kong nawala ang ngiti niya kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin.Naramdaman ko nalang na hinawakan ako sa balikat ni brix.

"hey.tara na klein kung ayaw mona dito."sambit ni brix.

"oo nga shane tara na.alis na tayo dito panira lang ng mood eh."sambit ni shane..

tumango ako at ngumiti kay brix..

tumayo kami at nagulat ako ng bigla akong akbayan ni brix..

"tara na."aya niya at naglakad na kami..nagulat rin ang mgaestudyante sa ginawa ni brix pero hindi sila pinansin ni brix naglakad kami hanggang sa magkasalubong kami nila blake pero hindi kona sya tinapunan ng tingin at direderetso nalang kaming naglakad palabas..

siguro hanggang dito nga lang tayo blake sana maging masaya ka sa pinili mong desisyon..

----------------------------------------------------
End Chapter

Deal with the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon