Prologue

566 30 10
                                    


"TEKA lang po! Baka naman po pwedeng manatili pa ako kahit isang buwan na lang. Pangako gagawa po talaga ako ng paraan!" pagmamakaawa ni Prim sa may ari ng inuupahang bahay.

"Tapos na ang palugit na ibinigay ko sa'yo! Apat na buwan ka nang hindi nakakabayad. At hindi ko na papaabutin pa yon ng limang buwan. Papaupahan ko na lang sa iba kaysa malugi ako kakahintay sa pang upa mo!"

"Pero may pambayad naman po talaga ako eh, minalas lang po ako atㅡ

ㅡWala na akong pakialam kung mabayaran mo pa yon o hindi na! May nahanap na akong bagong mangungupahan bilang kapalit mo. Sige, na! Umalis ka na! Hindi na kita mapagbibigyan kahit magmakaawa ka pa! O baka naman gusto mo pang singilin ko sayo ngayon mismo ang kabuuan ng utang mo?!"





Prim's POV

ILANG oras na ang lumipas matapos akong mapalayas sa apartment ko. May natitira pa naman akong pera na sakto para sa pang-kain ko ng ilang araw pa. Pero wala talaga akong ibang mapupuntahan. Kusa akong dinala ng mga paa ko sa parke dahil ito ang tanging lugar kung saan gumagaan ang pakiramdam ko.

"Ano na bang dapat kong gawin?" buga ko ng hangin.

Nagambala ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang kaluskos sa makakapal na hanay ng puno sa di kalayuan. Mula ron ay nakita ko ang isang lalaki na tumilapon at bumagsak sa mismong harapan ko.

"O-okay ka lang?" tayo ko.

Napansin kung duguan ang damit niya at puno siya ng sugat at kalmot sa katawan. Alam kong mapanganib ang lapitan siya ngunit hindi 'ko matitiis na hayaan lang siya sa ganong kalagayan. Isa pa, nandon na rin naman ako at hindi tamang tumunganga lang ako.

"Argh.. lumayo ka!" Napaupo ako sa damuhan nang tabigin niya ako, "V-vampire ka?" tanong ko agad nang masulyapan ko ang pangil at mapupula niyang mata.

"Umalis ka na rito kung gusto mo pang mabuhay!" muling asik niya at tumayo na para bang walang nangyari, "Hindi ito ang tamang lugar na dapat tinatambayan mo sa ganitong oras."

Di ko na namalayan ang oras sa sobrang pag-iisip.

"Sungit.." nakanguso kung bulong, "Ikaw na ngang tutulungan ikaw pa 'tong galit!"

"Wag ka na lang sumagot pwede?! Sinabi nangㅡ

Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil natabunan na yon ng tili ko nang isa pang bampira ang lumitaw mula sa itaas ng puno at umatake sa direksyon ko. Ang akala ko katapusan ko na pero daglian niyang sinalag ang sakmal nito kaya siya ang nasugatan.

"Arggghh!!!" hiyaw niya.

Awtomatiko akong napatago sa likuran ng isang puno habang pinapanood silang dalawa. Matapos ang ilang sandaling pakikipagbuno ay nagawa niya itong patumbahin hanggang sa tuluyan na iyong mag-abo. Ngunit kasunod non ay bumagsak na rin siya sa damuhan. Taranta ko siyang dinaluhan.

"Mr. Vampire-

-Umuwi ka na.." nakapikit niyang usal.

"Siguradong ka bang ayos ka lang?" bukod sa nag-aalala ako sakanya ay nakakahiyang sabihin na wala akong mauuwian ngayong gabi, "T-tinatamad pa akong umuwi eh.." pasinungaling ko, "Sino ba yong nakalaban mo kanina?" pag-iiba ko sa usapan.

Vampire's MenuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon