Meet Hazel Rosales, sa gulang na beinte ay dalaga na siya kung tutuusin, ngunit dahil sa nakasanayang kilos at pagbibihis animo lalaki, walang nakakapuna sa bagay na yun.
Tomboy, basagulera, siga siga, iyon ang dating niya sa looban nila na mas matatawag na squatters area dahil sa mahihirap na taong nakatira sa tagpi tagping bahay. Idagdag pa ang uri ng kanyang trabaho na barker ng Jeepney sa terminal Kaya lalo siyang naging palaban sa buhay.
Maswerte nga lang at ang bahay nila na kahit paano ay Gawa sa bato ay hindi naman masasabing squatters dahil kanila ang may isandaang metro kwadradong lupa na kinatitirikan niyon.
Pagka uwi ng bahay ay nadatnan ni Hazel ang bunsong kapatid na si Diana na malungkot na naman at parang wala pang Kain.
" Oh? Bakit ganyan ang hitsura mo? "
" Si nanay umalis na naman. " pahikbing tugon ng isang 6 years old na batang babae.
" ha? Saan na naman pumunta? " nangunot ang kanyang noo at paburarang naupo sa tabi ng kapatid.
" Ewan ko ate... Kasama na naman si Mang Emong na karpentero. Narinig ko, manonood daw sila ng sine. "
May gumapang na nag uunahang ngitngit sa kanyang dibdib. Hindi na yata talaga magbabago ang kanyang Ina. Katatapos lang sa isang panget na relasyon kung saan nag mukha itong punching bag ng dating ka live in na pulis, ngayon ay mukhang balak na naman nitong magpabola sa lalaki.
" kumain ka na ba? "
" Sabi ni nanay, kainin ko raw hung kaning lamig sa kaldero kahit walang ulam. "
" Letse! " lalong nag ngitngit si Hazel.
" Halika, sa karinderya na lang tayo kumain. " tumayo Siya at inakay ang kapatid patungo sa labasan.Kahit walang pakialam ang kanilang Ina sa kanila ay hindi nalang iyon iniinda pa ni Hazel, bukod sa nasanay na Siya dito ay wala naman narin siyang pakialam sa kanyang Ina na parang hindi anak ang turing sa kanilang magkapatid.
Si Hazel na ang tumayong Ina at Ama kay Diana simula nung mamatay ang kanilang Ama. Naging responsable at mapag mahal naman siyang kapatid nito. Kahit ano man ang mangyari, susuungin niya ang lahat ng Pagsubok sa buhay para lang maibigay niya ang magandang kinabukasan para kay Diana. Balang araw ay makakaalis din sila sa Mala impyernong bahay na ito. Iiwan ang kanilang masamang Ina at magpaka layolayo.
Kinagabihan habang natutulog na silang magkapatid ay naalimpungatan Siya sa mga ungol mula sa kabilang kwarto, ang silid ng kanyang Ina.
Ano ba iyon? Bakit ang ingay?!
Saglit siyang nakiramdam. Ilang sandali pa ang kinailangan bago nagawang maunawaan ni hazel ang dahilan ng nagaganap na ingay sa kabilang silid.Letse! Letse talaga!! Kung hindi lang kasalanan ang magtakwil ng magulang ginawa ko na!
Gigil na nagtalukbong na lang ng kumot si Hazel upang huwag marinig ang nakaka iritang ingay.
Hindi Siya Papayag na mamulat agad sa kamunduhan ang kapatid. Kapag hindi na Siya makatiis sa lugar na iyon, lalayasan niya ang Ina at isasama si Diana. Pupunta sila sa malayo kung saan makakapamuhay sila ng maayos at tahimik... At kahit paano ay disente.. Kung makakapamili nga lang ba ng magulang ang isang sanggol na isisilang, ginawa nalang sana niya noong araw.
*******************
" Ayokong kumain!!! " malakas na ibinato ni Noel ang pinggan ng pagkain sa pinto ng kanyang silid.
" eh, sabi po ng mama nyo, pilitin ko raw kayong kumain. " wika ni Aling Ibyang na nanginginig ang mga tuhod dahil sa takot sa binata.
" Pag sinabi kong Ayaw, Ayaw!!! Hindi ka ba---- "
" Hijo!! Enough! Ano na naman to? I told you to eat some foods, para hindi ka mangayat. You look pale and you look like you are not healthy at all. Ilang linggo kanang ganyan... Ilang maids pa ba ang kailangan mong awayin ha?! Nagsialisan na ang mga ibang katulong dahil lagi mo silang inaaway. " wika ng kanyang Ina nang makapasok ito sa silid.
Nag iwas nalang Siya ng tingin at muling ibinaling sa kawalan ang paningin.
" Ma, I've told them na Ayokong kumain pero ang kukulit nila! " mataas ang tinig ng binata bagama't halatang nagtitimpi ito ng sumpong sa harap ng Ina.
Napabuntong hininga nalang ang Ginang at naupo sa gilid ng kama niya.
" Anak, wag ka namang ganyan.. It's almost one year mula nang maaksidente ka, hindi mo pa rin ba kayang tanggapin ang lahat? "
" How can I ma? , hindi lang ako inutil, pati ang babaeng pinakamamahal ko ay nawala sa tabi ko. "
" You don't deserve her. Mahina Siya, hindi ka niya kayang samahan sa mga ganitong sitwasyon. Buti nalang hindi mo naging asawa ang babaeng yun. Sigurado akong papabayaan ka lang nun at iiwan.. "
" But I love her.. "
" Noel, anak.. Hindi lang si Sarah ang babae sa mundo.. There is someone who can love you, who can be with you no matter what happens... Iyong makakaya kang mahalin at makasama habang buhay sa kabila ng kalagayan mong yan. "
" where is she? How can I find someone like that ideal woman you said kung nakatali ako sa wheel chair na to? "
" dahil ayaw mong subukan na magpa opera. "
" dahil ayoko na ng panibagong kabiguan. Natatanggap ko na ang kalagayan ko ngayon, another rejection and failure ay hindi ko na kakayanin. "
His mother sighs.
" hindi ka ba magiging masigla, at least, para man lang sa akin, sa amin ng papa mo at sa mga kapatid mo? "
Napabuntong hininga nalang si Noel.
" kaya ako buhay pa, dahil sa inyo. "
Hindi nakakibo si Shaira, pagkuwa'y tumayo na ito at lumapit sa binata.
" anak, ipaghahanda uli kita ng pagkain, ha? Akong magpapakain sa iyo. "
" don't bother, Ma. "
" No, this time, hindi ako Papayag hanggang hindi ko natitiyak na kumain ka na. Aalis ako, kasama ng papa mo. Paluwas kami at Baka bukas na umuwi. Mag aalala ako na Baka nagugutom ka habang wala ako. Kaya huwag ka nang tumutol ha? "
Hindi na kumibo si Noel, ayaw naman niyang saktan ang kalooban ng Ina.
BINABASA MO ANG
She is an IMPOSTOR
RomanceMagiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ang mismong gagayahin niya ay ang kanyang sariling repleksyon?