" Oh tama na, busog na ako, ano ka ba? " natatawang iniiwas ni Noel ang bibig mula sa kutsarang isinusubo ni Hazel.
" I don't believe you. Sige na, Kain ka pa, ha? "
" Hey! Mabuti pa, ikaw nalang ang kumain nyan, ha? " bigla nitong kinuha ang kutsara sa kamay niya sabay hila sa kanya.
" Ay! " gulat na napaupo siya sa kandungan ng binata. " Ano ka ba! Kakainis ka naman! " natatawang hinampas niya ito sa balikat habang pasimpleng kumakawala sa mga braso nitong agad na pamulupot sa kanyang beywang.
" Oh, No! Ngayon pa ba kita pakakawalan, ngayong nasa mga bisig na kita?! "
" N-Noel, ano ka ba, kumakain kapa at----- "
Hindi na natapos ng dalaga ang iba pang sasabihin dahil mapusok at mapangahas na ang sumunod na kilos ni Noel.Mabilis nitong nakabig sa batok ang dalaga, saka sinalubong ng mga labi ang mga labi niya.
Ito sana ang nais iwasan ni Hazel sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na magkalapit sila, ang mapupusok na halik ni Noel at ang mahigpit na yakap.
Ngunit hindi niya kayang pigilin ang binata sa mga ganoong aksiyon, lalo pa at lagi naman ay hindi niya nagagawang tutulan ang kapusukan nito.
Dahil sa tuwing maglalapat ang kanilang mga labi, sa tuwing malalanghap niya ang mabangong hininga ng binata, siya mismo ay tila nawawala sa sarili at nagiging mapagpaubaya na lamang. At hindi niya alam kung bakit. At lagi niyang sinasabi sa sarili na dahil lang iyon sa trabaho at walang personalan.
But deep inside, alam ni Hazel, hindi lang siya nagiging mapagpaubaya rito dahil sa Kailangan, kundi dahil gusto rin niya ang ganoong klaseng sensasyon na ipinapadama ng binata.
Hanggang sa tuluyang nalingat si Hazel, ang mapusok nitong halik ay mas naging malalim, mapaghanap, habang tila wala ng pakialam na nagsimula na ring maging mapangahas ang mga palad nito sa kanyang katawan.
" N-Noel.... " tinangka niyang sawayin ito.
" N-nakakahiya sa mga katulong. " pagkuwa'y bahagya niyang inilayo ang katawan dito at lumayo.Natahimik si Noel. Tila nawalan ng sigla.
Pagkuwa'y naging matiim ang titig sa kanya." Noel, please... "
" Talaga bang Kaya mo ako binalikan ay dahil mahal mo talaga ako? " pormal ang mukhang tanong ng binata.
" H-ha? " nakadama ng pagkataranta ang dalaga. " Noel,, anong klaseng tanong ba yan? "
" You've changed a lot, alam mo ba? "
" Ha? "
" Isang taon tayo naging mag On, at kabisado mo akong maglambing. At kahit minsan, hindi ka nagkaroon ng pakialam sa mga taong nasa paligid natin. You kissed me back, kahit pa sa karamihan ng tao. Pero ngayon, nahihiya ka sa mga katulong? "
Lalong nataranta si Hazel, nakakahalata na ba ito na hindi talaga siya si Sarah?
" Noel, ano ba naman yang ipinagsasabi mo at ------- "
" Am I not desirable enough para ikahiya mo na sa mga taong makakakita na hinahalikan kita? Sabagay, itinatanong pa ba iyon? Ngayong naka upo na ako sa wheel chair na ito----- "
" Stop it, Noel! Ano ka ba? Bakit nagsasalita ka nang ganyan? "
" I'm sorry, napa paranoid lang siguro ako. " kinabig nito ang wheel chair patungo sa pinto. " I'm sorry talaga, masyado lang siguro akong mapaghanap. Anyway, I shouldn't act like this. Pasalamat na nga ako, dahil narito kana uli sa tabi ko. " pagkuwa'y tuluyan na itong lumabas at dumiretso sa sariling silid na katabi ng library.
![](https://img.wattpad.com/cover/141849561-288-k23271.jpg)
BINABASA MO ANG
She is an IMPOSTOR
RomanceMagiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ang mismong gagayahin niya ay ang kanyang sariling repleksyon?