Pagka uwi ni Hazel ng kanilang bahay ay nadatnan niyang kinokombulsyon ng lagnat ang kanyang kapatid. Nakapaka putla nito at nanginginig sa lamig na nadarama sa Buong katawan.
" A-ate.. Ang sakit ng ulo ko.. "
" Ha? " agad siyang napahakbang palapit dito. " Diyos ko, ano bang nangyari sayo? "
Sinalat ng dalaga ang leeg at noo ng bata.
" Nakupo, ang taas ng lagnat mo, ah! "" A-ate, mamatay na ba ako?? "
" Ano?! Hindi!! Hindi ako Papayag na may mangyaring masama sayo, teka lang hihingi ako ng tulong sa mga kapitbahay natin para maisugod ka sa hospital. "
Hindi na maalala ni Hazel kung paano niya nadala ang kapatid sa hospital. Lutang ang kanyang isip sa sobrang pag aalala.
" Dengue fever, " wika ng Doktor na tumingin kay Diana.
Sinulyapan ni Hazel ang kapatid na nakahega sa katreng nasa ER. Kayputla nito, nakapikit ang mga mata, mamad ang mga labi, animo wala ng buhay.
" Diyos ko.. Anong gagawin ko..? "
" kailangang ma confine siya rito. Pero bago iyon, may mga bibilhin kang mga gamot at mga dextrose. At magbibigay ka nga pala ng deposit sa cashier para sa ibang gamot na hindi libre. Isa pa, Baka magkaroon ng blood transfusion kapag kinailangan, kailangang makakuha ka ng donor ng dugo. " wika ng Doktor.
Napalunok si Hazel.
Ang daming gastusin! Saan naman kaya Siya kukuha ng pera? Ey Isang libo lang ang Meron Siya sa bulsa.
" ah, sige ho. Gagawan ko ng paraan. " wika nalang niya.
Maayos namang na confine sa charity ward si Diana, nakabitan ng swero at ngayon ay under observation pa.
" Hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak, natin. " hinagpis ni Shaira habang nag babyahe sila ng asawa paluwas sila sa lungsod at ngayon ay palabas na ng exit toll ng NLEX sa may Camatchile.
" Hon, hayaan mo nalang Siya. " wika ni Alfie habang nagda drive.
" hayaan? My God! Isang taon na siyang ganyan. Nagkukulong sa kwarto, ayaw makipag cooperate sa therapist niya at sa mga nurse na nag aalaga sa kanya. At lately, hindi na kumakain. Laging naka harap sa canvas niya, nag guguhit ng kung ano ano. Baka magkasakit na Siya. "
Napa buntong hininga nalang si Alfie.
" wala naman tayong magagawa hindi ba? Isa pa, ang nag uudyok sa kanya na manatili nalang sa kanyang silid at huwag ng lumaban sa buhay ay ang sinabi ng Doktor na hindi garantiya ang operasyon para makalakad siyang muli. "
" Kailangan ko na talaga gumawa ng paraan para magkaroon uli Siya ng dahilan na lumaban. "
" wala ng paraan para------ "
" Meron! Hahanapin ko si Sarah, kung kailangang kausapin ko Siya, gagawin ko. "
" Hon, ayaw na sakanya ni Sarah. Hindi ba't tinapat na nga niya tayo na hindi na niya babalikan si Noel dahil ayaw nitong magkaasawa ng baldado. "
" Oo, pero makikiusap parin ako sakanya. "
" Don't do that! Hindi magugustuhan ni Noel ang gagawin mo. Masyado na siyang magmumukhang kawawa kapag ginawa mo mo iyon! " bahagyang napataas ang tinig ni Alfie at nilingon ang asawa. Dahil doon nalingat ito sa pagmamaneho at hindi napansin ang isang taong tumatawid sa kalsada.
" hindi naman niya malalaman at---- may tumatawid!!! " sigaw ni Shaira.
" Ha?! " agad namang naibalik ni Alfie ang paningin sa kalsada sabay tapak sa preno.
Ngunit bahagya nang nahagip sa balakang ang babaeng tumatawid." Shit!! Nabundol ko! " agad na nag tanggal ng seat belt si Alfie at bumaba.
" Oh my God! oh my God!! " nag gagahol din na bumaba ng sasakyan si Shaira.
" Miss, okay ka lang? " agad na tanong ni Alfie sa babaeng nakalupasay sa gitna ng kalsada.
" Hindi! Paano ako magiging okay, eh muntikan nyo na akong patayin?! " asik ng magandang dilag na naka ngiwi at pilit na tumatayo habang nakahawak sa beywang.
" pasensya na, halika dadalhin kita sa ospital. "
" dalhin niyo ako sa ospital kung saan naka confine ang kapatid ko, kailangan niya ang mga gamot na ito! " mahigpit parin nitong hawak sa plastik na may lamang mga gamot.
" Pasensya Kana miss at----- " natigilan si Shaira nang mapatitig sa mukha ng babaeng inaalalayan ng asawa. " Sarah?! "
" Ho? Hindi po Sarah ang pangalan ko! " lalong napasimangot ang dalaga.
Pero maging si Alfie ay naagaw narin ang pansin at napatitig sa mukha ng nabundol.
" Oo nga, kamukha ka ni Sarah. "
" Hindi nga po Sarah ang pangalan ko. "
" Ah, halika, Hija sumakay ka sa kotse namin at dadalhin ka namin sa ospital kung saan naroroon ang kapatid mo. "
Kokontra pa sana si Hazel, pero Naalala niya ang kapatid, kailangan nga palang makabalik agad siya roon. Kung bakit naman kasi nahirapan siyang mangutang ng pAmbili ng gamot.
" S-sige po... " paika ikang sumakay Siya sa sasakyan ng mga ito kahit hindi pa ito lubusang kilala.
BINABASA MO ANG
She is an IMPOSTOR
RomansaMagiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ang mismong gagayahin niya ay ang kanyang sariling repleksyon?