Chapter Four

6.5K 113 1
                                    

Tapos na ang lesson nila ni Miss Fontana para sa araw na iyon para sa tamang paglakad at pagkain sa mesa.  Ngayon naman ay pinapanood ni Hazel ang isang CD kung saan ipinapakitang magkasama sina Sarah at Noel sa pamamasyal sa ibang bansa.

Siya pala si Noel!  Ang Gwapo pala niya. At si Sarah, napaka ganda niya! Bagay na bagay sila.

Nagpatuloy siya sa panonood. Pinag aaralan niya ang bawat kilos ni Sarah,  kung paano ito maglambing kay Noel,  kung paano gumanti ng yakap at kung minsan kung paano gumanti ng halik.

Napapalunok nalang si Hazel. Kahit saang anggulo niya tingnan,  isang perpektong relasyon ang pinagsasaluhan ng Dalawa.

Si Sarah,  mukhang madly in love kay Noel. The way she looks at him,  the way she kisses him at lahat ng kilos ng babae,  mukhang Patay na Patay ito sa binata at laging nakayakap at nakakapit na para bang ayaw nang bumitaw.

Sabagay,  hindi naman nakaka pagtaka iyon. Napaka pogi ni Noel, matangkad,  maayos ang tindig, mga katangiang sapat na dahilan para lumaban ng patayan ang isang babaeng makakarelasyon nito.

Pero  bakit iniwan nito si Noel pagkaraan ng aksidente?  Sapat na bang dahilan na naging inbalido na ito?

Kung siya ang nobya ni Noel,  kahit na anong mangyari dito,  hindi siya lalayo,  siya ang magiging lakas nito kung anuman ang mangyari.

Habang nakatitig siya sa gwapong mukha ng binata sa monitor ng TV,  hindi niya maintindihan ang nadarama. Gusto niyang makita na ito ng personal,  Gusto na niyang magpanggap. Gusto na niyang tulungan si Noel na makaahon sa kinalulugmukan nitong depresyon.



*******************

" She's magnificent,  Mrs. El Salvador!  "
Nasisiyahang wika ni Mrs. Fontana.

" really?  " nangislap ang mga mata ni Shaira.

" yes. I know Sarah Francisco, personally, and this young lady,  kapag nakita mo na kung anong klaseng development ang ginawa ko sa kanya,  siguradong magugulat ka. Sandali lang ha?  " humakbang ang tutor ni Hazel patungo sa silid at kinatok iyon.   " Hazel, lumabas ka na,  narito na si ma'am Shaira mo. "

Bumukas ang pinto,  humakbang palabas si Hazel. Bahagya namang napigil ang paghinga ni Shaira.

" Sarah....  " sambit ng ginang nang magtama ang mga mata nila ng dalagang lumabas.

Ngumiti si Hazel, full of confidence. Nakatakas ang noo at bahagyang nakaliyad ang dibdib. At sa suot ng dalagang bestida na hapit sa katawan at hanggang hita ang haba,  ang Nakikita talaga ngayon ni Shaira ang Maganda, sosyal at sopistikadang si Sarah na noon ay lihim niyang kinaiinisan bagamat pikit-matang tinanggap sa kanilang pamilya dahil alam nitong mahal na mahal ni Noel ang nobya .

" Hello,  Mommy Shaira!  " mataginting ang tinig na wika ni Hazel.

" Sarah...  " lalong napamaang ang ginang. Ganitong ganito kung batiin siya ni Sarah noon kapag dumarating na kasama si Noel.

" So,  what can you say about her,  huh? " untag ni Mrs. Fontana dito.

" My Gosh!  I can't believe it!  She's the carbon copy of Sarah Francisco!  "

" you said it right,  madam. At sa tingin ko,  kahit si Noel ay hindi siya makikilala. Unless,  magtatanong ito kay Hazel ng mga personal nilang usapan. "

" Yeah. Pero sa tingin ko,  iyong ibang personal na bagay na napag usapan nila ay masasabi ko na kay Hazel dahil nasasabi iyon sa akin ni Noel noon. "

" well, that's good. Iyong ibang hindi ko naituro kay Hazel ay ikaw na ang bahala. "

" Okay,  Ako na ang bahala. Ah,  Hija,  halika,  Marami pa tayong pag uusapan. Alam ko,  kailangan pa talaga nating mag usap para makatiyak tayo na hindi mabubuko ni Noel. And after that,  saka tayo haharap sa kanya...  Ikaw,  bilang si Sarah Francisco na nagbabalik na sa kanyang pag Ibig.  "

Sumasal ang tibok ng puso ni Hazel sa isiping iyon.

**************

Marahang gumala ang paningin ni Hazel sa kabuuan ng malawak na sala. At tila Gusto niyang kapusin ng hininga dahil sa paghangang nadarama sa mga sandaling iyon.

Napaka ganda ng lugar,  nakakalula ang mamahalin at magagandang kagamitan na nakapalamuti roon.  Walang dudang napakayaman ng pamilya ni Noel El Salvador.

" So,  anong masasabi mo sa bahay ko,  Hija? " mula sa hagdan ay pababa si Shaira.

Kagaya ng una niya itong makita, she looks very regal in her pink dress. Bagay na bagay dito ang napaka ganda ng chocker na suot sa leeg at ang kumikinang na brilyante sa suot nitong dangling earing na gumagalaw-galaw pa sa bawat paghakbang nito.

" napaka ganda po. Ang totoo po,  ngayon lang po Ako nakakakita nang ganito. "

" talaga?  Iyan ang Gusto ko sa iyo. Hija. Masyado kang totoo. Hindi ka plastic. "
Anito na ngayon ay nakatayo na sa kanyang harapan.

" Ma'am,  talaga po bang dito na ako titira?  "

" Oo naman,  kagaya nga nang napagkasunduan natin,  dito ka titira habang inaalagaan mo si Noel... At habang nagpapanggap ka bilang si Sarah. Wag kana mag alala sa kapatid mo,  ako na ang bahala sa kanya, ang importante magampanan mo nang maayos ang trabaho mo. "

" ah,  nasaan na po si Noel?  "

" Nasa kanyang silid,  pero bukas mo na siya makakaharap. Magpahinga kana muna sa magiging silid mo at mamaya ay ipapatawag kita para sa hapunan. Si Noel ay hindi lumalabas sa kanyang silid Kaya doon na lang siya hinahatiran ng pagkain. Kapag nagsimula ka nang alagaan siya,  ikaw na ang magpapakain sa kanya,  okay? "

" O-opo. " pero hindi pa man ay parang may naghahabulan ng daga sa loob ng kanyang dibdib.

Ang sabi ni Shaira ay naging bugnutin ang anak nito mula nang maaksidente at natali sa silyang de-gulong... At lalo pang nadagdagan iyon nang hindi na bumalik ang nobyang si Sarah,  paano kung bayolente pa pala ito sa inaasahan niya? 

Pero hindi na siya pwedeng umurong,  tinanggap na niya ang trabahong iyon kapalit ng malaking mahalaga.

Nang gabing iyon ay naging mailap ang antok kay Hazel. Kung anu-anong espekulasyon ang nabubuo sa kanyang utak habang iniisip ang magiging paghaharap nila ni Noel El Salvador.

Kakayanin ko kayang magpanggap na si Sarah Francisco?  Paano kung mahalata niya na hindi ako ng nobya niya?  Diyos ko!  Tulungan nyo po ako. Ayokong sumabit...  Nakasalalay po sa trabaho kong ito ang magandang kinabukasan namin ni Diana...  Dahil po sa matinding pangangailangan,  ay magiging isang Impostora po ako sa sarili kong repleksyon.

She is an IMPOSTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon