" N-Noel.... " bahagyang pinisil ni Hazel ang kamay ng binata nang makitang nagsimula na itong magising.
" Noel, hijo... Naririnig mo ba ako? " malambing na tanong ni Shaira na masuyong hinaplos ang pisngi nito.
" Hmmmm... " umungol lang ang binata, pagkuwa'y nagsimulang dumilat.
" Noel... " tila may sumakal sa puso ni Hazel nang magtama ang kanilang mga mata.
" Sarah.... Mama... " baling nito sa Ina na may ngiti sa mga labi kahit halatang may iniinda pang masakit sa katawan.
" Noel, naigagalaw mong leeg mo? " sambit ni Shaira.
" Opo. "
" Oh, thanks God! It's a good sign, hijo. "
" talaga po? "
" O-oo iyon ang sabi ng Doktor. " naiiyak na wika ni Hazel.
Alam niya, tagumpay ang operasyon, positibo siya sa bagay na iyon.
Makakalakad si Noel.
Naghintay pa sila ng mga araw, patuloy na inoobserbahan ang kondisyon ng katawan ng binata.
" That's a great sign, " wika ng Doktor nang makitang nakakaupo si Noel. " May palagay akong makakalakad na siya pagkaraan ng isa o dalawang buwan pa, "
" Talaga po?? " lalong napuno ng pag asa ang puso ni Hazel na nanatili sa tabi ng binata habang nasa ospital ito.
" Oo, Kaya huwag ka nang masyadong mag alala, okay? "
" O-opo.. "
Nang lumabas na ang Doktor ay tuwang bumaling siya kay Noel .
" Yeah, narinig ko. At kahit noon, alam kong makakalakad ako. Alam mo kung bakit? "
" B-bakit? "
" Dahil narito ka sa tabi ko. "
" sus, nambola na naman------- "
She was surprised by the very sweet kiss of Him. Hindi na nakapalag si Hazel, sa halip ay tinugon na rin niya ang halik na iyon.
At lalong nalunod sa galak ang kanyang puso dahil sa nalalapit na pagbabalik ng Normal na buhay para kay Noel.
*********************
" My God! I can't believe this! " bulalas ni Noel habang paisa isang humahakbang patungo sa kama. " Nakakalakad na ako! Ma, Sarah, Nakakalakad na ako!! "
" Oo nga, Nakakalakad ka na. Konting practice na lang, babalik na sa normal ang buhay mo. " naiiyak na wika ni Hazel.
Humakbang pa ito palapit sa kanya at yumakap.
" at kapag nagbalik na sa normal ang paglakad ko, pakakasal na tayo, ha? "
" H-ha? " napamaang na lang siya sa sinabi nito.
" You heard me right, Honey. Itutuloy natin ang kasal. Hindi ba, Ma, mas Maganda iyon? " baling nito sa Ina.
" Ah, Oo naman hijo, " alanganin din ang sagot ni Shaira.
" You heard that, Honey. Payag si Mama. Kaya pumayag ka na ha? "
" S-saka na natin pag usapan ang----- "
Tatlong katok mula sa pinto ng silid ang pumukaw sa kanila.
" Sino yan? Pasok! "
Bumukas ang pinto. Mula roon ay sumungaw ang isang pamilyar na mukha.
Nagtama ang mga mata nina Noel at nang bagong dating.
BINABASA MO ANG
She is an IMPOSTOR
RomanceMagiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ang mismong gagayahin niya ay ang kanyang sariling repleksyon?