" Gusto ko, magpagupit ka ng buhok, ha? " malambing na wika ni Hazel habang sinusubuan si Noel.
" Oo na, pero pwede ba, ako na ang magsusubo sa sarili ko. "
" Ah, hindi! Ako magsusubo sa iyo para ma siguro ko na Marami kang makakain, okay? Sige na, nganga na. "
" ginagawa mo naman akong bata eh. "
" Hindi, Gusto ko lang talagang pagsilbihan kita. Sige na naman, Oh. "
" sige na nga, " kahit mukhang busog na talaga si Noel ay napilitan itong tanggapin ang kutsarang may lamang pagkain.
Mula sa dulo ng mesa ay lihim na nagmamasid si Shaira habang kumakain. Nasisiyahan itong lalo sa nakikitang napakabilis na pagsigla ni Noel.
I know, hindi ako nagkamali ng isipin kong si Hazel ang makakapagbalik ng sigla ng anak ko. At sa tulong ni Hazel, makukumbinsi ko rin si Noel na magpa opera. At kapag nakalakad siyang muli, mas madali na marahil para sa kanya ang tanggapin na hindi talaga si Sarah ang babaeng para sa kanya. At si Hazel, magiging Malaya na siya. Malaking halaga din ang ibabayad ko sa kanya. At kahit na malaking halaga iyon, sa Nakikita ko ngayon kay Noel, hindi na mahalaga ang perang nagasta ko para lang magampanan ni Hazel ang papel bilang si Sarah.
Hindi sinasadyang napasulyap si Hazel sa ginang. Ngumiti ang babae sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata.
Agad namang nag iwas ng tingin si Hazel at inabala ang sarili sa pagsusubo kay Noel.
********************
" Binabati kita, Hazel. Hindi ko inakala na magiging napakadali para kay Noel na Patawarin si Sarah. " nakangiting wika ni Shaira nang magkasarilinan sila ng dalaga sa greenhouse.
" Ah, siguro ay masyado niyang mahal si Sarah Kaya ganun. " naiilang na wika ni Hazel Kaya pilit na ibinabaling ang paningin sa magagandang bulaklak ng mga roses at orchids na tanim ng ginang.
" well maybe, " pabuntong hiningang wika ng ginang. " pero hindi kapatdapat si Sarah sa pag Ibig ng anak ko. Wala siyang kwentang babae. " bahagyang dumilim Ang mukha nito. " anyway, Mabuti nalang at ikaw na ang papapel bilang si Sarah. Ayoko na rin makita ang babaeng iyon. "
Hindi na kumibo si Hazel. Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot dito.
" siyanga pala, dumating na yung mga bagong damit na ipinakuha ko sa boutique namin. I hope you'll like it. "
" nako, ang dami na po ng mga damit na nandoon sa closet. "
" you should wear all that. Banidosa si Sarah. Mahilig sa magagandang damit at magagandang bagay. Magtataka si Noel kapag bigla kang nagbago. Kung naiilang ka na laging naka make up kahit na nasa bahay, okay lang na huwag kanang mag make up. Magtataka lang si Noel, pero alam kong mas Gusto niya ang babaeng hindi pala-make up. "
Sa bagay na iyon ay nakahinga ng maluwag si Hazel.
" Ah, ma'am, hinahanap na po ni señorito Noel si ma'am Sarah. " wika ng katulong na lumapit sa kanila.
" ah, sige aakyat na ako sa kwarto niya. Ma'am Shaira, pupuntahan ko po muna siya. "
" Tita Shaira, Hija. Para naman masanay ka, okay? "
" O-opo Tita Shaira. "
" Good! Sige na puntahan mo na si Noel. "
" Opo. " may pagmamadaling humakbang na siya palayo rito.
**********************
" Hayan, ang pogi mo na lalo! " masuyong hinaplos ni Hazel ang buhok ni Noel nang Matapos niya itong suklayan.
" Ano ka ba, para nagpagupit lang, ang pogi ko na, " nakangiting Naiiling na wika ni Noel.
" Aba, talaga naman ah. Ang pogi mo na lalo ngayon. " natatawang ikinulong niya sa mga palad ang mukha ng binata. " at Gusto ko, lagi kang ganyan ha? "
" Oo na! " biglang pumulupot ang mga braso nito sa beywang niya. " sa isang kondisyon, " wika pa nito.
" ano yun? " sinikap ni Hazel na huwag ipahalata ang pagka ilang.
" basta lagi ka sa tabi ko. " lalo pang humigpit ang yapos ng mga braso nito sa beywang niya.
" Oo naman. "
" Good! So, Baka naman gusto mo akong samahang mamasyal sa Hardin? Matagal tagal na rin akong hindi nakapasyal doon. "
" Oo na, halika, sasamahan kita. " agad siyang tumungo sa bandang likuran nito upang itulak ang wheel chair ng binata.
" Hey, Kaya ko na iyan. Remote mechanism ang wheel chair na ito at narito sa akin ang control. "
" Pero------ "
" just come here, hold my hand at ako nang bahalang magtulak ng wheel chair ko, okay? "
Magkahawak kamay silang lumabas ng special door na ipinasadya para rito upang makalabas ng bahay na iyon kahit na walang tulong mula sa iba.
Kay higpit ng hawak ni Noel sa kamay niya, parang ipinadarama sa kanya na basta naroon siya sa tabi nito, wala itong hindi kakayanin.
Sa kabila parin ng pagkakailang, lalo niyang naiisip na kailangan talagang pagbutihin niya ang pagpapanggap bilang si Sarah Francisco.
That way, mas mare-realize ni Noel ang kahalagahan ng buhay na nais na sana nitong talikuran dahil sa sinapit.
BINABASA MO ANG
She is an IMPOSTOR
RomansaMagiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ang mismong gagayahin niya ay ang kanyang sariling repleksyon?
