Chapter Ten

9.8K 216 60
                                    



" Positive,  nasa Liliw Laguna nga siya.  " 

Nakuyom nalang ni Noel ang kamao sa balitang dala ng kanyang ini. Hire na private investigator para hanapin si Hazel.

" Anong lagay niya?  Kumusta na siya?  "

" Sa tingin ko,  mag aapat na buwan na siyang buntis. Medyo Malaki na kasi ang kanyang tiyan. "

" Oh God!  " Napasapo nalang sa noo ang binata.

" Ibig mong sabihin,  buntis siya.... At ikaw ang Ama?  " napalapit si Shaira sa kanya na naroon din at nakikinig sa dalang balita nito.

" Yeah,  sa akin ang batang iyon,  Ma. Alam ko,  sa akin yun. Sige, pupunta na ako roon.  "

" Sasama ako hijo. "

" saka nalang,  Ma. Pangako, ibabalik ko siya rito. "

" Do that hijo,  She's a good person, A good woman. Mahal ka niya,  Nakita ko na iyon noon pa mang inaalagaan ka niya. "

" At naramdaman ko na iyon, Ma. Kaya nga minahal ko siya ng husto. Iyon ay kahit nagdududa na ako na hindi siya si Sarah. At lalo kong natiyak na hindi siya si Sarah ng may mangyari sa amin. She's a Virgin. "

" Yeah. Pikit mata ibinigay ang sarili sa sa iyo dahil sa pag Ibig niya sayo Anak. Dapat lang na makita mo siya. Siya ang gusto kong maging manugang. "

Napangiti na lang si Noel sa sinabi ng Ina. At noon din ay lumakad na siya, lulan ng kanyang kotse na ngayon ay siya na mismo ang nagda drive. He's back to normal now. Good as new, kumbaga.



*********************



" Malaki na ang tiyan mo,  Baka naman kung mapaano kana niyan. "  paalala ni Aling Minda.

" Hindi po,  okay lang ako. Sige po,  iuuwi ko na muna itong mga labahan para Matapos bukas. "

" Sige,  para mabayaran kita. "

" Sige po,  salamat. "

Malalaki ang hakbang na tinalunton na niya ang baku-bakong kalsada patungo sa kubo nila ni Diana. Siguradong gutom na ang kanyang kapatid.

Mayamaya ay bahagyang tumigil sa paglalakad si Hazel. Ibinaba muna ang mga labahan dahil tila may kumikirot sa kanyang puson. Ilang sandali siyang nagpahenga at muli nang binitbit ang tanggap na labada.


" Hazel!  "

Napalingon si Hazel sa may ari ng tinig na tumawag sa kanya. At ganoon na lang ang pagka gulat nang makilala kung Sino ang lalaking pababa ngayon sa humintong kotse.

" N-Noel?!  " nanlaki ang kanyang mga mata.

Diyos ko,  paano niya nalamang narito ako sa Laguna?! 

Nakita niyang patakbo na itong palapit sa kanya.

" Hindi!  Hindi niya ako dapat maabutan!  Ayoko na siyang makita,  ayoko nang maka usap, lalong Ayokong marinig ang masasakit na salitang sasabihin niya sa akin. Ayoko!  "  sukat sa isiping iyon ay akmang tatakbo palayo dito.   " Oh!  " pero bigla ang pagsigid ng kirot sa kanyang sinapupunan kaya bahagya siyang napauklo nang tayo.

" Hazel!  " Heto na sa tabi niya ang binata.

Pero tuluyan nang nagdilim ang paningin ni Hazel nang masulyapan ang umaagas na dugo sa kanyang hita at binti.

" Hazel!  " Mabuti nalang at naging maagap ito sa pagsalo sa bumigay na katawan ng dalaga.


Naaalimpungatan na lang siya sa pakiramdam na may humahalik sa kanyang pisngi.

" Hazel...  " masuyong ginagap ni Noel ang kamay ng dalaga at pinisil.

" N-Noel!  " napalunok siya nang mapagtanto kung Sino nga ito.

" yes, it's me. " malamlam ang mga matang wika nito.

" H-hindi! Ayoko!  " bigla siyang bumangon at akmang aalis sa hospital bed.

" Hazel,  ano ka ba? Huwag kang kumilos, masama sa iyo!  "

" A-ayoko!  Bitiwan mo ako,  layuan mo ako!  "

" Stop it,  Hazel!  Sinabi ng Doktor na masama sa iyo ang maling kilos dahil Baka tuluyan nang malaglag ang sanggol sa sinapupunan mo dahil mahina ang kanyang kapit. "

" H-ha?!  " sukat sa sinabi ng binata ay natigilan nga si Hazel. Pagkuwa'y awtomatikong nasulyapan niya ang puson na sa pagkakatanda niya ay may kalakihan na nga.  " A-anak...  "

" Yes,  anak natin. " masuyong ginagap ni Noel palad niya at hinalik-halikan.  " And thank you so much dahil Malapit mo na akong bigyan ng anak. And thank God dahil hinayaan niyang makita kita bago kapa manganak. Ngayon ay may pagkakataon na akong alagaan ka at ang baby sa tiyan mo. "

" Noel...  " She stares at him.

" Madaya ka,  magkaka baby na pala tayo,  hindi mo man lang sinabi sa akin. Nagtago ka pa. Paano kung hindi kita nakita?  Lalo na yan,  mahina pala ang kapit sa sinapupunan mo pero pinipilit mo pa ring mag trabaho. God!  I can't imagine na ni hindi ko man lang malalaman na nagkaanak pala ako sa babaeng pinakamamahal ko. "

" Noel!  A-ano bang pinagsasabi------- "

" I love you,  Hazel.  I love you!  " bigla nitong niyakap ang dalaga.

kay init parin ng dibdib ni Noel,  kay bango nito, kaysarap paring yumakap,  para parin siyang idinuduyan sa kaligayahan.

" Hazel,  I'm so sorry dahil hindi agad kita hinanap. Although may hinala na ako noon na hindi ka si Sarah, nabigla parin ako sa kompirmasyon na isa ka ngang Impostor na bayaran. Hindi ko kasi alam kung ano ang iisipin at gagawin. Pero nang mawala ka,  saka ko na realize na ang impostor na iyon ang babaeng mas dapat kong mahalin dahil siya ang tunay na nagmamahal sa akin. " He hold her beautiful face.

" P-pero binayaran ako ng mama mo Lara gawin iyon. Ang malaking halaga na inialok niya sa akin ang talagang dahilan kaya---- "

" Na sa huli ay hindi mo tinanggap dahil hindi mo kayang ipagbili ang pag Ibig na iniukol mo na para sa akin,  hindi ba?  "

Hindi nakakibo si Hazel.

" So Will you marry me?  "

" Noel!  "

" para sa baby natin. "

" Noel,  hindi ako karapat-dapat sayo. Mahirap lang ako,  hindi Nakapag tapos ng pag aaral. Ngayong nakakalakad Kana,  higit pa sa akin ang matatagpuan mo,  higit pa kay Sarah,  at higit pa sa------ "

" wala akong ibang gusto kundi ikaw At ang magiging baby natin. Ikaw ang kailangan ko dahil ikaw lang ang nagmahal sa akin noon sa kabila ng kalagayan ko. At alam ko, hindi iyon dahil sa pera. Kaya ngayon,  ang nais ko ay makasiguro na hindi ka na Mawawala sa akin. Please marry me. Hazel, plssss marry me. "

" S-sige...  Papayag na ako.. "

" Oh Hazel!  " mahigpit siya nitong niyakap.

Alam niyang tuluyan nang nakalimot si Noel sa alaala ni Sarah.... Dahil gagawin pa niya ang lahat para lalo nitong makalimutan ang isang walang kwentang pag Ibig...... Dahil ang pag Ibig na iaaalay niya rito ay iyong wagas at dakila....






~~~~ The End......

She is an IMPOSTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon