" Salamat ho, Doktor. " wika ni Shaira. " O, narinig mo yun Sarah, wala ka naman daw gaanong pinsala----- "
" hindi nga po Sarah ang pangalan ko. Ako nga po si Hazel. " angil niya.
" ah, pasensya Kana, nakalimutan ko. So, iyon nga, wala ka naman daw gaanong pinsala kundi mga gasgas lang sa katawan. Siguro naman, hindi Kana mag rereklamo at----- "
" ah, huwag na po kayong mag alala, hindi na po. " tumayo siya at agad na lumabas ng klinika.
" sandali lang, Hija! " humabol sa kanya si Shaira.
" bakit po? Titingnan ko pa sa itaas ang kapatid ko at Baka may kailangan pa siyang----- "
" idagdag mo na itong pAmbili mo sa gamot niya. "
Napatingin si Hazel sa ilang lilibuhing papel na iniaabot nito. May isang bahagi ng kanyang utak ang gustong tumutol dahil hindi naman niya kilala ang mga ito, isa pa, hindi naman talaga Siya masyadong nasaktan sa pagkakabundol ng sasakyan nito.
Pero may isang bahagi naman ng kanyang pagkatao ang nag uudyok na tanggapin iyon.
Kailangang-kailangan niya ng pera, hindi ba? Bukod sa mga kailangang gamot ni Diana, Baka bigla nalang kailanganin na salinan ng dugo ang bata ayon na rin sa Doktor.At saan pa Siya kukuha ng pera? Kanina nga halos maglumuhod Siya kay Rosario na kapatid ng Namatay niyang tatay para lang makautang ng limang daan.
" Sige na, Hija, kunin mo na. Para sa kapatid mong may sakit. "
" S-salamat ho! " dalawang kamay niyang tinanggap ang pera, pagkuwa'y humakbang na Siya palayo rito.
Sumunod ang tingin ni Shaira sa palayong dalaga.
" Hon, anong iniisip mo? " untag ng asawa rito.
" Ibang iba Siya kay Sarah, malayung malayo Siya sa babaeng yun, pero magka mukhang magkamuha sila. " tila wala sa loob na wika ng ginang.
" yeah, maybe, pero sigurado ako, hindi sila iisa. "
" Mabuti naman, dahil masamang babae si Sarah. " bahagyang nagtagis ang mga bagang ng ginang.
" O, apektado ka na naman pagkaalala mo sa babaeng iyon. Halika na nga, mahuhuli na ako sa meeting ko. "
" Sandali! "
" bakit? "
" si Hazel, Baka makatulong Siya sa problema natin kay Noel. "
" Ano ka ba? Anong maitutulong ng babaeng iyon? Huwag ka na ngang mag isip isip ng kung anu-ano. Halika na. " inakay na nito ang asawa paalis ng hospital na iyon.
Pero sumama man sa asawa si Shaira, hindi parin nabubura sa kanyang isip ang posibilidad na Baka makatulong sa kanila ang dalagang muntik na nilang madisgrasya sa daan.
*************************
" Kalahating Milyong Peso?! " hindi maka paniwalang sambit ni Hazel habang titig na titig sa babaeng walang kaabug-abog na dumalaw sa kapatid niya sa hospital.
Marahang tumango si Mrs. Shaira El Salvador.
" At may bunos ka pa kapag mas maagang nagtagumpay ang misyon mo. "
" P-pero... . mahirap pong magpanggap na ibang tao gayung----- "
" mahirap naman talagang kitain ang Kalahating milyon hindi ba? Isa pa, anong klaseng trabaho ba ang mapapasukan mo na kikita ka ng ganyan kalaking halaga? "
BINABASA MO ANG
She is an IMPOSTOR
RomantikMagiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ang mismong gagayahin niya ay ang kanyang sariling repleksyon?